What if iwan ako ni Morgan? What if mas mahal niya ang babaeng iyon? What if panakip butas lang ako? What if mas pipiliin niya si Zoey? What if hindi talaga ako mahal ni Morgan? He have many secrets that he's hiding. Kahit isa wala akong alam.

Umiyak ako ng umiyak. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang gusto ko makalayo muna doon. Dahil di ko alam ang magagawa kung makita ko sila. Ang sakit!

Pumasok ako sa isang bar. Hindi ko alam kung bakit dito ako pinapunta ng mga paa ko. Should I drink instead? Just tonight.

I don't have my phone and money. Buti na lang nakita ko si Sean kaya tinawag ko ito.

"Harri!" Gegewang-gewang na lumapit siya sa akin.

"Oh Faye anong ginagawa mo dito?" Pulang-pula na ang mata niya. Napangiwi ako kaniyang itsura.

"To party?" Saka ako humalakhak. I should party!

"Asan si Morgan? Di na kayo bumalik kanina kaya nag-bar na lang kami." Sabay turo niya sa taas. Sa pangVIP. Naaninagan ko sina Rhys.

"Nandoon sa babae niya." Mapait kong tugon at ngumiti ng pilit. "Buy me drinks Harri."

"Huh?" Naguguluhang tugon niya kaya binatukan ko siya.

"Hakdog!"

Iginaya ko na siya sa counter at umorder ng maiinom. Agad kong nilagok ang binigay na drinks. Agad na nanuot ito sa lalamunan ko. Ang pait!

"Hey easy. Baka malasing ka. Alam ba ni Morgan na nandito ka?" Inis ko siyang binalingan. "Don't mention his name! Hindi niya alam at wag mong balakin na ipaalam. One more drink!"

Iiling-iling siyang tumabi sa akin at linagok ang alak sa harap niya. Buti na lang nandito ito.

Nakatatlong baso na ako at medyo tumatama na ang nainom ko. Okay pa naman ako. Gusto kong sumayaw!

Nagpunta akong dance floor. I dance with the beat of the music. I miss this. Tagal ko na ring hindi nakapagbar.

Mga foreigners ang nandito. Iba't-ibang lahi. Nagulat ako ng may humawak sa bewang ko.

'"Hey miss. Alone?" Ngiting kindat niya sa akin. My jaw dropped with this hot freaking gorgeous man in front of me. Kamukha niya si Michele Morrone. Goshhhh!

Sinabayan ko ang sayaw niya. I think I'm blushing. He's so hot. Kamukhang-kamukha niya talaga!

"You're so sexy. I love the curve of your body I think it will fit perfectly with my hands." He seductively added. Even his voice is so freaking hot!

"Addie!" May sumingit sa gitna namin. Si Rain na kunot ang noo. Naman! Isusumbong ba niya ako kay Morgan? Tas.

"What?" Inis kong tanong sa kaniya. Kinamot niya ng kaniyang batok. "What are you doing?" He hissed. Tinignan niya ang lalaking kasayaw ko kanina. "He's married bro. We should go."

Hinila na niya ako paalis. Sinulyapan ko pa ang lalaking kasayaw ko kanina. He waved goodbye to me. Geez. He's so hot and freaking cool. I just realized now that foreigners are so good looking.

"Rain let go of me!"

Kinaladkad niya ako papunta sa taas. Nanlalaki ang mata nina Ford, Caliber, Rhys, Kristoff, Sean and even Hanz nandito rin. "What?" Untag ko sa kanila. Bawal bang magpunta rito?

"Si Morgan?" Sabay na tanong ni Caliber at Ford. "Sa babae niya." Prenteng sagot ko at inagaw kay Kristoff ang baso niya at nilagok ang alak. Geez ang pait! Antapang naman.

"Addie! Stop that! Malalagot kami kay Morgan."

"He's busy. We should party!" Kumuha ako ng shots sa table nila. I smiled to the girls na kasama namin sa table.

"Addie you okay?" Hanz asked with concerned face. Tumango lang naman ako at ngumiti.

Hindi kaya nila alam na mayroon ang Zoey na yun o tinago rin nila? Of course they know! Kaibigan si Morgan malamang pagtatakpan.

Nagtuloy ang lahat sa pag-inom. Pinigilan nila akong uminom pero sinamaan ko lang sila ng tingin. Ngayon lang ito. Wala namang masama.

Nagsimula na ring umikot ang paningin ko. Nahihilo na ako na ewan. Nagpaalam ako at bumaba sa dance floor.

Busy sila sa kanilang mga babae kaya hindi na ata nila ako napansin. Sige magpakasaya lang din kayo diyan. Minsan lang naman tayo dito sa Hawaii.

Dahil ang wild ng mga tao sa dance floor ay natangay na rin ako. Itinaas ko ang kamay at nagsimula na ring umindak. Ang sarap sa pakiramdam. I really miss this! Go clubbing.

"Hi sexy. What's your name?" Binalingan ko ang lalaking nagsalita. Bakit kamukha naman ngayon ni Hu Yi Tian? Sobrang swerte ko ba ngayong gabi?

"Addie. Buy me a drink?" Malambing kong pakilala. Medyo makapal ata mukha ko ngayon. It's the alcohol I think.

Tumango agad siya at nang hahawakan na niya sana ang bewang ko ay may nauna na. He's smell is so familiar.

Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko na ang hilo. "My wife." Rinig kong sabi niya sa lalaking kausap ko at kinaladkad na ako paalis sa bar. Nanlaban ako pero malakas siya.

"M-Morgan!" Saka ko lang narealize na siya pala ang taong kumakaladkad sa akin palabas ng marinig ko ang mura niya. This guy really is something. Anong ginagawa niya dito?

"Bullshit Addie? What do you think you're doing huh? Look at you!" He spat angrily.

Nasa labas na kami. Nakaramdam ako ng lamig. Geez. Napaayos ako sa sleeveless ko.

"Partying? Ano sa tingin mo?" Malamig kong sabi.

"What?"

"Babalik ako sa loob!" Iwinagayway ko ang kamay ko at nagmartsa na paloob pero bago pa ako makapasok binuhat na niya ako. Nagtitili ako sa ginawa niya. Pinalo-palo ko siya pero di siya nagpatinang.

Nakapasok na kami sa lobby ng hotel pero hindi pa rin ako binibitawan. "I hate you!" Inis kong singhal. Ang sakit ng ulo ko. Naparami ako ng inom.

"I know. Shut up before I make love to you right here right now! Damn it." He gritted his teeth at me.

Natutop ko ang bibig ko. Langya! Ano raw? Make love? Nag-init ang pisngi ko. Hayf na yan.

"Sino nagsumbong sa'yo ha? Si Caliber? Si Rain? Why you wouldn't let me be happy for just one night? You're selfish! I hate you!" Kahit nang nasa elevator na kami ay nagdadada pa rin ako. Naiinis ako sa lahat.

"Someone sent me a photo of you." He said frustratedly. He looks so tired. Bakit di na lang kasi ako ibaba.

"Who? Your friends? I know it! I know it! Lagot sila sa akin." I bump my fist. Strong ka ghol? Strong?

"No. Someone." May kung ano sa mata niya at boses. Like he's distracted or what.

Someone? So hindi namin kilala? Bigla tuloy nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. May nangsstalk ba sa'kin? It's creepy. Geez.

Dominant LoverWhere stories live. Discover now