"How dare you! Atleast may kinakapitan ikaw asan?" Sabi niya.

Nanlumo ako oo nga mabuti pa siya.

Pero may umakbay saakin.

Liningon ko kung sino siya at si French lng pala.

"She has" sabi ni French.

Bongga! Naka English pa talaga siya.

Tiningnan ko siya ng masama. Na parang nagsasabing.

O anu ka? Akala mo ikaw lng ako din oha oha!

"French? Ang baba naman ng taste mo. Isang babaeng walang kaayos ayos ang mukha at walang kapostu postura ang katawan pa talaga ang gusto mo"

"Nye! Hiya naman ako sa mukha mong parang canvass.." Sabi ko.

"Do I look like a canvass honey?" Sabi niya kay Kimuel.

"Pfftt!" Pag iipit ni Kimuel sa tawa niya.

"Ughh!! Break na tayo!" Sabi niya kay Kimuel.

"Sure!" Sagot naman ni Kimuel.

Halos lahat ng mga estudyante ay napatawa sa sagutan namin ng babaeng canvass.

"That was nice Margaret it's oozing " sabi ni French tapos kinurot pa ako sa pisngi.

"Ang aga pa ng mundo tapos ang aga mo pang mambola may practice ba kayo sa basketball?" Tanong ko.

"Wala naman, Bakit?"

"Kasi ang aga mo pa kasing pinatalbog yung puso ko eh ihhhh" ang cheesy na corny ko mga julalengs ahahah..

"Ay aba bumabanat ka ah" sabi niya tapos sinisindut sindut yung tagiliran ko.

"Ay anu ba!" Sagot ko.

"Ang aga aga  namungad na agad ang mga langgam sa hallway ah" sabi ni Judy.

"Best" bati ko sabay yakap sa kaniya.

Nagyakapan na muna kami ng tumikhim si French.

"Pwede bang makisali jan sa yakapan niyo? Kainggit eh" sabi niya.

"Bawal" sabi ni Judy.

Dinilaan ko siya, aba inirapan ako.
Bakla ba tung manliligaw ko?

Naghiwalay kami ni Judy sa pagkayakap at sabay na naglakad papunta sa senior high building.

Kasabay din namin si French. Pare pareho kaming senior high na kaso iba iba ang mga strands.

Ako ay nasa HUMSS habang si Judy ay nasa STEM at si Labidabi ko ay nasa ABM.

Tama na nga ang satsat hays..

Nasa hagdanan kaming tatlo ng makasalubong namin ang nagwasak sa puso ng bestfriend ko.

Nakangiti niyang binati si French.

"Pare" ohhh edi wew..

Nang dumaan siya sa harap ko nginitian niya ako na parang may pinagsamahan kami. Which is yes pero di ko na kinonsider kasi sinaktan niya si Judy.

Ang ngiti niya ay sinagot ko ng ngiwi at irap.

Tiningnan ko si Judy at nakayuko lng siya.

Hindi ko na pinatagal ang set up naming apat.

Agad ko siyang hinila para makalayo doon kay Harvey.

"Ok ka lng ba Judy??" Tanong ko.

"Yes I am" sagot niya pero nakayuko parin.

KIMUEL DUANE's GIRLWhere stories live. Discover now