Imahinasyon,
Isang maluwag na lugar kung saan merong ako at ikaw, lugar na pwede ang kahit ano at walang pipigil sayo, ipikit ang mata, palawakin ang lipad ng isipan, mag padala ka, wag mag alala, isipin nalang na sa muling pag mulat ng mata ay kaharap mo na sya,
Sa isang magandang lugar, walang ibang tao kundi ako lang at ikaw, maliwanag ang sinag ng araw at hangin ay malamig, tunog ng alon sa dagat ay kay sarap pakingan, at sa ating dalawa, ang pag ibig ay hindi lumisan,
Kasabay ng huni ng mga ibon na naririnig sa kalangitan, ay ang tibok ng puso natin na pareho ang gustong patunguhan
Kasabay ang pag ikot ng braso mo sa baiwang ko at bigkas ng salitang ‘ikaw lang ang mahal ko’
Wala na, nahulog na ‘ko, nahulog na ‘ko ‘di lang sa mga salita mo kundi pati narin sa mga gawa mo,
Ayoko ng bumitaw, sana ay ganto nalang araw-araw,
At sa maliit na kubo, saya ang namayani,
Bakas ang ngiti sa mga labi habang ang kamay ko ay hawak mo,
Gitara ay tumugtog at ang puso ko ay kumakabog, wala pa ring nag bago simula nung una tayong nag tagpo,
Lumubog na ang araw ngunit nandito parin tayo,
Nag lalakad sa kung saan at mag kahawak ang kamay,
Perpekto, romantiko, kumpleto, masaya na ang buong araw ko basta ako’y kasama mo,
Kahit saan pa tayo pumunta, mapadpad man sa ibang planeta, basta hawak natin ang kamay ng isa’t isa, lahat magiging masaya,
Pero sa bawat pag tatapos ng araw ay hindi ako pwedeng manatili sa imahinasyon ko, kailangan kong mag mulat ng mata at bumalik sa totoong ako,
Sa realidad na wala ang ikaw at ako,
Sa realidad na pag sisisihan mo lahat ng desisyon mo,
Sa realidad na wala na yung dating tayo,
Teka wala nga palang tayo, hindi nga pala karoon ng tayo
Oo na, mali ko na, tanggap ko na,
Kasalanan ko
Patawad mahal ko, nag kamali ako,
Kasama kita dapat ngayon at masaya hindi yung ganto na ang drama ko
Bakit ang bilis mo makalimot???Kay dali dali ba talaga ako kalimutan na parang hangin lang na dadaan sayo
Hindi pa nga nag sisimula yung storya natin,bakit tinapos mo na,bakit bumitaw ka kaagad
Hindi ako sanay ng wala ka ayokong humanap ng iba
Ayokong mauwi nalang sa alaala yung mga bagay na masaya,
Bagay na babalikan ko nalang mag isa
Bumalik kana, wag mo kong iwan na nag durusa
Hindi ko makakaya na sa tabi ko ay wala ka, kulang ang araw at gabi ko kung hindi kita kasama
Ultimo paghuhugas ng pinggan ay ikaw ay nasa isip ko
Kung pwede lang na makasama pa kita,
Kung pwede lang na ang ngiti mo ay masulyapan pa, kung pwede lang, kung pwede lang,,, kaso hindi na,
At sa huling araw natin na magkasama kasabay nito ang pagbaon sa lupa ng ating mga alala at sa pag bitaw ng salitang mahal kita,
Salitang hindi ko na sayo masasabi pa,dahil huli na
Sa imahinasyon ko nalang idadaan ang lahat,
Gagawa nalang ng imahe na magkasama tayo,
Kasi hanggang duon nalang yung magagawa ko at hindi na mababalik ung dati na tayo lang dalawa
Sa huling pag kakataon, patawad mahal ko,
Sa tamang panahon ay mag sasama rin tayo
Dahil kung hindi man tayo ang para sa isat isa,ay may taong nilaan ang Diyos para satin,
Kaya tandaan mo kahit mamuti man ang mga buhok ko
kahit kumulubot ang mga balat ko
kahit mawala na ako sa mundong ito
Ay hindi mawawala sa aking alaala na nagkasama tayo.....
Sana ay dumating ang araw na magkita tayong muli,At sa muli nating pagkikita batid ko ay sana nahanap mo na ang taong nakalaan sayo at masaya ka sa piling nito
Kahit hindi na ako at meron ng Siya at ikaw na gagawa ng panibagong kwento na Kayo ang bida
Marami mang pagkakamali ang nagawa ko
Kabaliktaran naman nito na nakapiling kita kahit sandali lamang
Oras na para bumalik sa kasalukuyan
At talikuran na ang nakaraan
Sa oras na ibuka na ang mga mata
Magsisimula na ang oras na wala na tayo sa piling ng isat iisa
Sanay mahanap mo ang kasiyahan na hindi ko naipadama sayo
At sana kapag dumating ang araw na iyon ay nakalimutan ko na ang nararamdaman kong ito
Hanggang dito nalang,mag papa alam na ‘ko
Hanggang sa muli
Maraming salamat sa ala ala
Sa oras na magkasama tayo
Sa araw na hindi ka nawala sa tabi ko
At sa pagpaparamdan na naging importante ako sayo kahit panandalian lang
Eto na
Eto na
Kasabay nang pagmulat ng aking mga mata ay pagkagising ko sa katotohanan
Na tapos na ang ating kwento
Dahil magsisimula na tayo ng panibagong kwentong hindi na sa imahinasyon kung hindi sa realidad na wala na...
PAALAM MAHAL KO
