Parang ang sarap nga magtipid ng tubig ahh?










Dali dali ko nang sinara ang pinto ng banyo para hindi na marinig ang mga panghaharot nito.















Lumipas ang ilang araw na nanatili lang si Gabb sa bahay. Nagtataka na rin ang mga ate kung bakit biglaang nagstop si Gabrielle pero napagdesisyunan na naming wag nang sabihin sa kanila.






Akala ko okay lang ang ganitong sitwasyon pero hinde,  Nawalan ako ng gana sa pag aaral at nagdaan ang mga araw na mas lumalala pa.









Lagi akong nakakatangap ng sermon galing kay ate abby pero hindi ko na lang rin ito pinapansin.








Palibhasa nandiyan si ate Sela sa tabi niya. eh ako ba?









"Ms. Trinidad." Striktong tawag nito sa pangalan ko kaya walang gana ko itong tinignan.







"Bakit po sir?"








"I need to talk your parents."






Anong kaartehan nanaman kaya kaylangan nito sa magulang ko?

Napilitan akong tawagan si Dad kahit alam kong busy  ito sa kumpanya niya.






"Dad, pinapapunta ka dito sa school." Walang gana kong saad.





"Bakit? May nagawa ka nanaman bang kalokoha—" Agad kong binabaan ito dahil alam kong puro sermon lang aabutin ko dito.









"Mr. trinidad, nitong nakaraang araw nagkaroon ng problema ang anak niyo sa ibang subjects nito." Sabi nito sabay abot ng card.






Kunot noo niyang tinanggap ito.
"Matataas po ang grado niya  nung mga naunang quarter, kaya nag alala kami sa biglaang pagbagsak nito."








Napabuntong hininga ito at binaling ang tingin sa akin.

"Coleen, let's talk." Agad siyang lumabas sa office. Kaya sinundan ko na ito.







"Now what?" Walang ganang tanong ko dito.









"Ang buong akala ko nagbago ka na?Yan ba nadudulot sayo ng gabrielle na yan?!"








"Wag mo nga siyang dinadamay dito. It's just a grade! Ano naman mapapala ko kung makakuha ako ng mataas? Aanhin ko yung sobra!?"










"Coleen!" Sigaw nito.

Agad akong bumalik sa room dahil hindi pa tapos yung klase namin.








"Anong nangyare coleen?" Bungad na tanong ni ate alice.








"Wala, tungkol lang sa fee's" sagot ko at binigyan ito ng  pilit na ngiti para hindi na sila mag alala.







Simula ng hindi na pumasok si Gabb. Nawalan na ko ng gana. Buong oras ng klase laging uwian ang nasaisip ko.









Gusto ko na lang umabsent pero hindi naman pumapayag si Gabb.

Pagkatapos ng klase agad agad akong nag ayos para umuwi. Narinig kong Nagaaya sila brei magwalwal pero hindi ko na sila pinansin.






"Stay with me" Where stories live. Discover now