Chapter 4
If you could see that I'm the one who understands you
Been here all along so why can't you see
You belong with me ♪
Standing by and waiting at your backdoor
All this time how could you not know baby
You belong with me
You belong with me ♪
Kanina pa kami nakaupo dito at nag iisip nang kung anong lyrics ang ilalagay namin. Hanggang sa iyan nagpatugtog nalang sila Eros nang kung ano ano.
"Kanina pa tayo dito wala pa din tayong naisusulat", sabi ni Nathan at napakamot sa ulo.
Nagtawanan kami, "Oo nga, di tayo matatapos nito e", sabi ko.
"Malayo pa naman yun, wag niyong problemahin" pabirong sabi ni Khatelyn. Anong malayo? 1 month nalang kaya at wala pa rin kaming naisusulat na lyrics kahit isamg titik manlang. Napailing ako.
Pero dahil nag-eenjoy kaming magkwentuhan, di na namin naisip yung ginagawa namin, o kung anong purpose kung bakit kami nandito.
Alas kwatro na, wala pa din kaming nasusulat. Uuwi na kami nito maya-maya.
"Hapon na oh, wala pa din tayong nauumpisahan", sabi ko.
"Bukas nalang sa school, pwede naman tayong mag practice kung vacant e", tugon naman ni Khatelyn. Nagsitanguan naman ang dalawa. Ito talagang babaeng to, tamad. Parang ako hahaha.
Napagpasyahan na naming umuwi nalang, at bukas nalang namin itutuloy itong practice namin. Nagsabay na yung dalawa, si Nathan at Khatelyn. At ako eto, sinusubukan kong tawagan si kuya para magpasundo, may motor naman kasi iyon.
Di ko talaga siya macontact, paano na to?
Habang kinakalikot ko ang cellphone ko, nagulat ako ng bigla akong tapikin ni Eros sa balikat, nilingon ko sya.
"Di mo parin ba macontact yung kuya mo?", ngumiti siya, etong namang si hart, parang ewan, parang hinahabol ng kabayo, sobrang bilis tumibok, grr.
Napaiwas ako ng tingin, "Ah-h hindi e, out of coverage. Magcocommute nalang ako, maliwanag pa naman e"
"No need, ihahatid na kita", ayan nanaman yung ngiti niya, ahh. Tumalikod na siya at sumakay sa kotse niya. Wow, may kotse, choss.
Paglabas niya ng kotse niya tinawag niya ako, lumapit ako.
Bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse sa likod ng bigla niya akong pigilan.
"Doon ka nalang sa harap umupo",sabi niya. Tumango ako at sumunod sa kanya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Wow gentleman. Umupo na ako sa harapan. Pagkatapos ay sumakay na rin siya.
Pina-andar na niya ang sasakyan at nagsimula nang mag maneho. Tahimik lang kaming dalawa habang nagmamaneho siya. Medyo naiilang kasi ako, first time niya kasi akong ihatid sa amin.
Nang nakarating na kami sa bahay, nauna ulit siyang lumabas at pinagbukasan ulit ako ng pinto. Naks! napakagentleman nga naman talaga.
Nang makababa na ako lumingon ako sa kanya, "Salamat sa paghatid ha, mag iingat ka sa pag-uwi", pagpapaalam ko sa kanya.
"Wala iyon, basta sure lang ako na ligtas ka", sabi niya. Napatango ako at naglakad na papasok sa gate namin.
Papasok na sana ako nang bigla naman niya akong tawagin.
"Bye", sabi niya sabay ngiti ng matamis. Kumabog naman ang dibdib ko, ewan pero bigla akong kinilig. Kumaway nalang ako sa kanya bilang pag tugon.
Nang makaalis na siya, napasandal ako sa gate, grabe, sobrang bilis ng tibok ng aking hart. Napapikit ako. Nako Samantha anong pinag-iisip mo, ngumiti lang iyon. Bibigyan mo nanamam ng malisya.
YOU ARE READING
Make It With You
RomanceSa loob ng maraming taon ikaw lang pala ang magpapatibok nv puso ko
