Chapter 11: Missing

Start from the beginning
                                    



"Pumunta nga pala kami ni Mama dito kanina para ibalita na dadating si Lola Kao ngayong linggo dito. Nag-away na naman ata ang dalawang matanda," problemado niyang sabi na tinanguan ko na lang. Hindi ko na napigilan pa ang mapabuntong-hininga. Mas mabuti kung uuwi nga muna si Lola dito. Dapat silang magpalamig ng mga ulo. Kaso ang hirap pa namang bumiyahe ngayon.



Pagkaalis niya ay tuluyan ko nang sinarado ang pinto ng kwarto ko at mabilis na binuksan ang mga bintana at sliding doors ko. Hindi ako mapakaling sinilip si Haru sa tapat na bahay. Katulad ng bahagya kong inaasahan ay sarado pa ang mga bintana at pinto niya. Isa ang mga senaryong ito na inaabangan ko sa bawat umaga ko. Kahit madalas naman na wala siya ay naghihintay pa rin ako. Kahit makatanggap ako ng mga pamatay na tingin mula kay Mrs. Fujikawa ay hindi ako natitinag. Isang mabilis niya lang na silip sa bintana niya ay sapat na. That's why waiting here for a few minutes won't hurt.



Ilang minuto na ang nakararaan simula nang tumambay ako sa terasa pero wala pa ring Haru na lumalabas. Napilitan lang akong pumasok sa kwarto ko nang marinig kong mag ring ang phone ko.



Anonymous number.



I held up my phone and answered the call.



"Hello? Sino po ito?" sagot ko sa kabilang linya.



[Hello. Good morning. Is this Natsumi?] It was a girl calling. Familiar.



"Yes. Sino po ito?" magalang kong responde, iniisip kung kaninong boses ang narinig.



[Sumi, this is Tita Maru. Hope you still remember me.]



Napa-igtad ako sa narinig. "Tita!," natataranta kong sagot, bahagyang nanlamig ang mga kamay sa kaba at takot.



Narinig ko ang pagtikhim niya sa kabilang linya. She sounded so calm yet so cold. I know that it was just her normal voice but I can't help to think that she has still hatred towards me. Who wouldn't, right? I was the reason why Asahi isn't alive anymore. We lost contact for years. Now, she called me, I don't have any idea what the reason behind was.



[Kumusta na?] She said, coldness was still etched on her voice. I tried to regain my normal state and forced my slightly shaking hands to stop.



"Okay lang p-po, Tita. Napatawag po kayo?" sagot ko saka pumirmi sa paanan ng kama ko. Hindi ako mapakali. This is so sudden!



"I just want to inform you that I'll transfer Asahi to a much better place. I called since I don't want you to visit there, without knowing my plans for him. I'm not here to ask for YOUR permission. That's all, Sumi,'' she stated with a bit of sarcasm on her voice.

The Summer We Never Had (COMPLETED)Where stories live. Discover now