Epilogue

4.8K 206 72
  • Dedicated kay Sa lahat ng shunga
                                    

A/n:

So heto na humanda kayo,monologue to!Unang una salamat sa mga readers na patuloy na sumaybay nito.Bet ko shunga kayo hahah :D aminin! Sa lahat nang naniwala na mairaraos ko 'to maraming maraming salamat sa pagtitiwala.Hindi ko magagawang matapos to kung hindi nyo ako sinurpotahan sa kashungaan ko.At salamat dahil pinapasok nyo ako sa mundo nyo, oo tama, dahil sa kwentong ito ay nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan.Yung mga silent readers paramdam naman kayo.Wala na puro na lang pasasalamat ang masasabi ko.Basta sana di nyo to makalimutan na yung tipong kahit milyong milyun na ang nabasa nyo ay maalala nyo pa rin na may "The Journey Of the Shunga Girl" ang nailathala.Kamsahamnida!At gagawa po ako ng compilation o soft copy nito basta hintay hintay lang :D

Sana po subaybayan nyo rin ang iba ko pang gawa.Lahat po yan ay side stories nito.

~I RAPED HER

~30 DAYS TO WIN HER HEART AGAIN

~COUNTED HEARTBEATS

Sana po magustuhan nyo.

TJOTSG Epilogue

"May pinagsisihan ka ba?!"

Nahinto ako sa tanong niya.Wala nga ba akong pinagsisihan?!Kung may pinagsisihan man ako.Ano naman kaya yun?!

Hindi ko maiwasang maalala ang mga pangyayari sa buhay ko.Mga pagbabagong naging daan sa pagiging ako ngayon.

At naaalala ko na naman ang nakakatakot na tagpong iyon.Parang isang bangungot.

(~~ means flashback)

~~

Pinag aagawan nila ang baril.Takot na takot ako kaya niyakap ako ni ate Hyoyeon.Hindi ko alam ang dapat kong gawin.Siguro naunahan ako ng takot.

"Taeyeon!Wag!", sigaw ni Ate Yuri.At akmang pupuntahan ang dalawang nag aagawan.Nang biglang harangin siya ng isang tauhan nung siraulong lalaking 'yun!

"Tumabi ka nga dyan!", sigaw ni Ate Yuri sa nakaharang sa kanya.Pero hindi ito natinag at nginitian lamang siya.

"Aba!Sinusubukan mo talaga ako ha!", galit nang sabi ni Ate Yuri at binigyan siya ng isang malutong na suntok sa mukha.Dahil sa lakas ng suntok nito ay napabalikwas ang lalaki.Si Ate Yuri naman ay tuloy tuloy ang paglalakad tungo kay Ate Taeyeon.Nanatiling nakahiga ang lalaki may bigla siyang kinuha sa likurang bahagi ng damit niya.Isang baril ang hinawakan niya.At akmang ipuputok.


"Yuri!!", sigaw ni Ate Hyoyeon at tumakbo sa kinaroroonan ni Ate Yuri.

Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o mananatili na lang sa kinatatayuan ko.Hindi ko kayang panoorin ang mga sumunod na mga eksena kaya tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang mga palad ko.

The Journey of The Shunga Girl (GG) [Fin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon