ALPAS - ONE SHOT

134 16 8
                                    

As the sun set in the sky with the fire-like color, it was red and orange that stretches far and wide. It was a beautiful scenery in their university where they're studying.

He run in the pavement as fast as he could dahil baka hindi niya na ito maabutan. Agad siyang napangiti nang makakita ng pigura ng isang babae sa di kalayuan.

"Sheena! sheena!" sigaw niya sa dalaga at nang maulinigan siya nito agad itong lumingon sa kaniyang direksyon.

"Bakit na naman?!" bulyaw ng babae. Iritable nitong hinawi ang kaniyang itim at mahabang buhok habang nakakunot ang kaniyang noo. Saka pinasadahan siya ng isang matalim na tingin gamit ang kaniyang naninigkit na mga mata.

"Sorry na wag ka namang magalit" paninimula ng ginoo. Abot langit ang ngiti ng binata nang huminto sa harapan ng dalaga. Walang kaabog-abog na iniabot ang kaniyang munting regalo para sa binibini. "Gusto ko lang personal na ibigay sayo 'to. Happy bornday!" wika niya ng may buong sigla.

Padabog niyang kinuha ang kahon at marahas na binuksan. Natigilan ang dalaga nang tumambad ang kaniyang lawaran na iginuhit ng binata kamakailan lang.

That day was her birthday at wala ni-isa sa mga malalapit na kaibigan nito ang nakaalala sa kaarawan. Kaya naman ganun nalang katindi ang kaniyang init ng ulo.

"I really like you Sheena please give me a chance" he said. He's obviously inlove with her as his both eyes shows nothing but sincerity.

Pinagpapawisan ang kaniyang noo habang hinahabol ang kaniyang paghinga, hindi dahil sa kapaguran. Dahil kinakabahan siya kung anong isasagot ng binibini.

Her annoyance was immediately replaced with joy. Marahil hindi ito ang unang pagkakataon na nag effort ang binata para sakaniya.

"Sige kung mahahabol mo 'ko" she answered smiling as she run under the yellow street lights way out from the university. He smirked knowing that it is very easy for him na maabutan ang nagpapahabol na si Sheena. Maliliit lang ang naging hakbang ng binibini dahil di hamak na mas matangkad ang ginoo sakaniya.

Batid ng dalaga ang tunay pagtingin ng ginoo. Lagi niya itong nahuhuling nakatingin sakaniya. Alam niya rin na siya ang naglalagay ng bulaklak at liham sa upuan niya tuwung sasapit ang araw ng mga puso.

Patuloy silang naghabulan hanggang mapadpad sila sa isang parke. Natigilan silang dalawa ng mabitawan ni Sheena ang kahon na pinaglalagyan ng regalo ng binata.

Yumukod ang binata at dinampot ito. Binuksan niya ang kahon at hindi inasahan ang kaniyang nakita.

"Nasira" gumuhit ang lungkot sa kaniyang maamong mukha.

Matapos niya paghirapan ang frame na pinaglalagyan ng kaniyang iginuhit ay masakit para sakaniya na makitang nagkapira-piraso ito. "Hindi mo man lang iningatan. Hindi mo ba nagustuhan?" he said in bellowed voice.

"Sorry" she sincerely apologise as she sat down to the stone cold nude color bench nearby.

"Ang hirap mo talagang habulin" aniya niya saka tumabi paupo sa dalaga. Nagsimula na niyang ayusin ang picture frame, buti nalang at hindi ito nabasag.

"Weh! Sa pagkakaalam ko runner ka raw sa school natin diba?" she said while laughing.

"Sira! Athlete sa track and field kasi!" pagtatama niya dito. "Ang pangit pakinggan ng runner parang ano lang eh"

"Di ka naman mabiro" sambit ni Sheena habang sinisiko ang binata. "Alam ko naman 'no! Sa tagal mo ba namang nagpapansin sakin paanong 'di kita makikilala?" she chuckled.

"Magaling ka raw sabi nila pero ba't ganun di mo naman ako nahabol?" dagdag pa niya habang tinitignan ang nag aayos ng nasirang bagay ang binata.

"Yun nga eh" itinigil muna ng ginoo ang pagkukumpuni at saka mapaklang natawa. "Ang alam ko, magaling ako dito. Lahat ng patimpalak na sinasalihan ko, lagi 'kong naiuuwi ang premyo. Pero bakit pag dating sayo, kahit pa doble na ang effort ko sa pagtakbo, mahabol lang kita palagi pa rin akong umuuwing talo"

AlpasWhere stories live. Discover now