Napabangon ako at lumabas ng room. Nagulat ako nang makitang nakahilata sa sahig si Wallace duguan ng mukha. Si Morgan naman May sugat rin sa pisngi. Ano bang nangyari?

"Morgan! What's this?" Galit kong tanong sa kaniya. Nakahawak sa magkabilang balikat niya si Rhys at Caliber. Pilit pinapakalma. He's breathing heavily. At galit na galit ang mukha.

"Wallace ayos ka lang ba? You're bleeding." Lumapit ako at lumuhod sa harap niya. Napangiwi ako sa nagdurugo niyang labi.

"Addie." Ngumiti siya pero napangiwi rin dahil sa sugat niya.

Tinulungan ko siyang makatayo. Binalingan ko si Morgan. Igting ang panga at nandidilim ang mukha.

"Don't go near him." Banta niya sa akin.

"Addie are you okay?" Gulat akong bumaling kay Wallace na nakahawak na sa braso ko. He looks so concerned. Malungkot ang mga mata niya. Halata ba sa mukha ko na hindi maayos ang pakiramdam ko? That I'm not okay.

"Yeah. I'm fine. Let's go I'll treat your wound."

"Addie!" Binalewala ko si Morgan. Galit ako sa kaniya. Huwag niya akong mautos-utusan.

Inakay ko si Wallace paalis doon. Nagpunta kaming 6th floor. Dito rin pala sa hotel na ito siya nagsstay. Hinanap ko agad ang first aid kit nang nakapasok kami sa room niya.

Nakaupo siya sa kama. "Ano pala ang ginagawa mo dito? Alam mo bang nandito kami?" Tanong ko habang linilinisan ng sugat niya. Malakas pa naman sumuntok si Morgan. Mamamaga mukha niya for sure.

"I'm on a business meeting here. I can't believe na dito pa tayo magkikita. It's been a year since I saw you Addie. I really miss you." Yinakap niya ako ng mahigpit. I hugged him back. Pero napatigil ako sa sinabi niya. It's been a year? Bakit antagal naman? Kailan lang nung nagkita kami. It's just a month. How come it's a year already?

"Wait. A year? Seriously Wallace?"

Bumitaw siya sa pagkakayakap. Tila naguguluhan din siya sa tanong ko.

"Yes what's wrong? Umalis ako ng bansa last year remember? Nalungkot nga ako kasi di ka nagrereply sa mga emails ko.

"I forgot my password with my old account. But seriously? Hindi mo ako nakita ng isang taon? Buwan lang iyon Wallace. Nakausap pa nga kita sa lawa eh." I can't believe what he just said. So sino iyong Wallace na nakakausap ko sa school?

"Wait Addie. Did you forgot already? Hinatid mo pa ako sa airport noon. Nagpunta akong Canada to study kasi May malaking opportunity sa akin doon." He's confused also. Mukhang seryoso naman siya at hindi siya nantitrip.

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Don't tell me may kambal siya?

"Yes I can still remember but I thought umuwi ka after a month?"

"Shit. Did you meet my twin?"

"So may kambal ka? It's creepy!"

Humalakhak siya sa reaction ko. Geez. So all I think this time siya si Wallace?

"I'm Wallace Aliver, my twin name is Wallace Axel. So nagkita kayo? Siya kasi ang pumalit sa akin sa bahay nung umalis ako abroad, it's my dad request."Napailing siyang tinignan ako.

What the hell? Seryoso?

So iyong nahalikan ko sa lawa ay ang kambal niya? Bakit ko nga ba hindi nahalata na hindi siya si Wallace? I mean si Aliver. Bakit ba naman kasi magkapareho sila ng pangalan eh. Napakagulo tuloy. Hayf na yan.

"So that's the reason why that guy punched me? Oh come on. Seriously? What does Axel did? Did he do something stupid? Galit na galit ang boyfriend mo sa akin. Nagtataka ako kanina kung bakit ganun ang reaksyon niya nang makita ako. Are you close with my twin? I can't believe this!" Tumawa siya na akala mo nakakatawa ang mga rebelasyon ngayon. Geez.

"All this time I got fooled? Is this some kind of prank?"

"I think you're close with my twin. Nainlove ba siya sa'yo or what? I'll call him later." He pinched my nose still with a big smile.

Bumalik rin agad ako sa kwarto namin ni Morgan. Nahiya ako sa itsura ko. Gulo-gulo ang buhok at di pa ako nakakapaghilamos man lang. Ngayon ang flight ni Wallace pabalik ng Canada. Uuwi raw siya ng Pilipinas next month kaya doon na kami magkikita. Nagpalam na ako kanina.

I really miss him. I can't still believe the things I've heard earlier. That he have a twin. Bakit kasi hindi niya sa akin sinabi noon?

Wala si Morgan sa kwarto. Naligo ako at nag-ayos na para bumaba at kumain. Nagtext si Devie na nasa baba na raw sila. Sa dating restaurant na kinain namin nung unang dumating kami dito.

Nang makababa ako ay nagsimula nang kumain ang lahat. And to my surprise katabi ni Morgan iyong Zoey. Kay Sean ako nakitabi. Wala dito si Hanz kaya feeling ko bumalik na siyang States. Hindi man lang ako nakapagpaalam. Hayst.

"Faye kilala mo yang babae na katabi ni Morgan?" Bulong sa akin ni Sean sa tenga. Nagkibit balikat lang ako at nagsimula na ring kumain. Bwisit talaga. Bakit nandito iyan?

Nang napatingin ako sa gawi nila ay nginitian ako nung babae. She's like an angel. Ang ganda pati ngiti.

Hindi na ako tumingin pa at nag-focus na lang sa pagkain. Mukhang close niya ang barkada ni Morgan. Kwentuhan ang ganap nang matapos kaming kumain.

Tama nga ng hinala ko isa siyang model sa ibang bansa. Mayaman at sikat base sa mga kwento nila. Tahimik lang akong nakikinig. Pare-pareho lang sila na manhid. Nandito ako pero parang wala lang. Hindi ba nila alam na nagseselos at nasasaktan ako?

Nagpaalam ako na aakyat na dahil masama ang pakiramdam ko. Wala na akong gana. Pinigilan ako ng girls na magsi-swimming daw pero tumanggi ako. I don't think kaya kong magsaya ngayon. Andami kong iisipin.

"Addie let's talk."

Nagitla ako sa pagsalita ni Morgan. Sinundan pala niya ako. Aawayin nanaman ba ako? I'm tired. Really.

Bahala na rin siya sa buhay niya kung ayaw niyang magpaliwanag. It's his choice. After this vacation nakapag-isip na ako. Babalik na ako sa bahay at tatapusin ko na ang namamagitan sa amin ni Morgan.

Iyon naman talaga ang dapat. Naisip ko lang na isa lang naman kasi akong estranghero sa lugar nila. Mas mabuti kung umalis na lang ako dahil feeling ko anlaki kong abala. Matanda na rin si papa at mama kaya babalik na ako. Ayaw kong magsisi sa huli na hindi ko na sila muling makikita pa. Napatawad ko na sila.

Pinutol ko kasi ang komunikasyon ko sa pamilya ko nang mapadpad ako sa lugar nina Morgan. I deleted my social media accounts, nag-iba ako ng sim at phone para hindi nila ma-trace kung nasaan ako.

My decision is final. I really miss papa and mama. Sana naman nagbago na si Hannah. I still hate her.

Dominant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon