PROLOGUE

3 0 0
                                        

"IBABA KO NA, HINTAYIN MOKO JAN." bigla naman nawala ang reaksyon ko sa sinabi ni kuya.

Kapag daw umalis ako, susunugin niya daw tong condo ko. Edi damay lahat ng condo dito, tapos itong building mismo.

Ang brutal kahit kailan.

Wala naman akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Hindi dahil sa susunugin niya, kundi dahil natatakot akong pauwiin sa mansion. Tss, nakaka-urat kaya don.

Ilang minuto na rin akong naghihintay at wala pa rin sya. Hys, mas lalo akong nauurat.

Paalis kasi ako ngayon, punta ako sa bahay nila frix dahil may gagawin kaming mash-up wrestling. Yes, ginagawa namin yun kapag bored kami, hys.

DING DONG

Sigurong sya na yun, naglakad naman akong pumunta sa pinto ng condo ko, binuksan at bumungad naman sa akin ang isang bata na nasa edad na limang taon.

Mabilis akong tumingin sa paligid, mabilis naman akong tumakbo ng malapit na magsara ang elevator sa huling saglit nakita ko ang mukha ni kuya at tuluyan na nagsara.

Bakit?

BEEP BEEP

FROM: KUYA C

Alagaan mo ang batang 'yan. Wag na wag mong pababayaan.

BEEP BEEP

FROM: KUYA C

Hindi ko anak yan, basta alagaan mo. Meron akong dalawang credit cards na nilagay sa kaniya, sa likod tapos nasa loob ng pampers niya.

BEEP BEEP

FROM: KUYA C

Tss, kung hindi niya lang gusto 'to hindi ko ipapabantay sayo yang bata. Baka nga patayin mo pa, pero wala na akong magawa. Ayusin mo buhay niyan, tss.

-.-

Sinong sya? Ano ba yan! Pinag-stay niya ba ako dito para lang mag-alaga ng isang bata? Kahangalan! Yawa.

Tumingin naman ako sa bata at nakatingin din sya sakin tinaasan ko naman sya ng kilay, hindi sa attitude pero hys nakakainis talaga! Bakit ko pa kailangan mag-alaga ng bata? Aber!

"Hoy bata, sasabihin ko na sayo una palang na hindi ako magiging yaya mo okay. Wala akong balak alagaan ka kaya pumasok ka na, kung nagugutom ka magluto ka mag-isa mo." pagsusungit ko, dami-dami pwede ipagawa, pagbabantay pa.

"Now i know na po kung bakit, hihi." ang bakla nito, kalalaking tao kung tumawa babae amp.

"Wala akong pake sayo. Iiwan muna kita jan at may bibilhindi ako." kung papuntahin ko kaya dito sa ja? mahilig naman mag-alaga ng bata yun, kaso mawawalan naman ako ng pera.

Oo, mahilig magshopping kaya kung ibibigay ko credit card ko, mawawalan ako ng isang milyon sa isang araw. Yawa.

"Ate, sorry po kung nandito ako. Hindi ko naman po kasalanan." tss kanina pa sya hA.

"Pwede ba, itigil mo na yang pag-iinarte mo hindi bagay sayo."

THE PROMISEWhere stories live. Discover now