Special Chapter: The Vacation Part 2

Magsimula sa umpisa
                                    

I grab his hair at sinuklay-suklay ito. Hinawakan ko pa ang kanyang mukha. I smiled. Hindi ko lubos akalain na magiging kami pa ni Summer pagkatapos ng lahat nang nangyari sa amin. Akala ko wala ng pag-asa. Ang tunay na pag-ibig namin sa isa't-isa pala ang magsasalba para sa aming dalawa.

I took the risk for the last time. And I'm willing to take it again. Ganoon naman siguro kapag nagmamahal, hahamakin ang lahat masunod lang ito. Pero kapag nagloko talaga itong ugok na 'to, baka putulan ko siya ng ano.

"Anong ningingiti-ngiti ng Misis ko? Gusto atang makaisa e. Maaga pa, pagod pa ako. Hinigop mo lahat ng lakas ko kanina." Ani Summer sa mahinang boses at sa nakapikit na mata. Nakangiti pa ng bahagya at mas siniksik ang sarili sa akin. Aba't gising pala ang damuho.

Hinampas ko ang braso niya. "Ang kapal naman ng mukha mo! Sino kaya ang gustong makaisa pa sa ating dalawa, aber? Mabuti sana kung ikaw ang nasasaktan."

"Good morning Misis ko. I love you." Kahit naiinis ay di ko mapigilang kiligin. Bago pa ako makapagsalita na kunwaring maiinis pa ay hinalikan niya ako sa labi. Hindi lang basta halik. Torrid pa. Nakapaano talaga ng lalaking 'to.

Tinulak ko ang mukha niya dahil parang ayaw pa atang tumigil. "Hoy, 'di pa ako nakakapag-tooth brush." Saway ko sa kanya.

"Sarap nga ng labi mo e. H'wag kang mag-alala, hindi rin ako nakapagtooth brush pa." Nagulat ako nang bigla siyang pumaibabaw sa akin. "Ano Misis ko? Isa pa? Kailangan nating makarami para mabuo na natin si baby."

Pipigilan ko pa sana siya sa gustong gawin pero nang halikan niya ako sa aking labi pababa sa leeg at sa dibdib, hindi na rin ako nakapagpigil pa. Bahala na't masakit pa ang bahaging iyon. Hindi ko na rin kasi kayang pigilan ang sarili. Sobrang mahal ko lang talaga ang lalaking ito.

Magtatanghali na nang maisipan naming bumangon ni Summer. Kinatok na rin kami ni Izzy kanina para mag-almusal pero nagsabi kaming mamaya na lang. Hindi naman naging mapilit ito at hinayaan lang kaming magpahinga.

Nadatnan namin ang dalawang couple na naghahanda ng pagkain namin. Parehong naghaharutan ang mga ito. Sabay kaming umubo kunwari ni Summer para maagaw ang atensyon nila.

"Ang lalandi." Kumento ko habang papalapit sa kanila. Nang-usisa agad ako kung anong hinahanda nila.

"Nahiya naman ako sa nagkakalamapagang paa ng kama kagabi. I also heard repeatitive words like more and faster." Ani Mikael. Nagkatinginan sila ni Izyy at napangisi. Kinantyawan naman kami nina JB at Andrei. Pinamulahan ako ng pisngi at itinanggi ang sinasabi niya.

"Atlast Bro! Nakuha mo rin. So, nakailan kayo kagabi?" Narinig kong tanong ni Izzy kay Summer. Parang kamatis na siguro ang pisngi ko ngayon.

"Hindi ko mabilang. But it was awesome." Tanging sagot lang ni Summer. Naghiyawan ang dalawang barako. Nang tingnan ko si Summer, nakatitig lang siya sa akin. Parang kumikinang pa ang mga mata niya habang sinasabi iyon. Minura ko siya sa isipan. Ako lang ang nakakaramdam ng labis na hiya habang siya ay parang ninamnam pa ang pinagsaluhan namin kagabi. Mamaya talaga ang tag-init na 'yan at gigilitan ko siya sa leeg.

"Marami kang ikukwento sa amin mamaya." Mahinang sabi ni Andrei sa akin. Sumang-ayon din si Mikael na mukhang eksayted na sa ikukwento ko. Asa naman silang magsasalita ako. It's a private thing for pete sake. Jusko, kailangan pa ba nilang alamin 'yon?

Pinagkukurot ko silang dalawa at inaya nang tapusin ang niluluto. Gusto ko pa sanang magsalita at ipagtanggol ang sarili pero pinili kong tanggapin ang pangangantiyaw nila sa akin. Baka hindi na nila ako tigilan pa.

Umalis naman ang mga nobyo namin at pumunta sa living area. Ilang sandali pa'y may narinig kaming ingay. Nanonood pala sila ng kung anong sport sa TV. Nagsisigawan pa ang mga ito na akala mo nasa live audience at nakikicheer.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon