Ako si Yanaselle Sanchez, twenty-three years old. Simpleng babae na nagmahal sa isang lalaki.
At ito ang aking maikling kwento.
***
"What are you doing here?"
Masama ang tingin na binigay nya sa'kin, matapos akong makita na nag-aantay sa loob ng studio nya. Napayuko ako dahil do'n, Para akong sinampal ng katotohanan na ayaw nya sa'kin.
Despite of that, I still manage to smile and answer him.
"I'm visiting you. kumain ka na ba? Dinalhan kita ng pagkain."
"Hindi ako gutom."
Naupo s'ya sa tapat ng computer at nag-simula na naman mag trabaho.
Napapa buntong hininga akong binalingan sya ng tingin. Ano ba ang dapat kung gawin para makuha ko ang atensyon mo?
S'ya si Andrew Ignacio, ang lalaking kinahuhumalingan ko ng halos dalawang taon. Composer, writer at Producer sa isang sikat na kompanya.
Kinuha ko ang maliit na lamesa sa gilid ng sofa at inayos ang mga pagkain na dala ko.
"You need to eat. Baka magka-sakit ka nyan."
"I don't fucking need you here! Get out!"
Nabigla ako sa biglang pagtaas ng boses nya, I know he's mad at me right now. Mas lalo akong napa-yuko.
Kaming dalawa lang ang nasa studio, pero bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa sigaw nya.
I'm just concerned pero bakit hindi nya makita 'yon?
"Lalabas ako basta kumain ka. Wag kang magpapa-gutom. Please!"
Hindi ko na sya nilingon at lumabas na lang ng studio, ayaw kong makita nya ako'ng umiyak sa harap nya.
Pigil ang luha ko habang nagla-lakad palabas ng building, hindi pwedeng makita ako ng iba na umiiyak, nakakahiya at baka kung ano pa ang isipin nila.
Don't cry Yana, he's just tired and hungry. Cheer up girl!
Inayos ko ang sarili sa loob ng washroom. Pagkalabas ko pa lang naramdaman ko kaagad ang malamig na hangin sa buo kong katawan. Nag-lakad ako papunta sa isang Convenient store para bumili ng alak.
Ilang beses na nya akong tina-taboy, pero ito ako patuloy syang sinusuyo. Siguro nga ang tanga ako dahil hanggang ngayon umaasa akong mamahalin din ako ni Andrew.
Ganon na lang talaga ang pagka gusto ko sa lalaking yon at nagagawa ko na mag stay at hayaan na ganitohin nya ako. Nakakatawa at nakakaawa man pero yon ang totoo. After I finished the two cans, I immediately walked back to his company.
Yes, hindi ako susuko hanggat hindi ko sya nakukuha. Desperada na kung desperada. Minsan kailangan din natin mag effort.
"Yanaselle!"
Nilingon ko ang tumawag sa akin, si Cath, bestfriend ni Andrew.
Bakit sya andito?
Medyo nakaramdam ako ng inis.
"Hey. You're here pala. "
"Oo, pinapunta ako ni Andrew."
"Ahh." I gave her a fake smile.
"Nagpapahatid sya ng food."
May dinala na ako na pagkain. Hindi na naman ba nya kinain 'yon?
Palihim akong nag buntong hininga. I'm aware that he despise me a lot, pero sana magawa nyang ma-appreciate man lang ang effort ko.
YOU ARE READING
PLEASE, LET ME!
Short Story/1st story/ Gusto ko huminto pero puso ko mismo ang ayaw sumuko. Gusto ko sumaya pero gusto ko sa kaniya. Gusto ko siya pero iba ang gusto niya. Nasasaktan na ako pero siya pa rin ang mahal ko. Isa lang ang katanungan na meron ako, Hanggang kail...
