"Kamusta ang buhay?" bulabog ng kaibigan niyang ang aga mang-asar sabay salampak ng upo sa opisina niya.
"Alam mo nangangamusta ka pero napipikon ako, Sandy. And good morning, hi friend" walang tingin tingin niyang sagot dahil busy siya sa ginagawang pag-eedit.
"Alam mo Jacque, wala ka namang choice sa panggagalingan ng pangangamusta. Hello, you've been living like this for two years".
Heto na naman. Hindi ko naman masisisi ang nag-iisa kong kaibigan. And this has been our issue for the past two years. I've been living like a monk. No social life, no friends to hang out every Friday night, in short, walang kabuhay buhay na existence.
"Ano, Jacque? Tanggapin mo na kasi yung offer ko. Malaking project 'to. Kikita tayo ng malaki."
"Sandy, alam mo naman na hindi ko kaya yang pinipilit mo di'ba. And you know, dito pa lang, busy na ako, I'm under manned, masakit na sa ulo."
"If I know" bulong nito.
"Ano? May sinasabi ka?" ani niya ng makitang umikot ang mata ng kaibigan sabay bulong sa sarili.
"If I know, ayaw mo lang kasi andun yung mga taong pinagtataguan mo" dugtong nito na kinatigil niya.
"Sandy, ang aga ha. Again, I'm not doing that shoot. You know that I can't - and I won't" diretso niyang saad.
"Jacque, Jacque! It's time for you to show the world your talent. For sure, maraming kukuha sayo after nitong project na 'to. And of course, kailangan kasama ako sa lahat ng invitations" sabay tayo at hila sa kanya sa harap ng salamin.
And for goodness sake, Jacque. You need to dress a little bit more of your age. Sobra mo ng manang"
Gusto na niyang palabasin ang kaibigan at patigilin na ito sa pangungulit sa kanya na kunin ang project na matagal na nitong hinihinging tanggapin niya. No, she will not accept any job coming from the devil. She's been there and no, she's not coming back.
"Sandy" humarap siya sa kaibigan sabay sabing "itigil mo na 'to, hindi ka na nakakatuwa" sabay bawi sa kanyang kamay. Habang pabalik sa kanyang desk, wala sa sarili niyang nasabing "Sige, kapag sila ang kusang humingi ng tulong, I'll think about it". Nagulat siya ng biglang tumili ang kaibigan.
"See you tomorrow, friend! Let's seal the deal". Excited itong lumabas sabay flying kiss pa sa kanya. Napailing na lang siya kay Sandy. Wala na talagang pag-asa ang kaibigan niya. Bakit ba hindi na lang ito bumalik sa trabaho at
ang a.k.a husband to be. Mababaliw na nga siya sa trabaho, meron pang kaibigang praning.
................~~~~~~~...............~~~~~~~................
"Good morning, Sir" salubong ng kanyang assistant pagkapasok niya ng building.
Dire-diretso na siyang pumasok ng opisina at walang lingon na tinanggap ang kanyang kape. It's too early for him to entertain all the gossips he'a hearing habang naglalakad pagkakita sa kanya ng mga empleyado.
"Sir, we have already taken charge on what happened last night" saad ng kanyang assistant habang hinuhubad niya ang kanyang coat sabay inis na umupo.
"It shouldn't have been an issue kung hindi lang nageskandalo si Christine. I want you to ban her in this building" singhal niya.
"Will do that, Sir George. You have a meeting in 10 minutes with your father and the rest of the members. Nasa conference room na sila" agad din umalis ang kanyang assistant.
It so fucking irritating to live like this everyday.
ESTÁS LEYENDO
When Strings Got Attached
RomanceGeorge Alcaraz - well-known business magnate, a man who never stops. Kilala bilang mabagsik na boss at walang sinasanto. The only thing that is not aligned to his life path is having a steady relationship dahil na din sa reputasyon nya sa mga babae...
