"Aki!!"
Nagbabasa ako ng libro nang bigla kong narinig na may tumatawag sa akin sa may bandang canteen ng school. I was sitting at the bench under the tall Acacia tree. Nakagawian na din na after lunch tatambay ako dito mag-isa, nagbabasa ng novel books or di kaya nag-aaral. This is just beside the library room. Sobrang refreshing ng ambiance sa lugar na to since wala masyadong dumadaan dito, malayo sa maingay at magulong canteen.
Nang makita kung sino ang paparating sa kinauupuan ko, bumalik ang mata ko sa libro at nagpatuloy sa pagbabasa. Sana naman naisipan niyang 'wag ako isturbohin ngayon na nasa climax nako ng story na binabasa ko.
"Aki!!!" She shouted again pero di ko siya nilingunan. For sure alam ko na ichichika nya sa araw na 'to.
"Aki!!!!!" Nakangisi niyang tawag sa akin at umupo sa tabi ko. Inilapag nya agad ang mga binili niyang pagkain sa table na concrete sa harapan namin. Hindi ko pa rin siya pinapansin at nagpatuloy nalang sa pagbabasa.
"Akiiiii!!!" She giggled.
Nilingunan ko na siya, "Ano? Nakita mo na naman 'yung crush mong dugyot sa canteen?" Biro ko sa kanya at nilagay ang bookmark sa page kung saan ako nahinto sa pagbabasa at tinabi ang libro.
"Anong dugyot?" Angal niya. "Ang sabihin mo yung gwapong sporty crush ko!" Sambit niya na naka crossed arms pa.
"Dugyot 'yun! Try mo kayang amoyin pawis 'nun baka magsisi kang nasa crush list mo 'yun." Sambit kong natatawa. Hindi ko alam anong nakain nitong si Chella ba't niya nagustuhan yung soccer player na 'yun eh sobrang playboy nun eh. Madalas ko yun makita araw-araw, iba-iba mga babaeng kasama.
Inismiran lang ako ng bruha tsaka nagsimula kumain ng chichirya. Kumain din ako kasi ang dami din ng binili niyang pagkain. Akala ko ba diet siya?
"Aki, nabalitaan mo ba 'yung bagong teacher sa kabilang section niyo?" Tanong niya saka subo ulit ng chichirya.
"Oo, narinig ko kanina habang nag-uusap kami nila Margaret at Cathy. Balita ko gwapo daw 'yun eh pero di ko pa nakita personally."
"Sobrang gwapo niya, Aki! Tingin ko fresh grad yun sana magka-subject ako sa kanya." Sambit niya at pumikit pa sabay cross nung dalawang finger niya na parang nag wiwish.
"Baka imbis na makinig ka sa lessons puro titig ka nalang. Naku, Chella, wala kang matutunan dun." Sabi ko na inirapan niya lang.
"Oo nga pala, ba't di ka sumabay sa kanila kumain kanina? Nakita ko silang dalawa sa canteen eh."
"Sila Marga ba? Wala eh, kasi sabi ko may pupuntahan ako." Palusot ko 'yun sa kanila kanina. Dito lang talaga punta ko para makapagbasa ako ng maayos. Ang daldal din kasi nung dalawang yun.
Magkaiba ang strand namin ni Chella. Nasa STEM strand siya, ako naman sa ABM strand. Kaya minsan lang kami nagkikita at madalas kong kasama sina Marga at Cathy.
Binuksan ko 'yung dalang softdrink ni Chella at uminom. Napatingin naman ako sa kanya na may tinitingnan di kalayuan.
"Omg aki! I think that's him!"
Kumunot ang noo ko. Kinalabit niya ako kaya muntik na matapon yung iniinom ko. Agad ko itong sinarado at nilagay sa table. Bumalik ang tingin ko sa kanya.
"Sino ba kasi 'yan?" Gulo kong tanong.
Niyugyog niya pa ako bago sumagot. "Omg! Omg! Aki ang gwapo niya kahit sa malayo. What more kung sa malapitan. Omg! How to calm?!" Paghihisterya niya. Basta talaga gwapo ano.
"Saan ba kasi? Di ko makita." Tanong ko ulit kaya tinuro niya 'yung lalaki na may kausap na mga estudyante.
Binatukan ko siya, "Gaga, wag mong ituro."
YOU ARE READING
The Seasons Of Love
Teen FictionThe journey of a girl meeting her childhood best friend again after more than 5 years.
