Pumasok na ako ng bahay at bumungad agad sa akin si kuya na ngingis ngisi.

"Sino yung naghatid sayo?", tanong niya at inakbayan ako, "Naka kotse pala ha, di mo sinabi sakin na mahilig ka pala sa naka kotse"

Sinuntok ko sya sa braso kaya napabitaw siya sakin, "Pinag sasabi mo, classmate ko yun.."

"Si Eros", singit niya habang hinihimas himas pa ang braso nya nanasuntok ko.

"Oo si Eros nga, bakit? May angal ka?", pagtataray ko at tinaasan siya ng kilay.

"Hmm, may pahatid hatid pa siyang nalalaman ha. Alam na".

"Oy hindi niya ako ihahatid kung sinagot mo mga tawag ko. Kanina pa kita tinatawagan, di ka sumasagot", tinalikuran ko na siya.

"Ayaw mo nun, pasalamat ka nga sa akin. Kung sinagot ko ang tawag mo edi hindi ka nahatid nung lalaking yun. May pasandal sandal ka pang nalalaman sa gate, halatang kinikilig ko nung nag babye sya sayo, ayiee", pang-aasar niya. Teka nakita niya ako na napasandal sa gate?, kaya pala ang lakas ng pang-asar nito sakin e. Nakakahiya. Sigurado akong di ako tatantanan nito.

"Ewan ko sayo, dyan ka na nga" iniwan ko siya sa sala, pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis na.

Kakapagod. Wow, napagod pa ako nun ha. Wala nga kaming ginawa kundi magkwentuhan. Basta pagod katawan ko, period.

Pagkatapos kong mag-ayos, nahiga muna ako sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at nagfacebook muna. Nakita kong nag message sakin si Nathan.

Nathan: Sam, nakauwi ka na?

Me: oo baket?

Nathan: Hinatid ka ni Eros diba?, pasalamat ka naman sa amin.

Me: What do you mean?

Nag-out amp. Teka paano niya nalaman na hinatid ako ni Eroa e nakauwi na sila kanina. Nag ooverthink pa ako nang may biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Pagbukas ko laking gulat ko nang tumambaf sa harapan ko si Nathan at Khatelyn.

"Surprise, nagulat ka ba namin?" tanong ni Khatelyn

Tiningnan ko sila ng may pagtataka. "Anong ginagawa niyo dito, akala ko ba umuwi na kayo?"

Nakatinginan ang dalawa, "Dito talaga kami dumiretso kanina, at kami din yung may hawak ng cellphone ng kuya mo, di talaga namin sinasagot yung mga tawag mo kasi alam namin na ihahatid ka ni Eros" paliwanag ni Khatelyn, sabay hagikgik.

Napikit nalang ako sa inis, so kasabwat pala talaga nila si kuya ha. Lagot talaga sakin yung isang yun.

Napaisip ako, hindi kaya nakita din nila ako sa labas kanina. Naku, baka isipin talaga nila na may gusto ako kay Eros.

"Mag gagabi na oh, wala ba kayong balak na umuwi?", pag-iiba ko ng usapan.

"Anong oras na ba?", tanong naman ni Nathan.

Sumilip ako sa loob ng kwarto ko para tingnan ang orasan.

"6:30 na, anong oras na kayo niyan makakauwi", sagot ko.

"Hala, uwi na tayo Nathan, gabi na pala, baka pagalitan ako neto", tarantang sabi ni Khatelyn, sabay silip sa labas. Madilim na din kasi.

"Ayan, kung saan saan pa kasi kayo pumupunta, lagot ka talaga sa papa mo", pananakot ko kay Khatelyn. Mukhang natakot ko ito, dahil dali dali siyang bumaba ng hagdan at kinuha na ang mga gamit niya sa may sofa.

"Kuya Ace, hatid mo nalang kami please" pakiusap ni Khatelyn. "Malapit lang naman e, sige na".

"Ayan kasi e. Oo na sandali kukunin ko lang yung susi", sabi ni kuya at tumungo sa kwarto niya para kunin yung susi.

Make It With YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang