Chapter 12

958 40 2
                                    

Chapter 12

Ysabelle

"Mahal mo ba ako Lawrence?"

Andito kami sa condo niya. Ngayon na lang ulit ako pumunta dito simula noong nalaman ko na buntis ako. Kagagaling lang namin din sa clinic kanina para magpacheck up. Ok naman daw ang kapit ni baby. Madami ding vitamins na binigay si Doktora para sa akin at para na din sa development ni baby. Sinamahan ako ni Lawrence. Kanina habang nagpapaliwanag si Doc pinagmamasdan ko siya. Seryosong seryoso siya sa pakikinig kay Doc na hindi niya napansin na nakatingin ako. Ganoon siguro talaga niya kagusto na malaman ang mga dapat at hindi dapat gawin sa pagbubuntis ko. Ngayon pa lang nasisigurado ko na magiging mabuting ama siya.


"Nakukulangan ka pa ba sa pinakikita ko?" Lumapit siya sa akin. nakaupo ako kasi sa sofa. Lumuhod siya sa harap ko. Yung paraan ng pagtingin niya sa akin. Nakakapagsisi na tinanong ko pa siya. Titig pa lang ramdam ko na yung pagmamahal niya. Lalo na siguro kung aalisin ko yung "g", siguro ramdam na ramdam ko lalo. Apaka horny mo Ysabelle. Pero masisisi niyo ba ako? Ilang linggo na din. Sabagay hindi naman kami. "Mahal na mahal kita Ysabelle. Unang kita ko pa lang sa'yo sa bar noong gabing yun sigurado na ako na ikaw makakasama ko sa pagtanda. Hindi ko maipaliwanag ang bilis ng tibok ng puso ko noong oras na yun. Kaya nilapitan kita. Wala sa plano yung nangyari pero hindi ko pinagsisihan ang naganap. Masaya ako na buntis ka ngayon. kahit sabihin mo na hindi yun magbabago ng katotohanan na hindi mo pa ako sinasagot ang mahalaga may buhay tayong nabuong dalawa."

"Paano kung hilingin ko na alisin mo si Engr. Fontanilla sa project? Gagawin mo ba?"

"Alam ko naman na hindi mo yun hihilingin. Kumbaga naisip mo na kung ano ang kakalabasan kung sakali. Kung ilan ang maaapektuhan. Kung ilang milyon ang mawawala sa company." Tas ngumiti pa. Pero nakakatuwa na din na yan ang iniisip niya. Na hindi ako ganoon kababaw nga. At malaking bagay yun sa akin. Kasi kahit anong desisyon ko alam ko na maiintindihan niya kasi alam niya na napag isipan ko na yun. "Pero kung sakaling hilingan mo nga. Pagbibigyan kita Mahal. Kasi ikaw pa din naman magiging priority ko."

"Pero hindi ko naman nga hihilingin kasi nga ang babaw lang. Nagpakahirap ako sa ibang bansa dati para masecure ang future ko. Hindi ako gagawa ng desisyon na mag aalinlangan yung sa'yo."

"Ok lang din. Ikaw naman future ko."

"Hindi ka sure." Nakangiting sagot ko. Minsan nakakatuwang asarin itong si Lawrence. Parang batang nagpa-pout eh. Lalo tuloy siyang gumagwapo

Hinawakan niya ang ibabaw ng tiyan ko. Hinaplos niya yun paulit ulit.

"Na secure ko na nga di ba? Sa tingin mo ba papayag ang angkan ng mga Valero na hindi makilala ang apo nila?" Hinawakan niya ang kamay ko. "Pero siyempre hihintayin ko pa din naman na sabihin mo sa akin na mahal mo ako. Kahit gaano pa katagal abutin nga. Maghihintay ako. Mahal na mahal kita Ysabelle. Akala ko hindi ko mararamdaman ito. Akala ko puro palipas oras lang ang mga babaeng dumadaan sa buhay ko. Meron pala talaga na isa na dadaan tapos patitigilin ang mundo ko."

"Kainis ka." Hindi ko na namalayan na basa na ang mata ko. Tama nga pala sila. Emosyonal pag nagdadalang tao. Lalo na kung may lalaki din na ganito magpakilig. Hinawakan ko ang mukha niya. "Mahal na mahal din kita Lawrence. Kasi paanong hindi? Kasalanan mo!"

Yumakap ako sa kanya. Tuluyan na akong umiyak. Niyakap lang din ako ni Lawrence. Ang epic ng pagsagot mo Ysabelle.

"Sana man lang nagbigay ka ng hint na sasagutin mo ako. Para napaghandaan ko man lang." Hinaplos niya likod ko. Pilit pinapatahan sa pag iyak na hindi ko naman plinano. "Pero wala nang bawian.  Nasabi mo na. Narecord na ng utak ang puso ko. "

"Para namang babawiin ko? Apaka hirap mong hindi mahalin."


"Wala eh. Pogi." Nahampas ko siya. Magkayakap pa din kami. Siguro hinahayaan niya akong makabawi dahil alam niya na nahihiya ako. Nakakahiya kasi nga pinatagal ko  pa. Pero matiyaga din naman siyang naghintay nga. Kung suyuin niya ako parang hindi ako nabuntis niya agad. Yung mga ginagawa niya talagang nagpakita kung gaano niya ako kamahal nga. Una pa lang naman sinabi ko na marupok ako. At sa ilang buwan pa bago ko siya sagutin nahirapan din akong marupok na pagkatao ko.  "I love you, Ysabelle. Mahal ko kayo ni baby."

"Dapat ba akong may "i love you too?" kakasagot ko lang sa'yo. Naka limit ako sa isa lang ngayong araw na ito. Bawi ako bukas."

Inilayo na niya ang sarili sa akin. Inilayo para magawa niya akong halikan sa labi. First kiss bilang boyfriend no na siya. Magaan ang paghalik niya. Parang ninanamnam yung sandali. Ibinuka ako ang bibig ko para tuluyang lumalim ang halik niya. Alam ko naman kung saan ito hahantong. Kung saan kami dadalhin nang paglalapat ng aming mga labi. Walang pagmamadali sa pagkilos ni Lawrence. Ako ang tila naiinip at lalong nasasabik sa ginagawa niya. Hanggang sa buhatin niya ako sa kanyang silid hindi nagbago ang ginagawa niya. Mabagal, masuyo na ramdam ko sa paghaplos niya ang pag iingat. Ibang paraan ng pag iisa ang plano ni Lawrence pero kahit ano pang paraan niya wala akong pakialam na. Kung saan masaya si Lawrence. Ayun naman ang mahalaga kung saan masaya ang mahal ko.


_casper_

Walang detailed BS kasi nahihilo pa din ako. Need ko lang mag update kasi feeling ko pag hindi ako nakapag update now lalo na bukas. Kaya pasensya na.

False AlarmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon