~Tugsh~Tugsh~

Dalawang sunod-sunod na putok ang narinig ko.Hindi na yata kinaya ng mga luha ko kaya patuloy itong lumalabas.Pag dilat ko ay ang nakita kong tagpo ay si Kuya Sungmin nakaharang kina Ate Hyoyeon at Ate Yuri na ibig sabihin lamang nun ay siya ang tumanggap ng mga bala na iyon.Nakita kong puputok pa ang lalaki.Naghanap agad ako ng maaaring bagay na makapagpigil sa kanya.May nakita akong kapiraso ng tubo at hindi ako nagdalawang isip na kunin yun at patakbong inatake siya.Nasapol ko siya sa ulo.Nawalan ito ng malay.Nanginginig kong nabitawan ang tubo.At dali dali kong pinuntahan sila ate.

Nakahandusay ang duguang katawan ni Kuya Sungmin.Umiiyak na sila Ate Hyoyeon.

"Nangako ako sa kanya na walang masasaktan sa inyo.", sabi niya habang nag uunahang lumabas ang dugo sa bibig niya.

"Tanga ka ba?!Ganun mo ba kamahal si Ate?!", si Ate Yuri.

Ngumiti lang si Kuya Sungmin kahit na kitang kita sa itsura nito na nahihirapan siya.At napansin niyang parang may sugat si Ate Hyoyeon.Tiningnan namin ang direksyon nang mga mata niya.

"Ate may sugat ka!", nag aalala kong sabi.Parang nakalimutan na namin na nakikipag agawan pa pala si Ate Taeyeon.


Bigla kaming nakarinig ng isang putok ulit.

Kaming lahat ay nagkatinginan.Sabay sabay kaming lumingon.At nakita naming papatakbo siya sa amin.Nakahinga kaming lahat.Nagawa niya.Pero panandalian lang pala.

 

"Taeyeon!", sigaw nung halimaw.At lahat ng atensyon ay nasa matandang yun!Nakatalikod pa rin si Ate Taeyeon.Tinutok na ng halimaw ang baril.Hindi ko mawari kung ano ang sumapi sa akin at tumayo ako.Patakbong niyakap siya at sinadyang inikot ang pagkakayakap.Ramdam ko na nagulat siya sa ginawa ko.

"Mahal kita ate, kayong lahat.Sobra.", sabi ko.At nangyari ang inaasahan ko.


~Tugsh!~


Ramdam ko ang sakit.

Biglang bumukas ang pinto at nagpaputok.Tiyak kong sila Ate Sooyoung yun!!Ligtas na kami.Hindi ko na alam kung anong ang mga nangyari pa dahil nawalan na ako ng malay.

..

Minulat ko ang mga mata ko.Masakit pa rin ang katawan ko.Nasan ba ako?!Ba't kulay puti ang lahat?!Oo, nga pala nabaril nga pala ako.Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko pero parang ang bigat bigat ng mga parte ng katawan ko.

Biglang may pumasok sa kwarto.Gulat na unti unting napalitan ng ngiti ang naging expression niya.

"Si bunso!Gising na!", sigaw niya.Si Ate Taeyeon.Nagsipasukan naman sila.Ngumiti ako.Akala ko yun na ang huli.Salamat at buhay pa ako.Salamat at dininig niya ang munting hiling ko.Nag check attendance ako, syempre sa isip lang.

The Journey of The Shunga Girl (GG) [Fin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon