Chapter 2 - My Date

51 13 33
                                    

CHAPTER 2

SAM'S POV

"Hoy lalaki! Pwede bang tulungan mo ako dito?" sabi ko kay Jandrik na nasa isang tabi prenteng nakaupo. Habang ako narito at nagpapakahirap maghanap ng maisusuot sa boutique na pinagdalhan niya saakin.

"I didn't know a thing about that" sabi niya at tsaka kinalikot yung cellphone niya.

Anak ng! Siya tung may pasabi sabi na be my date tapos ako ang magpapakahirap dito?! Bwisit na to! Ni hindi man lang kasi sabihin kung anong theme nung party na pupuntahan naming. Selpon lang siya ng selpon!

Binagsak ko ang mga hawak kong damit sa tabi niya at tsaka naglakad palabas ng boutique.

Bahala ka diyan tanginamo!!

"Where do you think you're going?" sabi niya at tsaka hinila ang braso ko.

"Uuwi na!" sigaw ko sa kaniya.

He sighed at dahan dahan niya akong hinila papasok ulit sa boutique at nilapitan ang isang saleslady doon.

"Can you get a dress and sandal in her size?" sabi niya sa saleslady. "Ok sir, wait a minute" sagot nung babae at tsaka naghanap ito ng damit.

"Tangna kung kanina mo pa sana ginawa yan edi sana tapos na tayo ngayon" sabi ko at tsaka umupo sa sofa.

"When we get there on the party, can you please put a filter on your mouth?" sabi niya ngunit nakatingin lang siya sa cellphone niya. What a fucking rude attitude!

"Don't boss me Jandrik. I can do whatever I want." sabi ko sa kaniya.

Tinignan niya naman ako ng may pagsuko. Di ko nalang iyon pinansin kasi dumating na din yung saleslady.

"Sir these are the dresses and sandals that perfectly fits for her" sabi nung babae pero hindi na nag-abala si Jandrik na tignan ang mga ito. "We will take it all" napanganga naman ako sa sinabi niyang iyon. Hello! Sobrang mahal kaya ng mga dress at sandals nila dito. Alam ko dahil minsan na din akong bumili sa boutique na ito.

Pero bahala siya pera niya naman eh. Iba na talaga pag mayaman. Perahan ko kaya siya. Nice idea you got there Sammy yummy!

"Here" inabot niya saakin yung mga paper bag na naglalaman nung mga binili niya. "The party will start at 8 o'clock tonight. Don't forget that" sabi niya at tsaka naglakad na palayo saakin.

"Hoy lalaki! hintayin mo ako" sigaw ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. Tangina! ayokong maggrab sayang sa pera!

Pero wala na akong magagawa kasi nakalayo na siya saakin. Tengene! Napakasama ng ugali! Walang modo! Walang puso! Walang atay! Walang ribs! Walang kidney!!!!

Sobrang inis ako nang makarating sa condo. Lalong nag init ang ulo ko nang makatapat ako sa pintuan ng unit niya.

Sinipa ko ito ng pagkalakas lakas at tsaka pumasok sa unit ko. Gagong lalaki yun! We're gonna be even after this. So wait and see Jandrik makakabawi din ako sayo!

~

7:30PM at nakabihis na ako. Suot ko ay yung black backless dress at silver stilleto. Eto ang natipuhan ko sa mga binili ni Jandrik. Siguro ibabalik ko nalang mamaya iyong ibang dress. Baka kasi utang ko nanaman iyon sa kaniya!

Tok! Tok! Tok!

Bumungad saakin ang naka black tuxedo with a black necktie, black pants and a black shoes na si Jandrik. Di naman siya mahilig sa black noh!

"Let's go?" sabi niya tumango naman ako at tsaka isinara yung pintuan ng unit ko. "Btw you look stunning" sabi niya bigla. Napasmirk naman ako at nakaisip ng kalokohan.

Taming the Wild Chick (On-going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang