~
Author's Note:
Uunahan ko na po kayo, marami pong errors ang chapter na to. Actually, pati yung nauna pong chapters and please, kung meron pong mali o grammatical errors pakitama na lang po ako. Thank you~
Anyways, enjoy reading!
~
MINSAN ba pumasok sa isip mo na tumakas na lang?
Minsan ba dumating sa punto na gusto mo na lang lumayo-kahit alam mong may mga bagay kang iiwan na hindi na kailanman magiging buo ulit?
O mas mabuti bang manatili...
kahit ikaw mismo ang nakataya?
Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pabagsak na naupo sa upuang gawa sa narra.
Tahimik ang paligid.
Sobrang tahimik.
Napansin ko ulit ang mga gamit sa sala-lahat gawa sa narra. Maingat. Pulido. Parang bawat ukit ay may kwento.
Pero kahit gaano kaganda...
May bigat pa rin ang loob ko.
"Sabi ko kasi sa'yo, ako na lang eh." Inirapan ako ni Harra bago umupo sa tabi ko. Nasa sala kami, parehong nakatingin sa bintanang nakabukas
"Alam ko naman yun, kaso gusto ko lang naman na lumabas para makapagliwaliw ako." Mahinang sagot ko.
"Ano ng plano mo?" Matagal bago ako sumagot sa tanong niya. Humugot ako ng isang malalim na hininga.
Ano nga bang plano mo, Kahlua?
Dati, noong nasa normal world pa ako ay isa ako sa nga honor student. Madalas akong maging leader at nagkakaroon ng magandang feedback ang lahat ng grupo ko.
Mabilis akong mag-isip tulad ng mga concepts, outline o ano pa. Kahit nga minsan sa tests o quizzes ay isa ako sa mga highest score. Pero bakit tila wala lang ito ngayon?
"Hindi ko alam." Wala sa sariling sagot ko.
"Kahlua, hindi pwedeng wala. Lalo na at sinabi mo sa akin yung tungkol sa sinasabi mong Heneral." Nag-aalalang sambit niya.
Pagka-uwi ko kasi ay agad ko sa kanya sinabi lahat ng mga nakita ko. Pati na rin ng imbitasyon galing sa palasyo. Lalo na ang tungkol sa heneral. Ang pagtingin niya sa akin ng makahulugan. Parang may alam siya at inoobserbahan ako.
Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi kanina. Buti na nga lang ay bitbit ko pa ang binili kong isda kanina.
"Sa tingin mo. Interesado talaga sila sa akin?"
"Hindi ko alam. Ang totoo niyan, narinig ko lamang na muling uulitin ang tradisyon dahil narinig ko sa mga matatanda na nag-aayos ng pagtitipon. Pero huwag kang maingay ha. Pabulong lang kasi silang nag-uusap pero dahil mausisa ako gumawa ako ng paraan para marinig yung pinag-uusapan nila." Humagikgik pa siya habang kinukuwento sa akin yan.
Tinaasan ko siya ng kilay at tsaka binatukan. "Aray! Ano ba problema mo huh?" Asar na tanong niya.
"Really? Ako pa ang tinatanong mo. I'm serious, okay?" Nanlaki ang mata niya at tinampal ang bibig ko. Napasinghap ako sa ginawa niya
"Masakit huh!" Angal ko. Pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Anong bilin ko sayo, Kahlua?" Mahina at seryoso niyang tanong. Napakunot noo ako. May nagawa ba akong mali?
"'Di ba ang sabi ko sayo ay huwag kang gagamit ng salitang ingles. Paano kung may makarinig sayo? Ano na lang ang sasabihin natin? Ikaw talagang babae ka hindi ka nag-iingat ano!" Galit na bulong niya. Naitaas ko ang dalawa kong kamay na para bang sumusuko.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
The Ineffable Crown
Fantastik'A crown with great power.' *** Kahlua de la Reina is an ordinary girl who accidentally ended up in a strange world. She tried many times to return to her own world, until one day, she caught the attention of the nobles for refusing to obey traditio...
