Ngunit bago pa man ako makalapit kay mama ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril. Lumukob ang matinding takot sa aking katawan at nanghina ang aking tuhod para mawalan ako ng malay.

"Mama!" malakas kong sigaw at habol ang aking hininga na napabangon sa aking pagkakahiga. Pinunas ko ang luha sa aking pisngi dahil sa muli kong pananaginip sa nangyari sa akin noon. Hindi lang yun isang panaginip kundi isang bangungot sa aking buhay na kailanman ay hindi ko na pwedeng kalimutan. Naging parte na yun ng aking nakaraan kaya kahit anong gawin kong pagtakas ay isang imposible lamang.

Gulat akong napaigtad sa mainit na kamay na humawak sa aking balikat.

"Are you alright?" paos ang boses ni Tale na tanong. Nag-aalala ang kanyang mata na nakatitig sa akin. Umayos siya ng pwesto bago pumayakap mula sa likuran ko ang kanyang makisig na braso sa aking hubad na katawan ko. Pinatakan niya ako ng halik sa aking balikat tsaka pinatong ang kanyang baba doon.

"You had nightmare again?" tanong niya. Tanging pagtango lang ang naging sagot ko sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng aking tiyan upang kalmahin ang aking sarili. Hindi ito ang unang beses na binangungot ako na katabi siya. Nalaman niya na binabangungot ako nang unang gabi ko dito sa bahay niya. Pero yun lang ang alam niya. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang kumpletong dahilan kung bakit ko dinadanas ang ganito. Ayokong bigyan siya ng problema kaya naman mas minabuti ko na lamang na ilihim ito sa kanya.

Unti-unti nang kumakalma ang aking pakiramdam sa mainit na yakap niya mula sa aking likuran. Pinikit ko ang aking mata habang dinadama ang mahinang hangin na tumatama sa aking pisngi. Walang nagsasalita. Ganun lang kami. Sa ganung paraan ay napapakalma niya ako. Nakakalimutan ko ang matinding bangungot sa aking buhay dahil alam kong nasa tabi ko siya.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising upang maghanda ng almusal namin ni Tale. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakatira na kami ni Tale sa iisang bubong. Halos dalawang buwan na rin akong naririto bilang personal chef ni Tale. Matapos kong manilbihan kay sir Ryuu ng mahigit isang taon ay pinalipat niya ako dito kasama si Tale sa hindi ko alam na dahilan. Sa mahigit isang taong din yun ay nakapagtapos ako sa aking culinary class. Ngayon, ay naninilbihan na nga ako kay Tale.

Bukod sa pagiging personal chef niya ay hindi ko maiwasang mag-isip ng ibang bagay. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung iisipin ko na para kaming live-in partner sa set-up naming dalawa ngayon. We're not boyfriends nor in a labelled relationship. Tuluyan ko nang kinalimutan ang senaryong nakita ko si Tale na may kasamang babae noon. Siguro na mis-interpret ko lang ang sitwasyon at masyado akong nagpadala sa sarili kong emosyon. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin sinasabi yun kay Tale dahil tapos na yun. Ano pang sense kung ibabalik ko pa ang nakaraan, diba? Tapos na yun. Basta ang mahalaga sa akin ay kasama ko siya. Na masaya kami pareho sa piling ng iba. Mutual understanding kumbaga.

Umamin ako sa kanya na gusto ko siya noong gabi na hinatid niya ako pabalik sa condo ko.

Tahimik lang siyang nakasunod sa akin hanggang sa makapasok kaming pareho sa unit ko. Hindi ako mapakali at pilit na iniisip kung paano ko ipagtatapat kay Tale itong nararamdaman ko.

"Tale..." pilit kong pinaglalaruan ang aking mga daliri sa kamay upang maalis ang aking kaba na nararamdaman. Hindi ko alam kung ito ang tamang oras na sabihin ko ito sa kanya pero gagawin ko pa rin.

"Hmm..." tugon niya.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Nanatiling nakayuko ang aking ulo at hindi ko magawang makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

"Is there something wrong?"

Mabilis akong umiling.

"Then, why are you not looking at me?" kusang tumingala ang aking ulo nang hawakan niya ang aking pisngi. Napatitig ako sa kanyang mapang-akit na mata. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso sa tanawing nasa aking harapan. Napalunok ako at inipon ang lahat ng lakas ng loob bago ako umamin sa kanya.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Where stories live. Discover now