Chapter 1: Dominic and I

333K 3K 133
                                    


Naiinis na hinawi ko pakabila yung hanggang balikat ko na buhok. She looks at her watch and cursed silently.

"Great!" tila naiinis niyang bulong sa sarili. Late na naman siya sa klase niya. Kung kailan naman quiz nila kay Dean Lozada ay saka pa naman nasira ang kotse ng daddy niya. At ng dahil sa kumag niyang kuya Ethan! Ilaban ba naman sa drag racing, ayun kinaumagahan ay tumirik na yung makina. At kahit sermunan pa ito ng daddy niya ay wala din naman mangyayari. Her brother is such a bullheaded crap!

Nasa huling taon na siya sa kolehiyo, taking up Business Management. And she is barely 19 years old. Maaga na nagsimula siya ng college and when she graduated she will be a part of her grandfather's business na nasa Minessota kung saan naka base ang kanyang agwelo.

Dahil napaka imposible ng kanyang kuya na seryosohin ang parte ng kanyang ama sa business, siya na lamang ang nag prisintang kuhanin iyon at akuin ang responsibilidad ng kanyang kuya. Alam niya na malabo na maging parte nito ang business, ang tanging alam nito ay pleasure.

"Hi pet," nakangising bati ng isang lalaki na prenteng nakasandal sa bagong bagong Mazda Mx-5.

The gorgeous and her buddy and childhood friend, Dominic Rafael Saadvera. Inalis nito ang suot na shades. He is wearing a simple white polo shirt and jeans, no doubt na kaya nagtitinginan ang ilang mga babaeng estudyante ay dahil kinikilig sa lalaking kaharap niya.

Napataas ang kilay niya. Eskwelahan niya ang huling lugar na hindi niya aasahan na makikita ang lalaki. Maliban na lamang kung nasangkot na naman ito sa gulo.

"What are you doing here?"

Umalis ito pagkakasandal sa kotse at lumapit sa kanya. Yung tipong halos magdikit na katawan nila. Bigla siyang napaatras, kung bakit naman ay amoy na amoy na niya ang mabango nitong hininga at ang gamit na cologne na kilalang kilala na niya amoy.

Armani.

Her gift when he celebrated his 20th birthday last month. She didn't know why she bother herself giving him such kind of intimate gift. When he opened his gift, she saw him stiffened. Tila hindi inaasahan ang ibibigay niya, he looked at her and she was speechless, hindi niya kasi alam kung namumula siya habang tinititigan siya nito.

At bakit hindi.

Kulang na lamang ay matunaw siya sa klase ng pagkakatitig nito.

Akala niya ay katahimikan na lamang ang mamagitan sa kanila, when he cleared his throat and smiled at her in his playful way.

"Ang mahal naman nito? Binawas mo ba sa allowance mo?" nakangising sabi. "Baka hindi ka na makakain sa loob ng tatlong buwan?"

Inis na hinampas niya ang lalaki.

"Can't you even say thank you Steph?" iritang sabi niya. Agad na nawala ang pagka asiwa at napalitan ng inis. Kahit kailan hindi maka appreciate ang lalaking ito. She is just as giving back something to him dahil nung nag birthday siya, he bought her a Louis Vuitton bag after his vacation in US.

Natawa ito at ginulo ang buhok niya, inis na iniiwas niya ang buhok. Hanggang ngayon, gawain pa rin nitong guluhin ang kanyang buhok.

"Hey!"

Tila nagising siya sa pagkakaalala ng nakaraan. Nasa harap pa rin niya si Dominic na nakangisi. "You are miles away, wala ka bang klase?"

Nang marinig ang salitang klase ay nanlaki ang mga mata niya. May quiz nga pala sila!

"Oh shit, I am so late!" at nagtatakbong palayo kay Rafael after saying her rush goodbye.

Ni hindi na niya naitanong bakit ito naroon.

Sana Akin Ka na Lang Book 1 (FREE at www.nobelista.com)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon