prolouge

4 0 0
                                        

"mama wag mo po akong iwan"

"sige na umalis kana ako na ang bahala sa anak mo"

"mamaaaaaaa sama akoooo huhuhu " habol ko kay mama pero hindi naman iyon sapat para maabutan ko sya dahil hinabol din ako ng pinsan ni mama na pinag iwanan sa akin.

Hindi ko alam kung bakit nya ako iniwan basta nagising nalang ako sabi nya gumayak daw ako at mamasyal kami pero bakit may dala syang bag pero hindi ko na lang iyon pinansin dahil bata pa lang nga ako non ang iniisip ko lang ay ang pamamasyal namin.

Pumara si mama ng motor at sumakay na kami habang sa daan ay susulyap sulyap lang ako pero natatandaan ko itong daan na ito papunta ito kila kristine anak ng pinsan ni mama.

Kila kristine lang pala kami pupunta panigurado aawayin na naman ako nito dahil ang gusto nya lahat ng meron ako eh meron din dapat sya kabisado ko na ugali nya magkasabay na kaming lumaki ewan ko ba kung saan nya na mana yung kamalditahan nya mabait naman si tita shirley pati na si tito kristoff.

Bumaba na nga kami ni mama papunta sa bahay nila tita shirley na agad naman sumalubong sa amin ni mama si tita.

Maganda yung bahay nila may taas kumpleto hindi katulad nung amin may magagandang kwarto na may aircon yung sa kanila yung amin electric fan lang tas tabi pa kami ni mama sa maliit na higaan tapos dito palagi akong busog madami palaging pagkain dahil meron sila tita na restaurant sa manila na si tito kristoff ang nag susupervise, mabalik tayo andito na nga kami pinapasok agad kami ni tita si kristine daw eh natutulog pa dahil maaga pa nga samantala iniwan muna ako ni mama sa sala at nag usap sila ni tita pamiya miya lumabas na si mama ni hindi man lang ako tinignan.

"Sige pinsan ako nalang ang bahala sa anak mo parang anak ko na din naman si tyra halos dito na din yan lumaki sige na baka gabihin ka pa"

"mama san ka po pupunta aalis na po ba tayo"

"hindi maiiwan ka sa tita mo"

"ma sama po ako "

"sinabing hindi e" hinawi nya yung aking kamay upang maka alis sa pagkakahawak ko pero ng dahil sa pag alis nito ay humagis ako sa garden nila tita at napa upo ako at dahan dahan ng dumudulas abg aking luha sa aking pisngi sabay tayo

At sumakay na nga si mama sa tricycle at iniwan na ako.

KUNG PWEDE LANGWhere stories live. Discover now