"Kung Ako Na Lang Sana"

15.9K 818 415
                                    


"Ang sarap talaga mag unwind dito sa seaside 'no?" Changgu said as he took a sip of his beer

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ang sarap talaga mag unwind dito sa seaside 'no?" Changgu said as he took a sip of his beer. "Ang sarap panuorin ng sunset."

Napatingin ako kay Changgu na nasa tabi ko at pinapanuod ang papalubog na araw. Kitang kita ko ang pag tama ng sinag ng araw sa mukha niya---bathing his handsome face into fiery glow.

He took another sip of his beer at nilingon niya ako. Nagtama ang mga tingin namin kaya naman agad akong napaiwas.

"Sure ka ayaw mo ng beer?"

Napabuntong hininga ako at umiling.

"Lapit ka nga dito, Kendra," sabi niya as he tap the space beside him na parang sinasabi niya na doon ako umupo. "Bakit ang layo mo? Mabaho ba ako?" pagbibiro niya.

Hindi ako tumawa, instead I gave him a sad smile.

"Ano na naman ang pinag-awayan niyo?" tanong ko sa kanya.

This time, siya naman ang napaiwas ng tingin. Hindi agad siya sumagot sa tanong ko confirming na nag away na naman ulit sila ng girlfriend niya.

Ganyan naman 'yan palagi. Pag nag aaway sila, bigla bigla 'yan magyayaya uminom dito sa may seaside. Ako bilang kaladkarin, (at bilang hindi ko siya matanggihan kasi gustong gusto ko siya,) sama naman ako agad.

"Pansin ko lately napapadalas ang pag aaway niyo ha?" sabi ko.

Napailing na lang siya, "hindi ko na nga rin naiintindihan. Pati maliliit na bagay pinag aawayan na namin. Alam mo kung bakit siya nagalit sa akin ngayon? Kasi hindi ko napansin na iba na yung kulay ng buhok niya."

Natawa ako nang bahagya, "eh ba't hindi mo nga ba napansin?"

"Eh kasi wala naman pinagkaiba talaga!" he said, slightly raising his voice. "Pinag pipilitan niya na magkaiba yung kulay nung chestnut ba yun, tsaka hash brown—"

"Ash brown," pag co-correct ko.

"Basta ayun! Sa paningin ko, iisang kulay lang 'yun. Ikaw ba ma-d-differentiate mo?"

Umiling ako. Napahinga naman siya nang malalim sabay inom ulit ng beer.

"Pagod na ako," he said after awhile. "Ang petty na ng mga away namin. Minsan parang gusto ko na lang sukuan."

Hindi ako umimik.

"Minsan parang wala na akong nagawang tama. In the end ako na naman ang mag s-sorry. Ako na naman ang mali. Nakakapagod na."

Napabuntong hininga na lang ako.

Ilang beses ko na bang narinig sa kanya 'yan? Kada nag aaway sila, lagi niyang sinasabi na pagod na siya. Na ayaw na niya. Na gusto na niyang bumitiw.

But he never did.

"Masaya ka pa ba sa kanya?" tanong ko.

Hindi siya nakasagot.

Kung hindi ka na masaya, bakit ayaw mo pang bumitaw?

Bakit kumakapit ka pa?

Bakit hindi na lang ako? Hindi ko gagawin ang mga bagay na 'yan sa'yo.

"Ayun nga ang problema, eh," he said, after a while. Nilingon niya ako and he gave me a smile. "Masaya ako sa kanya."

Hindi ako nakapag salita agad.

That's the sincerest thing I've heard from him today.

Ang ganda ng ngiti niya. His eyes glow as bright as the setting sun in front of us.

Napakamot na lang siya ng ulo in frustration making his hair disheveled.

"Kahit lagi kami nag aaway, masaya ako sa kanya." Nilingon niya ako and he smiled widely. Wala na yung bakas ng pagkayamot niya kanina. "Gets mo ba 'ko, Kendra? Kahit niyayamot ka nung tao, by the end of the day mahal mo pa rin siya?"

Oo, sobra. Ganun ako sa'yo, eh. Kahit ang sakit na, by the end of the day, mahal pa rin kita.

I forced a laugh, "baliw ka na."

"Pag na inlove ka mararanasan mo rin 'yan."

Inubos ni Changgu ang beer na hawak niya atsaka siya tumayo.

"O siya, ready na ako mag sorry sa kanya," sabi niya. "Sasabihin ko alam ko na ang pinagkaiba ng chestnut brown at hashbrown."

"Ash brown," pag co-correct ko ulit.

"Ganun na rin yun!" he said with a laugh. "Ikaw? Hindi ka pa aalis?"

"Mamaya na. Una ka na."

"Alright! Thanks sa pakikinig palagi ha? Ililibre talaga kita next time."

"Sige lang," sabi ko.

Pag nag-away na naman kayo, sasaluhin ulit kita.

~ Fin ~

two names, a place, and a songWhere stories live. Discover now