Chapter 1

18 2 0
                                    

Maagang nagising nang araw na yun si Sasha.Pagkagising niya ay Inaayos niya kaagad ang higaan nilang mag ina.Tiningnan niya ang oras it's five in the morning.Siguro ay mas maagang nagising ang kanyang ina.

Nagtatrabaho sila sa Hacienda Amanda isang head cook ang kanyang ina.Di nakatapos ang kanyang ina nang kursong HRM dahil nabuntis ito nang third year college ito.Ang kanyang Ama naman ay nagtatrabaho bilang kargador sa Maynila.Doon nag ka kilala ang dalawa sabi nang kanyang Ina kahit tutol ang mga magulang nito ay sumama parin siya sa kanyang Ama sa probinsiya dahil mahal niya ito.

Ang Hacienda Amanda ay Isa sa pinaka malaking lupain sa hilagang parte nang Davao.Ang nag mamay-ari nun ay ang mga Contreras  na  si Don Sebastian at si Doña Eliza at mababait naman ito sakanya.Sa katunayan nga ay parang anak na ang turing nito sa kanya simula nang namatay ang kanyang Ama.

Tandang-tanda niya pa she was five year's old that time nagtatrabaho ang kanyang ama sa tubuhan pauwi na sana ito nang maabutan ito nang malakas na ulan at dahil madilim at kumikidlat pa nang gabing iyon ay nahulog ito sa kabayo.He suffered from head injury tinulungan sila nang  ng mga Contreras sa pag papagamot dito kaya lang sa bandang huli ay sumuko din ito.

Bago siya lumabas nang bahay  ay nang linis muna siya at naligo pagkatapos ay nagbihis na siya nang kanyang uniporme.Nakatira sila sa isang cottage  na malapit sa Mansion ng mga Contreras.

Sa totoo lang ay malaki ito kumpara sa ibang cottage ng mga nagtatrabaho doon.May dalawang kwarto at malaking sala at kusina.Simula nang namatay ang kanyang Ama ay sinabi nang mag asawang Contreras na lumipat na sila doon para mas malapit daw sa trabaho nang kanyang ina.

Naglakad siya papunta sa likod nang Mansyon kung nasaan ang dirty kitchen at main kitchen.Bago siya naakabot doon ay pinuno muna niya nang sariwang hangin ang kanyang dibdib at pinagmasdan ang ganda nang lugar.Kahit buong buhay niya ay umiikot lang sa lugar na iyon ay di siya mag sasawa sapagkat napakanda nito.

Nakita niyang busy na  ang mga Tao sa Hacienda.Ngumiti siya nang makita si Mang Lito nang nagdidilig nang mga halaman.Lumapit siya dito

"Magandang Umaga po Mang Lito"bati niya dito

"Ohh!Sasha ikaw pala yan Magandang Umaga din!masiglang bati nito sakanya

"Mang Lito napakaganda po nang rose  na yan bagong dating po?sabi niya dito.Actually kabisado na niya ang lahat nang mga bulaklak sa garden na iyon.

"Ayy!!Oo kagabi lang dumating,  galing ibang bansa pa daw yan sabi saakin ni Doña Eliza.Kaya nako!Inaalagaan kung mabuti kasi sayang naman pag nalanta tsaka sobrang mahal pa naman.

Tiningnan niya ang bulaklak napakaganda talaga nito.Well Doña Eliza loves flowers at dahil mayaman ang mga ito di na nakapagtataka na gumastos ito nang mahal.

Ngumita siya kay Mang Lito

"Di po malalanta yan kasi magaling po kayo sa halaman ano po ang pangalan nang  rose na yan?tanong niya dito.

"Juliet rose diba ang ganda niya kaya nako dapat ikaw Juliet mabuhay ka!sabi ni Mang Lito habang kausap nito ang halaman.

"Sige po Mang Lito puntahan ko po muna sa Inang sa Kusina.

"Sabihin mo kay Mina salamat sa Adobo na pinadala niya kagabi nagustuhan nang pamilya ko.Sobrang sarap daw!

Ngumiti lang siya at tumango dito nang pumasok na siya sa kusina ay kaagad niyang nalanghap ang masarap na niluluto nang kanyang ina.
Lumapit siya dito busy ang kanyang Inang sa pagluluto kaya di siya nito napansin.Ngumingiti ang mga kasambahay kapag nakikita siya.
Biglang niyakap niya ito sa likod

Poem of Young Girl's HeartWhere stories live. Discover now