DISCLAIMER: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental
WARNING: Typo and grammatical errors is a must.
-------------------
Isang malakas na pagbukas ng pinto ang sumalubong sa mga istudyanteng nasa harap ng bakanteng room. Lahat ang nandoon ay nagulat.
"Fuck! sinong nagbukas dito?" sabi ng President ng buong school na kararating lang nang mga oras na iyon. Walang umiik na kahit na isa, walang gumalaw, parang lahat sila ay naistatwa.
"Ano bang meron dyan?" Isang babaeng istudyanteng naglakas loob na lumapit sa pinto ngunit agad itong nahinto nang makarinig ng di kanais nais na tunog.
-kkrrrckkkkk-
"What was that?" tanong ng isang istudyante malapit sa pinto.
"G-gusto pagkain" lahat ay natigilan, ang ibang istudyante ay napaatras, maging ang presidente ay nakikitaan ng takot sa mukha dahil sa narinig na tinig sa loob.
"Babae pre!"
"Baka kailangan ng tulong"
"Tabi!"
"Fvck Drake, hindi mo alam kung anong meron sa loob"
"Dre, boses babae e, baka naipit dyan"
"lol bruh! baka multo"
"PAGKAIN"
"Pagkain daw dre HAHAHA patay gutom ba nasa loob niya, halika na kasi tignan natin!" lakas loob ang pagbiro ng dalawang istudyante, akala'y pipigilan sila ng Presidente ng eskwelahan ngunit hindi. Tuluyan silang nakapasok sa loob ng silid na iyon. Sandaling natahimik ang lahat, tila nag-aabang sa mga susunod na mangyayari.
"BrUh! chix!"
"Gago!"
Naririnig ang tawanan ng dalawang lalaking istudyanteng nasa loob ng silid na iyon, kumunot ang noo ng Presidente-- nagtataka kung bakit walang nangyayari.
"PAGKAIN!!!!" matinis na sigaw ng babae.
"Babae? babae yon!"
"Tulong!!!! ackkkkk tulong!!!!!" malakas na sigaw sa loob. Tatakbo na sana ang ibang istudyante ng magsalita ang isa sa kanila.
"Walang gagalaw kung ayaw nyong may sumunod sakanya"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Buhay si--"
"TAKBO!!!!!"
Nagulat ang lahat ng lumabas ang isa sa dalawang lalaking pumasok sa silid. May dugo ang uniporme niya. Halata sa mukha nya ang kaba at takot. Nagpanic ang lahat, may mga istudyanteng tumakbo na, ang iba nama'y nanatili sa pwesto dahilan siguro ng kuryusidad.
"SI BAL-- AHHHHHHHHHH"
Isang babae ang lumitaw, duguan ang bibig, may hawak na paa at ngumunguya ng tenga. Sinugod niya mula sa likod ang lalaking kalalabas lang ng silid, kinagat niya ang leeg nito, kinain niya iyon hanggang sa mawalan ito ng buhay at mapuno ng dugo ang paligid. Kinuha ng babae ang isang tinidor saka walang awang tinusok sa mata ng lalaki saka iyon kinain.
"fvck!"
Natigil ang babae sa pagkain saka napatingin sa isang lalaking nakatayo sa harapan niya, nanginginig ang tuhod.
"Baleria..."
"Pagkain"
"What the fvck did they do to you?" tumayo ang babae kaya napaatras ito. Atras lang sya ng atras.
"Gusto pagkain"
"Are you the living cannibal? Baleria... the canniBal"
YOU ARE READING
CanniBal
Mystery / Thriller"Help! let me get out of here" isang malakas na dabog sa pinto ang narinig ng isang istudyanteng dumaan sa lumang room ng eskwelahang kaniyang pinapasukan. Lahat sila ay hindi pinapayagang pumasok doon, hindi lang isa, dalawa kundi maraming istudyan...
