inilahad ko sakanya ang isang kamay may kinuha siyang isang box ng singsing saka kinuha din yung singsing sa kwintas niya.

Gulat akong napatingin sa kanya ng matantong yung ang singsing na iniwan ko no’n sa gilid ng side table sa kwarto namin.

isinuot niya una ang bagong singsing at isinunuod ang isa.

"Never remove that ring in your fingers."sabi niya sabay talikod.

Yun na yun? Wla ng drama? Tsk.

Nagpakabusy nalang ako at nang mag 2:00 ng hapon, binihisan ko muna si Dylan saka bago ako nag ayos at saka nagbihis.

Nang matapos makapagbihis lumabas ako sa kwarto at nakita kong nakatayo na si Grant sa labas, at mali ang pagkakabuhol ng necktie nito.

Nilapitan ko siya saka inayos ang necktie nito, nagulat ito sa ginawa ko pero hinayaan niya parin ako.

Matapos kong ayusin yun, hindi ko mapigilang tumingkayad at abutin ang labi niya para mahalikan.

Nagulat ito sa ginawa ko,  ako din ay nagulat sa ginawa ko kaya bahagya din akong napaatras.

"S-sorry..."naiilang na sabi ko at hindi na ito tiningnan.

Magsasalita sana siya ng biglang dumating si Dylan.

"Mama, okay na po ako!"sigaw niya.

"Come here kiddo,papa will carry you."Sabi ni Grant.

Dylan spread his hands saka siya kinarga ni Grant gamit ang isang kamay, inilahad niya naman ang kabila nitong kamay.

"What?"Tanong ko.

"Give me your hand."sabi niya

I rolled my eyes saka ko naman hinawakan ang kamay niya.

Naglakad na kami palabas at sumakay sa elevator.

FASTFORWARD.....

NASA may red carpet na kami papunta sa entrance ng hotel kong saan gaganapin ang party.

Pinagbuksan ako ng pinto nung lalaking nagtulak sa akin no’n papasok sa limousine nag abot siya nang kamay at ayaw ko naman magpaka attitude at tinanggap ko yun.

Naglakad kami sa red carter hawak ko sa gilid ko si Dylan at hawak naman ni Grant ang beywang ko sabay kaming naglakad sa red carpet kasama ang limang bodyguards na humaharang sa mga reporter, yes madaming reporter ang sumalubong saamin kaya iniiwas ko ang mata dahil sa nasisilaw ako sa mga pagkisap ng ilaw ng camera nila.

Nasa bukana na kami ng entrance ng may nagtanong kay Grant kong ka ano-ano niya kami.

Tumigil muna kami para ma interview unang ininterview si Grant at sinunod ako.

"Ma'am ano pong relasyon niyo ni Mr. Valleser maam?"tanong nang isang reporter.

"I'm his wife."sagot ko at tinignan ito, nailang agad ako ng makitang nakatingin din pala siya sa akin.

"Eh ito pong bata anak niyo po siya?"tanong ulit nung isa.

"Yes,i'm very sorry if ngayon lang kami nagpakilala, i am very busy with my work abroad that's why."sagot ko.

"Hindi po ba ikaw po ang nag-iisang anak ni Mr. Elton and Mrs. Avrielle Mortell?"Tanong nung isa.

"Yes, i am."sagot ko uli.

"Bakit hindi po kayo ang nagmamanage ng sarili niyong kompanya, kung nagtatrabaho kayo sa ibang bansa?"napipilan ako doon.

Nilingon ko si Grant para humingi ng tulong.

"That's enough, Me and My wife has some important things to attend, excuse us."sabi niya saka na kami naglakad papasok.

Andami pa nilang follow up question sa akin pero hindi ko na sila sinagot pa.

Nang makapasok agaw pansin ka agad kami dahil sa suot namin.

"Good evening Mr. Valleser and Ms?" Tanong nang isang naka puting tuxedo habang nakatingin sa akin.

"She's my wife, you should call her Mrs. Vallerser, Kaiden."sagot ni Grant.

Mrs Valleser, bakit parang ang sarap sa tenga pakinggan? Totohanan na ba talaga to o maghihiwalay dun kami sa huli?

"Welcome home, Mrs Valleser!"Sabi ng emcee na nasa stage sa harap, nakarinig ako ng masigabong palakpakan.

Maybe i should enjoy this moments before it lasts...


CAISEN PARK

BACK IN THE ARMS OF MY EX-HUSBAND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon