Episode 23

445 20 3
                                    

PAMELA P.O.V
MARCH 21, 12:17 AM

Matapos ng napakahabang biyahe ay nakarating na kami sa Condo kung nasaan si Marlou.

Pag-labas ko ng kotse ay sakto naman na nakadinig ako na malakas na ingay na parang may nagbanggang sasakyan.

Maging si Joey ay nadinig din yun kaya naman napalabas din sya sa kotse.

Ilang sandali lang ang nakalipas matapos ng malakas na tunog ay may mga sigawan kaming nadinig na sinasabing "Tulungan nyo sya!!".

Pinuntahan namin ni Joey ang pinanggagalingan ng sigawan sa may bandang kaliwa ng Gusali kung saa'y napakaraming nagkukumpulan na mga Tao.

"Nako kawawa naman".

"Nalaglag ata mula sa tuktok ng Building ang isang yan"

"Hindi kaya nagpakamatay siya".

Sabi ng mga Tao sa paligid.

"Ano kayang meron dun", sabi ko.

"Teka titignan ko", sabi ni Joey at pilit syang nakipagsiksikan upang makita kung ano ang nangyari.

Ilang sandali lang ang lumipas ay bumalik si Joey na may panglulumo sa kanyang muka.

"Anong meron dun?", sabi ko.

"Ma-may nahulog mula sa taas ng bi-building", mabulol-bulol na pagkakasabi ni Joey.

"Hala kawawa naman".

Ring!Ring!(tunog ng aking phone".

"Hello Hazel?, asan na kayo", sabi ko.

"Ako to si Kairo, andito kami ngayon sa rooftop ni Hazel, nahimatay siya".

"Ano!, teka papunta na kami diyan".

"Wag na wala na tayong oras, ang mabuti pa abangan nyo ako sa parking lot".

" si Chrislyn?, asan si Chrislyn".

"Ikinalulungkot ko wala na siya, tumalon sya mula dito sa rooftop ngayon-ngayon lang".

"Huh!! Hindi magagawa ni Chrislyn ang ganun!!", sabi ko at bigla na lamang hinawakan ni Joey ang aking kamay kasabay ang malungkot nyang mga titig.

Habang hawak ko sa aking kanang kamay ang aking cellphone, at ang kaliwa naman ay hawak ni Joey ay napatingin ako sa mga nagkukumpulang Tao at dito na namuo sa aking isipan na wala na  nga talaga si Chrislyn.

"Hinde", sabi ko habang humahakbang papalapit sa direksyon kung saay nagkukumpulan ang mga tao.

Hinila ako ni Joey pabalik.

"Tara na Pamela", sabi nya at sa di malamang dahilan ay kusa nalang akong sumama kay Joey kahit na alam kong si Chrislyn ang pinagkakaguluhan ng mga Tao doon.

Pumunta kami sa underground parking lot ng Building at doo'y nakita namin si Kairo na buhat-buhat si Hazel.

Ipinasok nya si Hazel sa Backseat katabi ko at umupo na siya sa front seat katabi ni Joey.

Pinaandar na ni Joey ang Kotse at umalis na kami.

"Ano ang nangyari sa kanya?, sabi ko habang isinasandal ang ulo ni Hazel sa aking hita.

"Bukod kasi sa napagod ng husto ang katawan nya kakatakbo ay hindi narin kinaya ng isip nya ang nangyari kay Chrislyn kaya siya nahimatay", sabi ni Kairo.

"Hindi ba't masama yan, baka atakahin sya ng Etnidad?", sabi ni Joey habang nagmamaneho.

"Kaya kailangan natin agad makapunta sa Condo ni Hazel, dahil naroon na ang kanyang Astral Body", sabi ni Kairo.

"Nasabi na din sa akin ni Kaira yan, na sa tuwing matutulog kami ay mapupunta ang Astral Body namin sa isang Dimensyon kasama ang Etnidad dahil kami daw ay nakalink pa sa Orasyon", sabi ko.

"Oo dahil noong ginawa nyo ang orasyon ay lumikha kayo ng spasyo sa dimensyon ng Pagitan, ang spasyo na yun ay 50 metro ang saklaw, bumabalik ang  Astral Body  nyo sa spasyo, hanggat hindi nyo naisasara ang orasyon ay babalik at babalik ang inyong Astral Body sa spasyo na nilikha nyo, at ang masama pa nyan, nakulong nyo ang Etnidad sa spasyo na yun", sabi ni Kairo.

"Hmmm... hmmmm", sabi ni Hazel habang umiling-iling.

"Mukang binabangungot na si Hazel, kailangan nating bilisan", sabi ko.

"Malapit na tayo", sabi ni Joey at diniinan nya pa ang pag-apak sa accelarator.

12:45 AM

Nakarating na kami sa Condo ni Hazel.

Inihiga ni Kairo si Hazel sa kama habang ako naman ay hinahanda ang mga kailangan sa orasyon.

"Gagawin na ba natim ang orasyon?", sabi ko.

"Mamaya na kapag nailabas na natin sila sa mundo ng panaginip, sa ngayon ako muna ang gagamit ng mga yan para gabayan ka sa mundo ng pagitan".

"Sabi sa akin ni Kaira ako lang daw makakapagligtas sa kanila, dahil may kakayahan daw ako mag labas-masok sa mga dimensyon", sabi ko.

"Oo pero kailangan mo munang makatulog".

"Ngunit paano ako makakatulog sa gulo ng isip ko ngayon?".

"May alam akong paraan", sabi ni Kairo at inilabas nya ang isang Bilog na bagay na may linyang itim at puti.

"Ano ang gagawin mo diyan?", sabi ko.

"Isa yang hipnotismo, makakatulong yan para makatulog ka", sabi ni Joey.

"Gawin na natin, titigan mo lang ang sentro ng bilog na ito", sabi ni Kairo at pinaikot nya na ang bilog

Habang nakatitig ako sa bilog na umiikot ay nagsasalita si Kairo.

"MAG FOCUS KA PAMELA, LINISIN MO ANG IYONG ISIPAN, TANGGALIN MO LAHAT NG BUMABAGABAG SAYO, NAALIS MO NA?".

"Oo naalis ko na".

"NGAYON ITANIM MO SA UTAK MO ANG PAG-IKOT NG BILOG NA ITO, NAITANIM MO NA BA?".

"Oo naitanim ko na".

"PUMIKIT KA".

Pumikit ako ngunit sa aking isipan ay naroon padin ang imahe ng pag-ikot ng bilog.

"NAKIKITA MO PARIN BA".

"Oo nakikita ko pa".

"ISIPIN MO ANG PINAKAMAPAYAPANG TANAWIN, ISIPIN MO NA NASA GINTA KA NG KARAGATAN SA UMAGA, NAPAKAPAYAPA NG ASUL NA TUBIG SA PALIGID AT ANG HAMPAS NG ALON NA NAGLALAKBAY PAPUNTA NG DALAMPASIGAN", sabi ni Kairo at matapos nun ay hindi ko na siya madinig.

Ano ang nangyari?, bakit siya tumugil?.

Idinilat ko ang aking mga mata at nag-iba na ang buong paligid.

Madilim at napakatahimik.

Narito na ako sa Pagitan.

Ghost Club: Chapter 3Where stories live. Discover now