Katok

45 9 4
                                    

Simula pa lang na bata ako may kakaiba na sa akin, hanggang sa lumalaki na ako.

Gabi ng nag paalam ang nanay na may bibilhin ito, naiwan ako sa bahay ng nawalan ng ilaw.

Hinanap ko ang kandila at sinindihan ito, napag desisyonan ko na umupo nalang sa isang sulok. Ng biglang may kumatok.

Unang katok, kinabahan nako at ramdam ko unti unting nagtatayuan ang balahibo ko.

Pangalawang katok.
"Nay, Ikaw ba yan?" saad ko. habang nakadikit ang mukha ko sa pinto, wala naman sumagot lumayo ako ng kaunti.

Bumalik na ako, Ilang oras pa man ng may napansin akong imahe , dahil habang papatagal ang imahe na iyon ay lumalaki
nanginginig na ang mga paa ko dahil sa takot.

Sa ikatlong katok, binuksan ko ito, laking gulat ko na may isang lalake na galit na galit at may dala itong kutsilyo ng sanhi ng pagkaatras ko, nagtago ako sa kabinet at tanging maliit na butas para makita ko ang nangyayari.

Kitang kitang ko kung paano sila nagtatalunan hanggang nagsakitan at hinablot ng lalake ang kutsilyo sa bulsa niya at walang tigil na pinag saksak ang babae, humihingi ito ng tulong ngunit patuloy parin niya ito ipinag saksak hanggang nakahandusay na ito sa sahig at naliligo sa mismong dugo, pinagpuputol ang katawan ng babae hanggang mag pipiraso at niligay sa sako, napanganga nalang ako, sa nakita ko. At dahil doon unti unti na akong umiiyak.

"Hindiiiii!" Sigaw ko.
na ibinaling ang tingin ni 'to sa'kin .

"Sino 'yan?" galit na saad nito. habang hawak hawak ang kutsilyo, napahawak ako sa bibig ko dahil papunta ito sa direksiyon ko.

"Hindiiiii!" Sigaw ko at nawalan ng malay.

-----
"Anaaaaak?" Tawag na ikinamulat ng mata ko at sinimulan kwinento ang nangyari

At ang sabi ni nanay may kambal siya, na namatay sa mismong bahay na ito sa nagdaang taon.

-----
Hanggang ngayon hindi pa nakikita ang pumatay sa kapatid ni nanay, kaya dumako kami sa pulisya upang ilahad ang nalalaman ko ipina guhit nila saakin ang mukha ng lalake wala pa man isang minuto natapos na ito, mangiyak ngiyak si nanay sa nakita niya sa letrato yun daw ang asawa ng kambal niya laking gulat ko rin sa sinabi nito "Iyon ang killer? Patay na yon nung lumipat ng bahay ang kambal ko."

Plot twisted collectionDove le storie prendono vita. Scoprilo ora