V

8.2K 329 243
                                    

Mama

March 11, 6:59 a.m.

Ma uwi na ako
Ayoko pumasok

Stop it lucky
Kararating mo lang ng school uuwi ka na agad?

Oo
Pumapasok lang talaga ako para umuwi ma :(

Ano?

Motivation ko yung dismissal

Parehong-pareho kayo ng papa mo

At least alam mo na kanino ako nagmana

7:04 a.m.

Sige na kasi
Sunduin mo na ako ulit
Inaantok pa ako ma
Di rin papasok yung prof namin

No, may 1:30 class ka pa

Ma anong gagawin ko ng 9-1:30?
Inaantok pa ako
Promise di siya papasok

Stay there, lucky

Mama sige na please

7:07 a.m.

Please?
Please? 🥺

7:09 a.m.

Mama i labyu
Sundo mo na ako
Mag eexpire na yung lambing ko mamaya

7:13 a.m.

Mama 😭

[Twitter]

Lucky @luckyzendejas
Sabi nila masaya maging only child 😫

Lucky @luckyzendejas
Scam kayo
| 🦅 @phoenixnically replied:
Only child, unico hijo sa magpipinsan, ikaw pa pinaka bunso hahahaha
| Lucky @luckyzendejas replied:
Sige isa-isahin mo pa

Papa

7:24 a.m.

Pinasusundo ka sa akin ng mama mo
Kita tayo sa mcdo mamaya
Nagugutom ako

YES!
Di talaga niya ako matitiis 😌

Malamang
Nag-iisang anak ka nun

Hala
Anak mo rin kaya ako?

Minsan din nalilimutan ko yan

Luh?

Hahahaha
Bilisan mo ha, ayoko maghintay
May bibilhin tayo pagtapos kumain

Ano yan pa?

Yung sinasabi mo dati

Ano yun?
Marami akong sinabi
May listahan ako eh

Edi ano bang inuuna sa listahan?
Diba yung nasa umpisa?

Hala seryoso?

Hindi
Nagbibiro lang ako

Seryoso nga?

Isang ulit mo pa di tayo bibili

DABEST KA TALAGA PA
Kaya ikaw ang paborito ko eh

Wala kang mauuto dito

Syempre
Kapag si mama naman nagtanong sino favorite ko, isasagot ko siya 😌🤟

Manang-mana ka sa pinagmanahan mo

Mana sayo

Mulberry RaysWhere stories live. Discover now