"Morgan I really need to go I'm la------"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay tumunog ang phone ko.

Tinignan ko ang caller ID. An unknown number but familiar. It's Wallace for sure. Oh no not this time.Tinignan ko si Morgan pero nakatitig siya sa labi ko.

I kiss Morgan ignoring the call. Baka makita pa niya at magtanong ulit. Mas magandang ibaling niya sa iba ang atensyon niya.

Bibitaw na sana ako sa halik pero he deepend our kiss. He claim my lips like a dessert that serve in him.

He lean me on the seat and kiss me passionately. Ang init! Shit may klase pa ako.

Siya na din ang kusang bumitaw. Humihingal kami matapos ang halikan session namin. Ngayon pa talaga.

He pinch my nose bago binuksan ang pintuan ng kotse niya. He flash a big smile then kiss me on my forehead.

"B-bye see you later." I breathlessly said.

Saka ako dali-daling tumakbo papunta sa room ko. Abot abot ang kaba ko ng binuksan ko ang room namin. Thanks God wala daw ang prof namin dahil pinatawag ni dean.

1 pm ang usapan namin ni Wallace kaya after naming maglunch ni Morgan ay umalis na akong school para maglakad para sa usapan namin ni Wallace.

Nag-dahilan lang ako kay Morgan kanina na may bibilhin akong gamit for our activity tomorrow. Totoo naman yun kaya lang hindi ko sinabing makikipagkita ako kay Wallace ngayon.

Bumili agad ako ng materials for our activity at agad na dumiretso sa coffee shop.

Nakita ko agad si Wallace na kumakaway. He's smiling. Ginantihan ko siya ng ngiti at lumapit sa pwesto niya.

Umupo agad ako. Nakahinga lang ako ng maayos dito dahil malamig. Sobrang init sa labas. Hindi ako nakapagdala ng payong kaya pawis na pawis akong naglakad.

"Hi. What do you want to order?" Pambungad niya sa akin.

May mga sumusulyap samin at kitang kita ang mga mata nilang matatalim. Oh girls again.

Sikat kasi sa mga babae ang lalaking ito bukod kay Morgan. Siya ang isa sa pinakakaguluhan sa campus. Political influence also of his father kaya ganyan na lang kung madikit ang pangalan mo sa kaniya.

Kinatatakutan ang ama niya dito. Kapag nakita mo talagang maninindig ang balahibo mo. His eyes are very intimidating and dangerous. Hindi maipagkakaila na maganda ang lahi nila. Parang binata pa din ang ama niya kung tutuusin. Matinik sa mga babae siguro nung kabataan niya.

One time kasi nung sinabayan niya ako sa paglalakad. Malapit na kami sa bahay that time ng may humintong itim na sasakyan. Lumabas ang dad niya. Akala ko kaibigan or barkada niya base sa itsura nito na batang bata pa.

Nagulat na lang ako ng tawagin niyang dad. Binati naman ako nung dad niya nauutal pa akong sumagot dahil yung mga tingin niya talaga. His eyes stating how powerful and dangerous he is.

"Wag na ayos lang ako. Kakatapos ko lang magluch. Water na lang." Magkakape pa ba ako eh init na init ako dahil galing ako sa labas.

Nag-oder na siya at pagkadating ng water ko nilagok ko agad. Nahiya ako dahil nakaawang ang labi niya ng sulyapan ko siya na pinapanood pala ako.

Nagpeace sign ako. Umayos siya ng upo niya at ilang beses na lumunok. Nauhaw din ba siya?

"Kumusta ka na?" This time seryoso na siya at matamang nakatingin sa akin.

"Okay lang. Ikaw?" Gusto ko sanang tanungin kung saan siya nagpunta nitong mga nakaraang araw pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong magtanong dahil ang chismosa ng dating ko nun.

"I'm fine. It's just that, I miss you." Kung umiinom ako for sure nasamid na ako.

He's straightforward. Kaya minsan mabibigla ka na lang. Namiss daw ako pero hindi na nagpakita.
Sabagay parang timang lang. Iniwasan ko kaya pano ako makikita di ba?

Kapag nasa paligid ko siya parang natitibag ang tiwala ko sa sarili. Gaya nung nagdaang linggo na tinugunan ko ang mga halik niya. I know naattract lang siguro ako sa kaniya dahil sa atensyon niya na hinahanap ko kay Morgan.

Ayokong makagawa ako ng kasalanan. Ayokong magkasala kay Morgan. Aatras na ako sa fashion week na yun. I don't think na kaya kong makipagsabayan. Mas magandang wala muna kaming interaction ni Wallace for the sake of Morgan and me, our relationship. This is the last.

Magsasalita na sana ako at sasabihin kong hindi ako makakasali sa fashion week para makapaghanap agad sila ng kapalit ko. But I heard a familiar baritone voice. Tinawag ang pangalan ko at this time grabe na ang kaba ko.

I hope na hindi si Morgan yun pero mas lumapit siya at tinawag ulit ang pangalan ko.

Dahil sa sobrang kaba ko hindi ko namalayan na sinuntok na niya sa mukha si Wallace at agad akong hinatak palabas. Kinaladkad niya ako at agarang isinakay sa sasakyan niyang nakaparada sa harap.

I'm doomed.

Dominant LoverWhere stories live. Discover now