Kabanata 2.

620 58 3
                                    


"AZI WUN made the headline again huh? Wow!" Abot hanggang tainga ang ngiti ni Madam Gina. My Manager. She's standing beside the big mirror habang nakahawak sa diyaryo. She fixed her glasses so she could read clearly what was on the headline. I made her favorite coffee that time at inilapag iyon sa table niya.

"Mia my dear I have a huge project for you." Sabi niya sa 'kin while preparing her paperworks na alam kong i-aasign nito sa 'kin kung ano man iyon.

Inayos ko ang glasses ko sa mata at tumingin kay Madam.

"Take these." Sabi niya at ibinigay sa 'kin ang mga papeles at isang plane ticket.

"Madam don't tell me?"

"Yes Mia! Tama ka." Hindi niya ako pinatapos. Gusto lang naman niyang sundan ko si Azi sa Zambales while shooting his movie. Ano bang naiisip ng matandang ito? I made a good shot na nga para kay Azi at kay Marika na leading lady nito para maging top sa headline. At ngayon? Gusto pa talata niyang pag mukhain akong paparazzi ha.

"Okay Madam gagawin ko ang gusto mo in one condition." Sa tingin ko naman ay ito na ang chance ko to take a break. Sa buong employees kasi ay ako lang ang bukod tanging hindi makapag-bakasyon dahil sa tambak na gawain.

"Anything Mia just tell me." Laking ngiti mo pa ha. Sige tignan natin kung maka-hindi ka sa gusto ko.

"Give me 2 weeks vacation." At ayon, tumigil ang mundo ni Madam nang marinig ang request ko.

She cleared her throat. Kinuha ang kape to take a sip tapos nag isip siya. I crossed my arms and waited her to speak.

"Hmmm... okay sige deal. Ikaw lang naman din ang nakakagawa ng magandang shots and news about Azi Wun and Marika Tan. Just keep it up okay? Alang-alang sa company naten. I'm sure maraming publisher ang gustong makuha ka. Well malas nila kasi dito ka sa akin nag tatrabaho." At ayon na nga, hindi na natapos si Madam habang tumatawa ng malakas.

"I'M HOME." He's there, reading books at walang pakialam sa paligid. Kirushi run towards me. E kasi naman mas close pa nga kami ng aso dahil etong si Azi masyadong seryoso. Hindi na nga magawang makipag laro kay Kirushi.

"Nasan si Aaron?" Tanong ko kay Azi at nag kibit balikat lang ito. I ignored him and make my food kasi nagugutom na ako.

"Azi bukas ang flight niyo sa Zambales di ba?" Inhale... Exale... paano ba 'to? For sure mapapa kunot noo nanaman ang lalaking ito at ganoon na nga. He stood up and stared at me. He looks confused with his frowned eyes. Malamang Mia mapapatanong talaga 'yan. Ano ba kasi ang rule number 2? Just stay away from his business right? Sabi ng sarili ko.

"And why are you asking?" So ayon na nga. At nagsimula na si Azi mag tanong na akala mo'y reporter. Teka ako ang reporter dito huy! Sarap talagang sabihin e.

"E kasi i need to go with you." Paano ko ba sasabihin? Bahala na.

"What?" Ayan na... magsisimula nanaman ang bangayan naming dalawa.

"Azi please. Wala akong pakialam sa 'yo okay. Kelangan kong gawin 'to kasi nga you know na related sa work ko." Napanguso ako. Duh masama bang maging honest?

"Pag-iisipan ko." Aba ang loko pahihirapan pa ata ako.

"Azi naman. May ticket na ako oh." Pinakita ko sa kanya ang ticker syempre baka lang maawa siya. Ang tagal niya talagang sumagot. Halatang nag isip ng matagal as in sobrang tagal at dinaig pa 'yung tito niyang politiko.

His phone rang and he answered the call. It's Manager Wen. Nag init ang ulo ni Azi dahil ayaw niyang tinatawagan kapag nasa bahay siya. Katwiran niya? Wala lang gusto lang niya ng private life kapag nasa villa.

Halata ang inis nang ibaba n'ya ang tawag. Tapos tumingin siya sa akin at lumapit.

"Okay you can go but keep your distance from me." Nakahinga naman ako nang maluwag. Mabuti at pumayag ang masungit na 'to. Tumahol pa si Kirushi at alam kong nag aantay ito ng dogfood.

"Yehey!" Kinurot ko ang pisngi ni Azi for the first time! Kahit ako e nagulat sa sarili ko.

"Opps sorry!" Namula kasi ang parteng iyon. Nako hindi pwedeng magkapasa 'yon dahil may shoot siya bukas!

"Mia." Huminga siya nang malalim at halatang pinakakalma ang sarili.

"Yes?" Nakangiti pa ako with guilty expression. Syempre ang harot ko kasi e hindi naman kami gano'n ka close. Open lang gano'n."

"I'm hungry. Cook for me." Inis na sabi nito at umalis sa harap ko. Bumalik siya sa panonood ng TV.

"Tsk. Naisahan ako no'n ah." Pabulong na sabi ko. Napanguso ako habang naghahanda ng makakain niya. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabahong 'to e hindi ako papauto sa lalaking 'yon noh!

MAAGA kaming nakarating ng Zambales. Syempre tulad ng sinabi niya ay dumistansya ako para hindi makita ng director at mga cast. Lalong-lalo ni Manager Wen dahil tiyak na uulanin ako ng sermon no'n.

Mula sa malayo ng resort kung saan gaganapin ang ilang eksena ng palabas nila ay natanaw ko si Marika Tan. She's so beautiful. Para bang Diyosa na bumaba ng langit. Naglalagay siya ng tanning oil sa likuran with her red two piece. Katulong niya ang PA habang inaayos ang production. Miss in action nanaman 'tong si Azi at malamang siya nanaman ang hinihintay dahil may first take scene sila ni Marika sa tabing dagat.

Nasan ba ang lokong 'yon? Parang kanina lang at kausap pa niya si Manager Wen. Wag mong sabihing natutulog nanaman ang kumag na 'yon? Kelangan ko pa naman makakuha ng best shot sa kanila ni Marika off cam dahil syempre madedemanda ako kapag on cam malamang.

"Mia come." Nagulat ako sa pag sulpot nito sa likuran ko.

"Wow ha talagang nag disguise ka." Nakashades kasi ito at may sumbrerong itim. Nagtatago ba siya? Alam naman niyang hinahanap na siya sa set tapos may gana pa siyang magpaka VIP.

"Ano'ng ginagawa mo dito? May scene na kayo dun oh. Dalian mo bumalik ka na at kukunan ko kayo ni Marika ng magandang picture!" Inis na sabi ko.

"Hmmm I feel lazy today." Walang ganang sabi niya at umunat.

"What? Seryoso ka? Alam mong ito ang pinunta ko rito para makabalik na ako ng Maynila di ba?" Inis na sabi ko.

Nangunot ang noo niya sa akin. Talagang tinatamad ang loko. Pero napaisip naman ako. Siya kasi ang tipo ng tao na desidido at professional pag dating sa trabaho. Bakit naman kaya ibang-iba siya ngayon?

"What do you think of me Mia? Of course I need some leisure too. I know I look like a God but I'm not. Kelangan ko rin ng pahinga." Aba okay na sana pero may pagka-self proclaim pala ang isang ito.

Sumama ako sa kanya dahil nag aya ito sa kabilang isla. May private boat doon na ginamit namin. Hindi naman nahalata ng mga tao ang pag-papanggap ng Azi na ito.

"Alam mo artista ka nga." Sabi ko while we're in a private boat.

"Why?" Tanong niya.

"Ang galing mo kasing mag panggap." Biruin mo tumawag si Manager Wen at nag inarte naman ang Azi na ito na masama ang pakiramdam at kunyare ay nag kulong sa kwarto.

He laugh so hard after that. Tawang-tawa siya sa kalokohan niya.

"Wow Azi tumatawa ka pala." Pagbibiro ko. Well knowing him, nakangiti lang naman siya sa harap ng media but in real life?He's not a type of person na jolly. Ngayon ko nga lang nakitang tumawa ito. 'Yung tawa na sobrang saya at nakalaya sa mahabang pagkakakulong.

"I don't know why I feel happy now." Sabi niya habang pinagmamasdan ang karagatan.

ITUTULOY...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Behind the SpotlightWhere stories live. Discover now