Nahulog Ako sa Tulay
@imaballpenandiwrite_
Zach's POV~
Dear Phoebe,
Natanggap mo ba ang sulat ko kahapon? Pasensya ka
na kung makulit ako sa texts, naiistorbo ba kita?
Sorry na, mahal lang kasi kita.:)
Sige, dito muna.
P.S. I love You
-------------
Itinupi ko ang papel at bahagyang pinahiran iyon ng pabango saka
inamoy-amoy.
Ayos!
"Bridge!"
dumungaw pa ako sa labas ng room pero wala siya kaya nagdesisyon akong lumakad
sa hallway.
"Oy, kanina pa kaya kita tinatawag!" Sigaw ko nang makita ko
siya.
"Lumingon sya, kaya bigla akong natigilan.
Huminto ang tibok ng puso ko, at para akong na-glue sa kinatatayuan ko.
"A-ano kasi...Yung report! Oo, yung report natin, k-kelan natin gagawin?"
Tsk. Bat ba kasi nanjan si Phoebe? Nauutal tuloy ako.
"Uh...Phoebe, I think you should go na, nang makausap ko naman ng matino tong
si Zach...Phoebe! After school ah?"
Nakita kong tumango si phoebe, bahagyang sumulyap sakin na nagdulot ng
pagdo-double time na naman ng puso ko.
Ngumiti siya sabay tumalikod na.
Ngumiti siya...
Nginitian niya ko...
hindi kaya...
"Aray!" Hinampas kasi ako ni Bridge ng hawak niyang notebook.
Angcute ng name niya no? Siya ang tulay ko kay Phoebe. Pero
Bridgette talaga ang pangalan niya, pinaikli ko lang.
Nakakapagod kasing bigkasin eh.
"Eh pano kasi, kanina pa kita kinakausap nakatulala ka lang jan. Nakangiti
pa sa hangin. Tsk."
Ginulo ko lang ang buhok niya, mas matangkad kasi ako sa kanya ng di hamak.:)
"Uy wag.Ano ba," sabi ni Bridge habang umiiwas at pilit na hinuhuli ang kamay ko.
