Tumawa ng pagkalakas-lakas ung lalaking nagtanong kay Ate Pam kanina. Inirapan naman siya ng pangalawa.
" 'wag mo nalang pansinin yan ganyan talaga yan. 'baliw'," habang pinapaikot ang hintuturo pabilog sa kanyang tenga. "Sige upo ka na. Anong order mo?" Tanong ni Ate Pam
"Ginataang Gulay at Piniritong Isda nalang po. Salamat po." Sagot ko.
"Sige. Ioorder na kita. Tska 'wag kang po ng po, pinapatanda mo na ko lalo ee. Hehe." biro niya.
Biglang sumabat ang katabi kong babae. Cute siya, may brown rounded eyes na parang sa manika, wavy long hair at maliit na labi. Kung wala lang siyang gaanong pimples ay sobrang ganda niya. Pero halata mo ang mapupulang bagay na iyon sa mukha niya dahil naknakan siya ng puti.
"Jaime nga pala. Advertising. 2nd year. Sa katabing boarding house lang ako. Friend ko din yang si Pam, simula ng lumipat ako ng inuupahan." Sabi niya ng nakangiti.
Napansin ko ring nakatingin sakin yung lalaking nasa tapat ko. Pero nung tumingin ako, bigla siyang nagpatuloy sa pagkain. Biglang nagsalita si Jaime.
"Mahiyain 'yang si Chester. Pero mabait yan. Civil Engineering. 2nd year din. Dun siya sa baba ng boarding house niyo." Sabi ni Jaime.
Kaya pala ang nakalagay sa may hagdanan paakyat sa mga kwarto namin ay 'No Boys Allowed'. Now I know. Hirap talagang maging probinsyana.
"Jaime! Ako din ipakilala mo dali!" Biglang sabat nung lalaking nasa dulo.
"Eh bakit di pa ikaw magpakilala sa sarili mo, tutal kanina ka pa dada ng dada dyan!" Pagsusungit ni Jaime.
"Ang sungit mo talaga ee noh? 'Pag si Chester ang pag-uusapan mabilis kapa sa alas kwatro. Nakuuuu!" Pang-aasar nung lalaki.
Hindi sumagot si Jaime, pero sobrang pula ng mukha niya. Halatang napahiya siya dun sa sinabi nung madaldal na lalaki o baka may gusto siya kay Chester??? Hmmm.
"Ahahaha. Namula na naman si labanos. Aminin mo na kasing Crush mu yang si Chester!" Sabay turo niya sa lalaking kaharap ko. Mukha namang walang pakeelam 'tong Chester dahil panay lang ang kain.
Ng dumating na si Ate Pam, binatukan niya agad yung lalaking maingay.
"Ikaw talaga Ran, napakaingay mo! Ang hilig mong mang-asar eh isa ka pang torpe. Ni hindi mo nga masabi kay Viena na may gusto ka sa kanya, wala nga-nga ka nalang! Magkakaboyfriend na yun, ikaw wala. Hanggang pangarap ka nalang! hahaha." Sabay banat ni Ate Pam.
"Ahh ganun Pam? Eh sino kaya saten ang naghihintay pa din sa Puppy Love niya nung High School na di naman niya alam kung san lupalop ng mundo napunta pagkatapos ng graduation. Sige nga??" Taas noong sabi nung Ran daw.
"Eh kung samain ka saken, gusto mo? Labasan ba 'to ng darkest and kadiring secrets ha? 'Di ka na nahiya may kasama tayong Freshman oh!" Sabay turo ni Ate Pam saken.
Napangiti lang ako noon. Sisimulan ko na sana ang pagkain pero bigla na namang nagsalita si Ran.
"ehem ehem.. oo nga pla" pasimula niya "Hi Ms. Liz, ako nga pala ang pinakagwapong Arkitekto ng PUP, Ronald Alvin Nieto. Ran nalang for short. 3rd year na ko." Sabay ngiti na parang mongoloid. Napangisi nalang ako.
Tawa ng tawa si Ate Pam at Jaime. Habang si Chester naman ay napapailing.
" 'wag mo ngang takutin ung bata Ran! Baka akalain pa niyan may drug addict kaming barkada. Hahaha" sabi ni Jaime habang tawa ng tawa.
"Okay lang po. Sanay na ko sa mga Addict, marami po nun sa lugar namin. Hehe" sabat ko.
Lahat sila napatingin saken. Maliban kay Chester. Napatigil sila sa pagkain at sabay-sabay sabi ng 'di nga?'
Natawa ako sa reaksyon nila. Akala siguro nila nagbibiro ako.
"Opo. Seryoso." Ani ko na nakataas pa ang kanang kamay, na animo'y nagpapanatang makabayan.
"As in Seriously? Drug pushers? Drug Users? Taga saan ka ba? Tondo?" Sabi ni Ate Pam na nanlalaki pa ang mga singkit na mata.
"Bicol po. Sa barangay po namin nagkukuta ung mga Druglord. Ayaw lang po naming isuplong kasi baka kung ano pong gawin samen." Pagkukwento ko.
Napasinghap si Ran, habang natulala naman si Jaime. Sa pagkakataong un, nahuli ko na namang nakatingin sakin si Chester. Ng magsalubong ung mata namin, bigla na lang siyng nagsalita.
"Aren't you going to eat? or magkukwento na lang hanggang mamaya?" Pagsusungit niya. Poker face lang siya pero ung tono ng pananalita parang naiinis na ewan.
"Ahhh.. opo kakain po.. sorry po.. " tumungo ako sabay subo. Ni hindi ko na tinignan pa ung reaksyon ng iba.
Nakakainis! Kailangn ba talaga akong ipahiya? Hmp! Mabait daw! If I know, mabait lang yan sa nanay at tatay niya! Tss.
"Grabe ka naman pre, nagkukwento lang ung tao. NapakaKJ mo talaga! Kaya wala kang prenz ee. Pasalamat ka nagtyatyaga kami sa iyo. Hahaha" biro ni Ran.
Tinignan siya ng masama ni Chester na akala mo mananapak.
"Chill pare i'm just kidding, you know! We're BFF Foreveeeer! Ahihihi!" Panggagaya ni Ran kay Ai-Ai delas Alas sa pelikulang BFF.
Natawa nalang kami nila Jaime. Habang pailing-iling lang si Chester at di na lang pinansin ang kahibangan ni Ran.
Natapos ang hapunan at nagkayayaan ng umuwi. Habang pabalik na kami ni Ate Pam sa Boardibg house may biglaang sumulpot sa tabi ko.
"Sorry kanina ha. I didn't mean to be rude." Sabi ni Chester.
"Ahhh.. okay lang po un.." pautal-utal kong sabi.
"Asus. Pasorry sorry ka pang nalalaman Ches. The damage has been done, galit na yang si Liz sayo. Epal mu kasi e. Hahaha" panunukso ni Ate Pam.
Sa itsura ni Ate Pam, hindi mo aakalaing ganyan sya kapang-asar. Mali pala ang first impression ko sa kanya. Tumingin bigla saken si Chester na parang nagtatanong ng 'totoo ba un?'
"Nako.. hindi po ah. Hindi ako galit. Niloloko lang kayo ni Ate Pam." Sabi ko.
Ngumiti naman siya noon bilang tugon. Sabay tingin kay Ate Pam.
"Bawas bawasan mo kasi ang pagsusungit, daig mo pa 'ko eh! Hmp. Dyan kna! Aakyat na kami!" Sabi ni Ate Pam sabay hila sakin.
Ng nasa kwarto na ko. Sinimulan ko na ang pag-aayos ng gamit ko. Sa tuwing naalala ko, ung nangyari kanina napapangiti ako. Mukhang magiging maganda ang College Life ko. Hanggang sa nakatulog na ako.
----
Sa lahat po ng nagbabasa na! Kindly leave a comment, suggestion or violent reactions. It'll be greatly appreciated. Thanks! Vote na din. :)
YOU ARE READING
Paths of Fate
Teen FictionIn life, every people are born with different fate. Each of them has different paths to follow. No matter how hard or light it is, still, people's choice will make a change -- to take the path or to leave and make their own. Life's a battle of chanc...
