Chapter 27

8K 127 30
                                    

A/N:  Good day mga wattie friends! Kinilig talaga ako sa episode ng IKA kagabi kaya biglang na-inspired na mag UD.

Natatawa ako sa mga comments regarding Zoren-Carmina wedding kasi medyo huli po ako sa balita lately. Nang mapanoodd ko nun Saturday night yun wedding special nila at saka ko lang narealize na kasing romantic pala ni Xander si Zoren. Woohhh, Carmina is one lucky girl! Ang haba ng hair. Pero di ko po yun sinadya nor do I have any idea about it. At least me kasing hopeless romantic din pala ako at di lang basta-basta, si Zoren Legaspi lang naman. ha ha ha. pero dito po ay gagawin kong two parts, hiwalay ang engagement sa wedding...

This chapter is dedicated to  rawr143C - request granted.

Starting today, sad to say na hindi muna po ako mag-eentertain ng dedication request kasi ang dami pa pong naka line up.  Baka po kasi hindi ko mapagbigyan lahat  up to the last chapter of the story. Mag-aadvise na lang po uli ako if ever pwede na uli. Paumanhin po uli..

 Tapos na po ang speech ko kaya eto na ang Chapter 27.

Happy reading!!!   <3 <3 <3

______________________________

KIM’s POV

Masaya kong tinitingnan sina Abuelo, Abuela, Mommy, TIta Anne habang kausap sina Papa at Mama. Kita sa mga mukha nila ang kasayahan. Sa kabilang table ay kausap naman ni Joseph si Marina habang yun kambal ay nakikipagkulitan ke Alex.. Mukha namang nag-eenjoy si Joseph habang  nakikinig ke Marina na kuntodo kumpas pa ng kanyang mga kamay. Naku, one of these days, I need to talk to Joseph about a lot of things.    Pati rin si Marina, I need to thank her for helping me and Xander in pulling through our surprise for each other. She’s really one of a kind.

Naputol ang pagmamasid ko nang biglang yumakap sa bewang ko mula sa aking likuran ang aking Babe!

“Happy?” malambing nyang tanong.

Humarap ako sa kanya, iniyakap ang aking mga kamay sa kanyang leeg at malambing  ko syang sinagot “Very!!!”  “And you?” tanong ko pabalik sa kanya.

“Never been happier, Babe!” sabay smack nya sa akin.

“Papa!Mama!” biglang lapit ni Alex sa amin.

“Yes, Baby?” tanong ko.

“I want to go with Mommy Marie tonight.  Can I? Please?” tanong nya. Siguro na-miss nya na si Mom kasi for almost seven years kasama namin si Mommy.

“You have to ask the Boss, Baby!” malambing kong sagot ke Alex sabay tingin ke Xander.

Ngumiti naman si Xander sabay sabing “ Ok, son. You can stay with Mommy tonight until tomorrow afternoon so that Papa and Mama can talk about your baby brother and baby sister” at saka kumindat ito.

Namula naman ako samantalang si Alex ay tuwang-tuwa sa narinig. “Really, Pa? You’re going to make my baby brother and baby sister? YES!!!”

Pinandilatan ko si Xander. “Alexander!!! Kung anu-ano ang sinasabi mo!”

“Babe, wala namang masama sa sinabi ko. Talaga namang yun ang gagawin natin kaya nagpabook na ako ng room sa Manila Hotel for the two of us tonight. “ pilyong sabi nito.

“Ha? Hindi tayo uuwi?’ gulat kong tanong.

“Nope. Lahat sila uuwi pero tayong dalawa magsecelebrate pa! Unless….” Bitin na sabi nito.

“HMP! Ewan ko sa yo!” kunwaring galit kong sabi pero ang totoo ay wala na akong maisagot sa sobrang kilig ko.  “Baby, you go with Mommy then we’ll just fetch you tomorrow afternoon , ok?”  baling ko ke Alex.

I Do Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon