17

558 27 3
                                    

Lunch time na dito sa The Focus. Habang nagaayos kami dito ni Ms. Eunice ng mga wardrobe para sa gagawing shoot sa susunod, lumapit sa akin si Shar.

"Ano J-Jah.."

"Ano 'yun?" tanong ko habang hinihila yung sabitan ng damit.

"Kailan semestral break niyo?" tanong niya sa akin.

Oo nga no? October nga pala ngayon.

"Mamaya ko pa malalaman eh, bakit?"

"Aayain ko sana ikaw sa Enchanted Kingdom!" sabi niya.

Nagtilian naman sina Sir JC, mas mukha pa silanh excited kesa sa akin. Nilabas din ni Shar 'yung 2 ticket para sa EK.

"Mukhang sa 26 orㅡ" naputol 'yung sinasabi ko ng may biglang may nagdabog.

"As far as I know, you are all in my office. Tapusin niyo muna mga nililigpit niyo bago kayo magharutan!" sigaw ni Sir Felip, este ni Ken. Dun pa talaga siya sa table ko nagdabog. Kairita. Matapos niya kaming paniliksihan ng mata, pumasok na siya sa office niya at nagdabog ng pintuan.

Bigla kaming nagsitahimikan. Natatawa pa rin ng mahina sina Sir JC, pati si Ms. Eunice pero sinusuway din niya yung tatlo.

"Mamaya ko pa kasi malalaman, Shar eh. Pero kahit alin man sa dalawang date na 'yon, pwede ako." Tumango naman siya sabay abot sa akin ng ticket.

Hindi na kami nagsabay ni Shar ng pagkain ng Lunch, kailangan ko rin na kasi pumasok. May portfolio din kasi akong ipapasa, tapos yung final output pa namin ng mga kagroup ko, hindi pa natatapos.

Habang nakasakay ako ng shuttle papuntang school, napaisip ako bakit nigla naging ganon si Ken, eh kahit naman nagkakaingay kami sa office, hindi naman siya ganon kung maninita siya. Minsan lalabas lang siya tapos automatic na tatahimik na kami.

Ano naman kaya problema nun ni Ken?

Pagdating ko ng Benilde, dumiretso muna ako sa Registrar, kasi nakapaskil daw doon yung magiging schedule for next semester:

October 26 - Semestral Break
November 5 to 7 - Enrollment
November 9 - Start of Second Sem

*7:45 PM*

"Jah, printing na 'yung magazine natin! Okay na 'yun, naproof read na ni Ma'am Roxy. Tapos 'yung isang pr, sa October 30 na lang daw pasahan kasi nasa Milan daw sila next week, kasi sem-break na nga." Sabi sa akin ni Ella.

Grabe! Ang bilis ng panahon, mag-no-November na. Parang nung kailan lang, bagong pasok lang ako The Focus ng June.

Naisipan ko na rin i-chat si Shar para sabihin sa kanya 'yung tungkol sa araw ng sem-break namin. Sinilip ko 'yung ticket, ayun nasa may binder ko pala, akala ko nawala ko na.

Shar San Pedro
▪️online

Hi!
Sa 26, yung sem-break namin.

Hala, nice naman!
So sa monday na pala 'yon.

Yep. What time pala sa Monday?

Mga 9 sana, nasa Cubao na tayo?
May dadaanan kasi ako doon eh.
Mga 8 kita tayo sa MRT Station?

Sure sure. Thank you sa pag-aya sa akin!

Welcome! Nakauwi ka na ba?

Hindi pa eh.
Ikaw ba?

Yep, kanina pa.

Wait lang, naglalakad na kasi ako pauwi eh.

Ingat!
seen

Pag-uwi ko ng bahay, nadatnan ko si Auntie Grace at si Mama na nagka-kape. Wow, gabi nagka-kape.

"Eto na ba si Jah? Grabe ang tangkad mo na!" sabi ni Auntie nung nag-mano ako sa kanila ni Mama.

"Kumain ka na 'nak, nasa lamesa 'yung pinakbet. Bagong saing lang din 'yung kanin.

Hindi na muna ako umakyat, kumain na agad ako kasi gutom na gutom na ako.

Ken's P.O.V.

Naandito ako sa loob ng office para suriin uli 'yung mga reports at iba pang documents, magkakaroon nga pala kami ng shoot uli next month. May bago uli kaming artist na ife-feature and endorsement din ng bagong streetwear brand sa Pilipinas.

Napansin ko sa labas ng office na naguusap si Shar at Jah, ano kaya pinaguusapan nila? Sa sobrang curiousness ko, napalabas tuloy ako ng office. Nakatayo lang ako dito sa may table, kunwaring nagbabasa pero nakikinig talaga ako.

"Aayain ko sana ikaw sa Enchanted Kingdom!"

Enchanted Kingdom? Ayos ah. Nagpanting 'yung tenga ko nung nag-ingay sina Vester nang nasabi ni Shar 'yung sa E.K. Nakafeel ako ng slight na inis, at selos? Ewan ba. Umiingay na sila kaya hindi ko na natiis sarili ko kaya nasigawan ko sila.

"As far as I know, you are all in my office. Tapusin niyo muna mga nililigpit niyo bago kayo magharutan!"

Pagkapasok ko uli sa office. Naibato ko 'yung hawak kong magazine sa bintana. Tangina, pahalata ka pa Ken! Kailan kaya 'yung sem-break nila? Bigla ko tuloy naalala na yung pinsan kong si Dee pala ay taga-Benilde din.

Dee: Hey, Kuya!
Ken: Dee, can I ask you something?
Dee: What is it?
Ken: Kailan semestral break niyo?
Dee: Next monday na. Bale last day na namin ngayon. Yung ibang course and  higher year baka bukas pa last day nila. Why?
Ken: Wala lang.
Dee: Sus, alam ko na. Kay Jah yun no?
Ken: Obviously, yes. Gusto ko lang malaman ahead of time para maayos ko 'yung schedule ng outing namin ng employees ko.
Dee: Naks, feeling jowa ah.
Ken: WTF?
Dee: Joke lang, Kuya! Sige na, i'm gonna hung up na, may prof na kami.

Pagtapos ng phone call namin ng cousin ko, inayos ko na 'yung date ng outing namin. It's gonna be three days, after non. Tinawagan ko na si Hans. Luckily, the dates that I picked, available lahat.

Am I already ready to confess, or next month na lang?

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Where stories live. Discover now