Lance's POV
What a beautiful day! Ang ganda-ganda ng umaga! I cant wait to go in the office. But of course, I cant wait to see Nielle
Nakatulog kaya siya ng maayos kagabe? Sana nga
Nag-ayos na ako para makapasok na sa office. Sana naman bihis na si Hannah, napaka-kupad pa namang mag-ayos ng isang iyon
"Hannah! Are you done? Sasabay ka ba sa akin pumasok? Mauuna na ako! Madami ka pa ding aayusin na schedules ko!" sigaw ko habang bumababa ng stairs
Nakarinig ako ng kalabog ng pinto. Napaka-maldita talaga ng isang ito, parang si Nielle lang
"Ang aga mo na nga akong ginising eh! Ito na pababa na!!!"
"This house is really noisy when you two are around here" dinig kong sabi ni Mom
"Sorry Mom" nakangiti kong sagot sa kanya "Di pa po ba kayo nasanay sa amin ni Hannah?" pabiro kong sabi
"What's the matter with you? Pansin kong pala-ngiti ka these past few weeks ha?"
"Pano po! Inlababo yan tita Eli!" sagot naman ni Hannah sabay nagbeso ito kay Mom
"Hoy! Magtigil ka diyan ah! Mauna ka na nga sa kotse! Iwanan kita diyan eh!"
"Edi iwanan mo! I can use my car. Hmp!"
"Pikon!"
"Shut up!!" Tumingin siya kay Mom "Bye Tita!!"
"Bye Hannah!" nakangiti naman siyang sumagot sa kanya
Lumabas na si Hannah ng front door ng bahay at lumingon ulit ako kay Mom
"Mom, I have to go. See you later. Bye"
"Hmm. If I knew, iniiwasan mo ang sinabi ni Hannah kanina ano? Hahaha. Ikaw talaga"
"N-no! Of course not!"
"Nakoooo. You're stuttering son! Hahaha. Osha sige, off you go now" at nagbeso siya sa akin
"Bye Mom. I love you"
"I love you din Hijo"
Lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa kotse ko kung saan naghihintay si Hannah
Habang nagda-drive ako papuntang office, hindi nagsasalita si Hannah
"3 days leave? Gusto mo?" nakita kong napatingin ito sa akin
"Ano?"
"Im offering you a 3 days leave. Alam ko namang badtrip ka sa akin dahil binulabog kita ngayong umaga"
"Weh? Di nga? Bibigyan mo ako ng leave?"
"Ayaw mo? Edi babawiin ko nalang"
"Hinde! Gusto ko!"
"Sige, you'll start tomorrow"
"Di nga?! Bukas agad?!" sabi niya ng may malaking ngiti sa labi niya
"Yes. But you have to furnish all my schedules first for the last days of this month and until January"
"Ang dami-dami naman nun eh!"
"Its up to you, take it or no leave"
"Sige na sige na! Gagawin ko na!"
"Ikaw talaga! Ang spoiled-spoiled mo sa akin!"
"Hayaan mo na, mahal mo naman ako diba?" may halong biro ang pagkakasabi niya nun. Alam ko ugali nitong pinsan ko na to e. Mabait lang to sa akin kapag may naibigay akong gusto talaga niya. Haaaaaay
"Yes, I love you Hannah. Para na kitang kapatid eh. Kahit hindi mo ako tinatawag na 'Kuya'"
Kahit ganyan si Hannah, mahal na mahal ko yan. Kahit lagi kaming nagsisigawan, kapatid na din ang turing ko sa kanya. Yung kapatid kasi niya, hindi niya close dahil hindi sila magkasamang lumaki.
"Sus! Ang drama mo na naman!"
And we both laughed
"Uh.. Lance? Diba ang sabi ni Tito, you have a brother daw?"
"Yeah. Meron nga daw, sabi nila he's older than me. Pero they told me, Mom and Dad met an accident before tapos nawala nalang si Kuya and they never found him again. Why you ask?"
"Wala lang. Tragedies really happen to our family noh? I'm not close to my brother, you lost your brother, and you also lost–"
"Huwag mo na ituloy please"
"S-sorry, pasensya na talaga di ko sinasadya"
"Its okay Hannah. Besides, I know there's someone who can make me happy"
"Nielle?"
I just gave her a smile. Which practically means "Yeah. Its Nielle"
Napabuntong hininga nalang siya at malungkot na ngumiti
"Ayaw mo ba kay Nielle para sa akin Hannah?"
"H-ha? N-no. Hindi sa ayaw ko sa kanya para sayo pero.. Pero–"
"Pero ano?"
"Never mind. Pero honestly? I'm happy seeing you happy. Ang tagal ko kayang hinintay ulit yung mga ngiti mo na bumalik ulit"
"What do you mean?" takang tanong ko sa kanya. Bumalik yung mga ngiti ko?
"You see, I never saw you smiled again like that. Yung mga ngiti mong matagal nang hindi nagpapakita? You know since 'that' happened"
Napaisip ako
"Ah. You mean.. Okay. But! I promise, hindi na ulit mawawala itong mga ngiti na ito"
"Sana nga Lance. Sana..."
Masaya si Hannah para sa akin at gusto din niya si Nielle sa akin. Pero may mali eh. There's something that bothers her and I need to find that out
YOU ARE READING
A Girl's Vengeance?
RomanceDanielle Ellise Caballero lived a perfect life. Actually, she has nothing to wish for. She's contented on what she have. Until one day, their family was left by her Mother. She disappeared just like a popped bubble and Nielle hated her mother for th...
