1

170 7 0
                                        

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Errors ahead. You have been warned.

Fortunately, I've managed to retrieve a copy from my old account. I wrote this entry way back 2017 for a Project Loki's fan fiction Valentines day contest if my memory serves it right and unfortunately I didn't make it to the list. Anyway, here I am posting this here to share it with you. Please don't hesitate to leave your insights, that will be highly appreciated. Sayonara!

___

MAALIWALAS ANG KALANGITAN nang sumunod na araw. Ang mga estudyante ng Clark High ay abala na sa pag-eensayo ng kani-kanilang mga sayaw na itatanghal para sa magaganap na Foundation Day kinabukasan.

Tanging ang binatang si Loki lamang yata ang hindi nagagalak sa nalalapit na okasyon at bagot itong nakadukdok sa table ng kanilang QED Club Room.

Ang dalagang si Lorelei naman ay kasalukuyang naglalakad sa hallway patungo sa restroom upang maghugas ng kamay dahil tumulong ito sa pagsasa-ayos ng mga props para sa naturang okasyon.

Nang araw ring iyon ay napagdesisyunang dalawin ni Mrs. Seraph Rembrandt ang Clark High, kasama ang kaniyang siyam na taong gulang na anak na lalaki. Auntie ng binatang si Loki ang tycoon at siya ang pangunahing pakay ng huli.

Kilalang-kilala ang tycoon na ito sa larangan ng pakikipagnegosyo, dahil bukod sa katalinuhang taglay ay hindi maipagkakailang maganda at napapanatili pa rin nito ang magandang hubog ng katawan, sa kabila ng pagkakaroon ng siyam na taong gulang na anak, na ubod ng kulit ngunit maswerteng nabiyayaan naman ng labis na ka-cute-an at nakakamanghang katalinuhan.

"Mom I'm hungry! I want some chocolates!" Patalon talon na wika ng anak sa ina habang lumalambitin sa braso nito.

Umupo naman ang tycoon para buhatin ang anak at nagtungo sa cafeteria.

Nagtinginan ang mga estudyanteng nasa cafeteria nang pumasok doon ang mag-ina. Ang ibang mga kalalakihan ay matamang pinanuod ang magandang tycoon habang pasipol-sipol at tinatambol ang mesa. Sa suot na fitted red dress na pinatungan ng cardigan ay malamang na maging sentro nga ito ng atraksyon.

Matapos bilhan ng tatlong slices ng chocolate cake ang anak ay humanap na ng pwesto ang tycoon para sa kanila. Punuan na sa cafeteria at ang tatlong estudyanteng myembro ng Science Club, na kasalukuyang nag-uusap-usap para sa Foundation Day na gaganapin ang tanging may bakanteng upuan.

"Hello students? Can we share a table with you?" Mahinhin ang pagkakatanong ng tycoon.

Bumakas naman sa mukha ng tatlo ang paghanga habang nakatingin dito. Nasa harap nila ngayon ang pinakasikat na tycoon sa kanilang bansa.

"Y-yes naman po! You're very welcome po sa table namin! Ang ganda niyo po pala talaga! Para kayong walang anak!" Puno ng pagpupuring bulalas ni Hanan.

Mahaba ang kaniyang itim na buhok. Nakasuot ng makapal na salamin. Maputi at makinis ang balat at secretary ng Science Club.

Inokupa ng mag-ina ang bakanteng upuan. Magkatabi sa pandalawahang upuan sina Hanan at Axel samantalang nasa kaharap na pantatluhang upuan naman nakaupo si Stanley. Magiging katabi nito ang tycoon na noo'y matamis na nakangiti sa dalaga dahil sa papuri nito.

"Salamat naman kung gano'n. 'Eto nga pala si Clyde, anak ko."

"Hi! I'm Clyde and I love chocolates!" Pakilala ng anak kahit puno pa ng kinakain ang bibig.

DebarredWhere stories live. Discover now