Chapter 1

3 0 0
                                        

Chapter 1

"Class dismiss" malakas na sambit ng Mapeh teacher namin, si Ma'am Ramirez.

Agad namang nagsitayuan ang mga kaklase ko at nag-uunahang lumabas, habang ako tahimik na nakadungaw sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang paligid at mga kapwa ko mag-aaral. May mga estudyanteng naghahabulan, abala sa pagkukwentuhan at yung iba naman ay nag-uunahang pumila sa canteen.

I'm Samantha Moresco, 19, and incoming 1 yr. college, kung makakagraduate ako, di pa kasi ako nakakapagreview para sa nalalapit na final exam. Medyo malayo pa naman yun kaya di ko muna masyadong iniisip. Enjoy now, bagsak later haha jk.

Bumalik ako sa realidad ng tawagin ako ng bestfriend ko.

"Oy Sam, wala ka bang balak mag-recess?" nakapamewang na sabi ni Trixie na ultimate na siraulo kong bestfriend.

She's Trixie Hernandez, 19, and incoming 1 yr. college, katulad ko. Almost 2 years na kaming magkaibigan. Masasabi kong maganda sya, maalaga, supportive pero di parin maaalis sa kanya ang pagiging makulit at pagiging madaldal. Halos araw araw nalang eh may chismis syang dala.

Ngumiti lang ako sa kanya at tumayo na, bibit nya na rin kasi ang bag ko kaya wala na akong magagawa. Nauna syang lumabas at sumunod na ako.

"May problema ka nanaman ba? Kanina ka pa wala sa sarili eh" tanong nya na may halong pag-aalala at ramdam ko yun.

"Wala naman, inaantok lang talaga ako" tamad kong sagot nang hindi lumilingon sa kanya.

Napansin ko rin ang sarili ko kanina na matamlay nga talaga ako, hindi nga nakikinig sa lesson e, tinuon ko lang talaga ang atensyon ko sa mga kaganapan sa labas at yun lang ang ginawa ko hanggang sa matapos ang klase namin.

"Sa akin ka pa nag lihim, pero sige hindi na kita pipilitin, di mo rin naman yan sasabihin sakin kahit anong gawin ko" nakasimangot nyang sabi at nauna ng maglakad, "Tara na, ang haba pa naman ng pila sa canteen".

Tumango ako at mabilis na naglakad patungong canteen.

"Narinig nyo ba yung sinabi ni Ma'am Ramirez kanina?" tanong samin ni Xye, isa sa mga kaibigan namin. Nasa canteen kami ngayon at nakaupo sa isang bench.

"Ahh yung sa nalalapit na contest?" tugon naman ni Trixie, sabay subo ng turon.

"Contest? Anong contest?" naguguluhan kong tanong sa kanilang dalawa, habang sila naman ay natatawa akong tinitigan.

"Ayan halatang di ka talaga nakikinig kanina e no?" pabirong sagot sakin ni Xye.

Totoo naman, di talaga ako nakikinig kanina. Buong oras akong lutang sa klase. Wala akong gana.

"Ikaw talaga, nagawa mo pang mag biro, seryosong nagtatanong yung tao e" sabi ni Trixie, sya na rin ang nagpaliwanag sakin ng lahat.

Isa daw yung singing contest, but not individual. Gagawa kayo ng isang grupo, with four members. Pagkatapos ay magko-compose kayo ng sarili nyong kanta na naaayon sa criteria na ibibigay, and lastly kayo din mismo ang magpeperform sa stage.

"Gets mo na?" hingal na tanong ni Trixie sakin, lutang talaga ako kaya ang tagal kong naintindihan yung mga pinagsasasabi nya habang nag eexplain.

"Oo na, gets ko na hahaha" natatawa kong sabi, di ko rin mapigilang matawa dahil sa ekspresyon ng mukha nya.

"Salamat naman at naintindihan mo na, halos mapatid na hininga nyan kakaexplain sayo" di rin mapigilan ang tawa na sabi ni Xye. Same vibes talaga kami ne'to, basta kalokohan nagkakasundo kami. Pero depende, madalas sya ang napagtitripan namin ni Trixie.

Make It With YouStories to obsess over. Discover now