PROLOGUE

12K 283 53
                                    

Equality


With my white dress ending inches below my knee, I walk with grace while buying some stuffs for the feast that will be held tomorrow. Ngayon pa lang ay sinimulan ko nang mamili ng mga kakailanganin ko. Umaga pa lang at katatapos lang lumubog ng araw.


Maraming nag tatawag sa akin para sa kanila bumili. Pero may bilihan na kasi ako ng mga gulay. Nginingitian ko na lang sila dahil 'yon lang ang kaya kong maibigay.


Hindi market day ngayon kaya walang gaanong tao. Hindi tahimik, pero hindi rin naman maingay ang paligid. Gawa sa kahoy ang patungan ng mga paninda nila. All is wearing commoner's usual clothing. Ako lang ata, kahit papaano, ang may maayos na pananamit.


Life in here is really hard. We're always the least prioritized. Sa mundong ito, ang mga kagaya namin ay walang halaga.


"Oh, Shekinah, anong bibilhin mo?" Tanong sa akin ni aling Soling, ang may-ari ng pinakamalaking bilihan ng gulay dito sa baryo ng Xaiton.


Nginitian ko siya at tinignan ang mga bagong ani niyang mga gulay. We have vegetable crops but only limited. At isa pa, gusto ko ring makatulong kahit sa ganitong paraan lang.


"Gulay po sana," ngumiti ulit ako sa kan'ya.


"Ang ganda ganda mo talagang dalaga. Bakit ba wala ka pa ring asawa?"


Tumawa siya nang malakas, katulad ng mga tindera sa palengke. Ngumiti na lang ako at inabot ang listahan ko. Mabait siya at isa sa mga naging katiwala ni... Papa noon.


Asawa agad? Hindi ba pwedeng nobyo muna? Masyado naman ata nila akong minamadali sa pag-aasawa. Porque ba maganda ay kailangan may asawa na? Bata pa kaya ako. Bata? O baka naman ayaw lang talagang pumasok sa relasyon kaya ginagamit na dahilan?


Hindi lang si Aling Soling ang nagsasabi sa akin niyan. Maraming tindera ang nagtatanong tuwing bumibili ako ng mga kailangan lalo na sa karinderya namin. Wala pa naman kasi sa isip ko 'yon. Marami pa akong problema, at hindi 'yon ang dapat unahin.


Nang mabili ang ilang gulay na kakailanganin namin ay agad ko 'yong nilagay sa sobrang luma nang pick-up at bumalik muli para sa iba pang rekados. I should have brought Ava with me. Now I am regretting I did not. May karamihan nga ang bibilhin ko. Hindi, marami talaga!


Nang pabalik na ako sa palengke dala ang basket ko ay hindi nakatakas sa paningin ko ang isang lalaki na napapalibutan ng mga gwardya. Nakatalikod 'to sa gawi ko kaya hindi ko makita kung sino. Agaw pansin ang kaniyang kutis at buong kabuuan. Para bang ligaw na anghel sa mundo ng mga mortal.


Bakit may naligaw na royalty dito? Bakit hindi sila sa Royalty M bumili ng mga kakailanganin nila. Nando'n naman na lahat, e. At isa pa, roon sila bagay at hindi rito.


Hindi ko na lang pinansin at naglakad na papasok para makabili ng mga karne. Hindi ako dumaan sa gilid nila. Gumamit ako ng ibang daan para hindi na makipagsiksikan pa. Tuwing may mga royalty kasi ay pinagkakaguluhan nila. Who wouldn't, anyway? They seldom go to places like this. This is never going to be a place they would fit in.

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Where stories live. Discover now