Hi, ako si Jason "Den" Defensor isang Defense Agent ng Dept of Folklore and Supernatural Defense reporting for duty! Marahil curious ka na may isang ahensya pala na nagpapanatili kaligtasan mula sa mga halimaw at paano ako napasok sa ganitong buhay? I'm glad you ask! Magsimula tayo noon bata pa ako.
Isa ako noon sa mga batang palaboy-laboy sa Quezon City Circle kasama ang aking mga “truepa” ko na kapwa kong rugby kids. Lahat na yata ginawa ko na para makaraos sa buhay dito sa manila: singhot singhot para lipas gutom, hasler din sa pitaka, cellphone at alahsa; alam ko ang tunay at hindi.
Syempre kasama na rin magbooking sa gabi. Ako talaga ang binibenta sa samin tatlo magtutruepa, pogi eh. Payag naman ako lalo kung isang matabang mayaman ang cliente dahil nakakahingi ako ng kiddy meal sa Jabee at meryenda para sa dalawa.
Isang gabi naglilibot-libot ako at napunta ako sa isang warehouse kung saan may nakita akong magandang babae na tila may inaantay. Pasimpleng obserba lang ako sa mga pwedeng mangyari. Hindi na bago sakin ang ganitong kalakaran. Sigurado may ka-booking ang maganda babae na pwedeng may mangyari dito sa tabi-tabi.
Pinag-iisipan ko na pagnakawan ang dalawa kapag hubad na sila, kahit may matangay lang akong isang wallet o cellphone ay tiyak makakabili na ako ng pagkain. Hindi nagtagal ang pag-aantay ng babae at dumating na yung ka-meet up niya. Isang lalaki na bumaba sa galing sa kotse na magandang pangangatawan.
Ako’y nagkunwaring umalis para hindi na ako pansinin ng dalawa habang nahahanap ng matataguan. Nasa likod ako ng isang kariton na may nakalagay na basura na pangrecycle nakatago at nakikinig sa usapan ng dalawa.
“Halika sa kotse at dalhin kita sa masarap na kainan ng sisig" sabi ng lalaking halatang sabik na sabik at sagot naman ng babae ng "wag na, hindi ako sanay magcheck-in, dito na lang tayo sa likod-likod". Hindi na rin tumangi ang lalaki sa paaya ang dalaga at sila ay dumeretso papasok ng sa loob ng warehouse.
Malaki yung warehouse na nagsisilbing storage o tambakan ng kahoy na crane. Nagpalipas lang ako ng mga sampung minuto at ako’y sumunod na sa loob.
Hindi naman nila sinarado yung pasukan ng warehouse at sobrang laki pa nga ng pagkabukas nito. Habang dahan na dahan akong palihim na pumasok may narinig akong malakas na sigaw na tila takot na takot na nagmula sa lalaki.
Kinabahan ako at bigla akong nagbalak lumabas ngunit biglang kumalam na ang aking sikmura sa gutom kaya hindi ko pinansin ang nararamdaman ko sa aking dibdib at nagfocus na lang ako sa paghahanap ng kanilang damit.
Madilim sa loob ng warehouse na halos wala akong makita pero may isang ilaw ng mukhang galing sa cellphone na yun ang naging palatandaan ko na andoon ang lokasyon ng dalawa.
Habang papalapit ako sa may ilaw ay nakakita ako ng anino ng mga pakpak ng paniki at sabay rinig ko ng sigaw mula babae na parang nasasaktan dagdag ng tunog na parang napupunit ang kanya laman at buto. Matapus ang sigaw ng babae, isang malas na pagaspas ng hangin ang sumunod kong napansin.
Nangalog ang aking mga tuhod at lahat ng akin mga buhok sa katawan ako ay tumayo. Ako'y nakatago pa rin sa dilim, sa likod ng mga kahoy na crane na hindi makalakad sa takot at rinig ang mas lumakas na tibok ng akin puso. Isang malakas na pagaspas ang akin narinig kasabay ng malakas na hangin. Ang pagaspas ay patungo sa direksyon palabas ng warehouse. Isang tila malaking paniki ang dumaan sa akin ibabaw na nagmamadali.
Nawala ako sa katinuan sa bili ng mga pangyayari. Ako'y nangingig sa takot pagkalabas ng isang malaking paniki sa pintuan ng warehouse. Natulala ako ng hitig sa kalahating oras.
Nung bumalik ang aking katinuan, agad akong tumungo sa nag-iisang ilaw sa loob ng warehouse at dito ko nakita ang isang malamig na bankay ng lalaki. Ito ay maputla na tila walang natirang dugo sa katawan.
YOU ARE READING
Ang Dilim
HorrorHindi natin mapipili kung sa itaas o ibabang parte ng lipunan mumulat ang ating mga mata katulad ng kapalaran ni Den. Isang batang pinanganak sa madilim na mundo at ang tanging hangarin ay magsilbing ilaw sa mga batang ipinanganak ng may kaparehas n...
