Nilingon ko ang paligid at wala na si Gabb. Chineck ko yung oras sa aking relo.

"Putchak! Kanina pa pala ko dito?!"


Agad kong hinanap si Gabb wala siya dito. Bigla ako nakaramdam ng kaba.


Iniwan niya ba ko?  ang layo pa naman nito sa bahay namin! Pano ako uuwi.


"Laney!" Agad kong nilingon kung saan nanggagaling ang boses. Patakbo itong lumapit sakin Biglang napanatag ang loob ko nung makita siya.

Habang tumatakbo ito parang kusang bumagal ang mundo pero yung puso ko nanatili ang bilis na pagtibok.

Hinde.

Mali tong nararamdaman ko.


mali ang lahat ng to.


"San ka ba pumunta? Bat mo ko iniwan."

"Busy ka kase dun kaya umalis muna ako ."


"Bwisit! Kala ko nawala ka na."ani ko at inunahan na siyang maglakad.


"Ako mawawala? HAHAHA."



"Tumatawa ka pa! Umuwi na nga tayo!"
Buong byahe hindi ko siya pinansin. Pinagtatawanan niya ko. Hindi ko akalain napakabully pala ng taong to. Napakalakas mang asar.


"Tuwang tuwa ahh, happy pill mo ko?"


"HAHAHAHAHA sorry na kase."


"Letche." Sabi ko at binaling ang tingin sa bintana.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising na lang ako ng biglang niyang ihinto yung sasakyan.

Hangang dito na lang pala kami.

Agad siyang lumabas para pagbuksan ako ng pinto.

"Nag enjoy ka ba?" Ngiting tanong niya.

"Hinde."

"Sorry." Biglang bumagsak ang kaniyang ngiti kaya agad kong binawe.


"Joke lang! Dalhin mo ulit ako dun ahh." Biglang bumalik ang ngiti sa labi nito.


"Oo ba kelan mo ba gusto bumalik dun?"


"Pag totoong girlfriend na kita."


"A-ano?"


Mygahd? Di ko alam kung mahina talaga pandinig mo o sadyang manhid ka lang.

"Umuwi ka na, baka gabihin ka pa."


"Ay! May gusto nga pala akong ibigay sayo."

Nakita kong may kinuha ito sa loob ng kotse niya. Yung teddy bear na gustong gusto ko.

"Sabi sayo! Kaya kong kunin yan para sayo e." Mayabang na pagkakasabi niya.


Agad kong tinanggap ito. Stuffedtoys lang to pero bat parang napakaespesyal nito para sakin.


"Thank you!" Buong ngiting sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.


Mas lumawak ang aking pagngiti ng
Naramdaman kong yumakap rin siya pabalik. Dahan dahan akong humiwalay at tinitigan ito ng deretso.


"I love you."


Kitang kita ang pagkagulat sa mukha nito.


"W-what did y-you say?"tarantang tanong niya at biglang namula ang mukha nito, Narinig niya na siguro.


"Stay with me" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon