POSER

117 6 0
                                    

—(TW: Sexual Abuse, Self Harm)

Please if you don't want a story that will trigger your mind don't read this. This is a R18 one shot story and contains topic about Sexual Abuse, Self Harm, and Sui*id*. I don't want any of my younger readers to get confused, or triggered while reading this story. 

Thank you so much!

Happy Reading - chellesy




Nakangiti ako habang kachat si Levi, boyfriend ko. Nakilala ko siya actually sa isang dating app, limang buwan na ang nakalilipas. Niligawan niya ako at agad  ko naman siyang sinagot makaraan ang dalawang buwan.


Alas una y medya na ng madaling araw pero 'eto magkachat parin kami. Plano kasi naming magkita bukas. First time ko siyang mameet ever since nagstart kaming magusap. At naeexcite akong makita ang lalaking mahal ko.


(Bukas babe ha mga 3:30 ng hapon tayo magkikita)  message niya saakin napangiti naman ako at nagreply


(Sure babe saan?)  tanong ko rito bago niya isend ang lugar kung saan daw kami magkikita. Napangiti ako ng maalala niya ang favorite place na naikwento ko.


"Jessica matulog na. Nagpupuyat ka nanaman alas una na, ano wala kang balak matulog ha?" bulyaw sakin ni mama kaya tumango na lamang ako at saka siya lumabas ng kwarto


(Pinapatulog na ako ni mama babe) message ko dito 


(Sure sure matulog ka na baka mapagalitan ka pa ni mama este ni tita. Basta bukas ha don't forget.) napangiti ako sa sinabi nito bago ako mag-goodnight at natulog.


...


Kinabukasan sa sobrang excited ko 11 am pa lang gising na ako. Nag-taka pa nga si mama at papa kung bakit, kasi madalas hapon na ako nagigising. 


Di ko naman sinabi na may kikitain ako kasi bawal pa akong magka-boyfriend kaya sabi ko nagising lang.


Nang pumatak ang ala una ng hapon agad akong pumunta sa cr at naligo. Pagkatapos kong maligo agad akong pumunta sa harap ng cabinet ko at naghanap ng maisusuot 


Inabot ako ng 15 minutes para makita ang perfect dress. Black off shoulder dress at pinartneran ko ng heels na 3 inches ang taas.


Pagsapit ng alas tres ng hapon agad akong ipinaalam na magmo-mall lang kami ng kaibigan kong si Danica, pinayagan naman nila ako dahil kilala naman nila si Danica.


Agad akong naglakad papunta sa playground na pagkikitaan namin ni Levi since kaya namang lakarin ito mula sa bahay namin.


Nang makarating ako sa nasabing playground, wala akong ibang nakitang tao maliban sa isang middle age na lalaki na sa tingin ko ay nasa 40 years old na ito.


Agad akong lumapit sa lalaki at kinalabit. Humarap naman siya at bumungad saakin ang kanyang bigote. Nginitian ko ito.

POSER (One Shot)Where stories live. Discover now