1

30 5 0
                                    

Walang bobo kung magtitiyaga lang mag-aral. Yan ang laging nasa isip ko. May iba na maganda pero bobo yung iba naman bobo na nga pangit pa at minsan din may ibang siniswerti maganda na matalino pa. Ako kasi ganito lang, aminadong pangit pero matalino.

"Almira nakapag review ka?" si Jane, kaklase ko. Competitive din at laging top two, ako kasi yung top one. At siya din yung president ng klase

"Kunti lang" saad ko sa kaniya at nagbasa ulit ng libro.

"Almira, tabi tayo mamaya ha" si Mica, siya yung maganda pero hindi magaling sa klase, hindi ko naman sinabing bobo ganon lang talaga siya pinagpala sa mukha. At bestfriend ko din siya. Siya lang kasi yung kinakausap ako ng walang kaplastikan. At minsan tinuturuan ko siya sa mga lessons namin na hindi niya masyadong naintindihan. Minsan din pinipilit niya akong mag-ayos. Kasi naman ang dami ko na ngang pimples, dagdag pa tong  eyeglasses at braces ko at napa kulot na buhok, hindi pa ako nag-aayos ng sarili ko. Wala kasi akong time dun.

Pagakatapos ng exam namin ay pumunta kami sa cafeteria.

"Ano ba yan, first day na first day exam agad" nakabusangot na saad ni Mica

"Hindi ka pa ba nasanay Mica? Ganito talaga sa school natin kaya dapat nag review ka hindi puro gala" saad ko sa kaniya.

"Pero Almira, nakita mo ba yung bago nating kaklase?" Saad ni Mica na parang kinikilig.

May bago kaming kaklase? Hindi ko yun napansin.

"May bago tayong kaklase?"

"Oo, hindi mo na pansin? Ang gwapo kaya nila"

"Wala akong pakialam Mica, dapat nga pag-aaral inaatupag mo hindi yang mga transferee na yan"

"Nandiyan pala sila, teka tatawagin ko." Saad ni Mica at hindi pinansin yung sinabe ko. Tinawag niya nga yung mga transferee at umupo sila sa harap namin ni Mica.

"Sorry ha, wala kasi kaming kilala dito at puno na yung canteen" saas nong isa

"Naku okay lang, classmates naman tayo, pwedi nga araw araw sumabay kayo sa amin" parang nabilaukan ako sa sinabe ni Mica. Hindi ko kasi trip ang maraming kasabay okay na ako sa isa.

"Ako pala si Lance at heto si Leo twins kami" saad ni Lance, at nahuli kong nakatingin siya sa akin.

'Alam ko pangit ako, pero wag mo akong tingnan ng nmganiyan, kaya kitang talunin sa Calculus ' wika ko sa sarili at tinuloy ang pagkain ng spaghetti habang nagbabasa

"Ah, wag niyo ng pansinin yan ganiyan lang talaga yan. Bookworm. Siya pala si Almira, ako naman si Mica." Nakipag kamay si Mica sa kanila ganon din ako.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa classroom namin tahimik lang ako habang si Mica naman ay kinakausap sina Lance at Leo.

"Good morning, class. Malapit na ang Science Quiz bee natin at alam naman nating lahat na si Almira ang pambato ng school natin kaya excuse muna siya sa klase, at makakasama niya sina Justin at Jane. Justin, Jane, and Almira come to my office after lunch" saad ng Proof namin sa science.

"Naku Almira, iiwan mo nanaman ako, paano na ako?" Saad ni Mica

"Okay lang yan nandiyan naman si Lance at Leo" saad ko sa kaniya at nakinig na sa guro namin.

Pagkatapos ng lunch ay pumunta ako sa office ng proof ko nandun na din sina Justin at Jane.

"Next week na yung contest kaya as early as now ay kailangan na train na kayo" saad ni Miss Trisha. Binigyan niya kami ng mga aklat para basahin at bago mag five pm ay bibigyan niya kami ng pasulit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If OnlyWhere stories live. Discover now