"Hello!" Bati niya.





Naka denim siya with stripe na pangloob at plain black pants then black rin na boots. Hindi ko akalaing bababagay rin sa kaniya yung eyeglasses na suot niya.






Hindi ko man maranasan na maging kasing ganda ni kathryn pero atleast may makakadate ako sa buhay ko na mala deejay .





"Sorry kung na late ako." Sabi niya habang ginugulo yung buhok niya,




hottie.






"Hinde ahhh sakto lang dating mo." Sagot ko.

Actually isa't kalahating oras na kong nakatayo dito.







"Tara?" Tanong niya at binuksan ang pinto ng kotse niya.








Dali dali niyang hinarurot ang kotse at  medyo nalito pa ako dahil kung saan saan pa kami dumaan.



Nanlaki ang mata ko nang makarating kami sa napakagandang lugar na to. Mismo ako hindi ko alam na may gantong lugar pala kahit napaka lakwatsera ko.

"Pasok na tayo?" Sabi niya.






Parang sanay na sanay na siya humandle ng date. Samantalang ako halos matumba na dito sa keleg. perstaymer ate mo. Ewan ko lang dito kay Gabb kung ilang date na ginawa nito.







Bumaba kami sa loob at parang nasa napakalaking aquarium kame haha. Yung paligid puro napapaligiran ng ibat ibang isda. Para kaming nasa ilalim ng dagat.





Pinagmasdan ko kung pano lumangoy ang mga ito. Napahawak ako sa salamin na tanging harang nito.

Pano kaya kung mabasag to.







"Bakit dito mo ko dinala?" Tanong ko.






"Ahh ayaw mo ba? Pwede tayong lumipa—"





"Hinde ayos lang! Ngayon lang ako nakarating sa gantong lugar." Ani ko at binalik ang tingin sa view.







"May nagsabi kase sakin na you like fish." Bigla naman akong natawa na may halong pagtataka.







"Sino naman nagsabi non?" Tanong ko.






"Ahh si ate jem, Tinanong ko siya kung anong gusto mo." Sabi njya.






"But gabb—HAHAHAHAHAHAHAH."






"Why are you laughing? May dumi ba sa mukha ko?" Takang tanong niya habang hinahaplos ang mukha niya.







"Wait- HAAHAHAH I can't!"






"Wag ka maingay, natatawa na rin tuloy ako HAHAHAHA." Sabi nito.






Tumigil na ko sa pagtawa at inayos ang sarili. "Tama naman yung sinabi mo na I like fish."






"Eto oh fish! Tingnan mo ang cute ng isa! Parang si dori, Ayun oh si nemo!"
Sabi nito na parang batang tuwang tuwa.







"Oo, Gusto ko ng fish, pritong fish, Sinabawang fish, inihaw na fish kahit anong ulam basta fish!"





Natulala na lang siya ng marealize niya. "WUAHAHAHAHHA fuck! I'm sorry." Tawang tawa ito at napahawak pa sa tiyan niya.





"Stay with me" Where stories live. Discover now