"ang panget panget mo di ka bagay dito" sigaw ng mga tao sa akin paligid
"akala mo kung sinong mabait may tinatago palang kademonyohan! DEMONYO KA!! DEMONYO!" sigaw ng mga taong itinuri ko ng kapatid
"salot ka puro pa bigat lang ang idinudulot mo sa mundong ito,BOBO! Walang silbi,nag pabuntis kapa napaka wala mong kwentang anak bukas na bukas ipalaglay mo yang batang yan HAYUP KA" sigaw ng mga taong akala ko pwede kong masasandalan at ang pag kawala ng nag iisang taong mag mamahal sana saakin ,ngunit di ko pinaglaban dahil mahina ako.
"tsk! Akala ko dalagang pilipina ka,yun pala nag nag papangap ka lang pala,pokpok pakantot lang ang alam mo."!,sigaw ng kaiisang tao na akala ko tunay nag mamahal saakin pero isa din pala sya sa mga taong minamaliit at binabalewala ako
Ayan ang aking nararanasan sa mundong ito,ang minamaliit at binabalewa ng mga taong akala ko kasama ko sa hamon ng buhay,pero isa pala itong imahinasyon,namulat ako sa panahong puro pag babatikos,bullying,early pregnancy at iba iba pang problema ng bansa,kahit gusto kong kumawa,pero hindi maari,dahil ito na ang takbo ng aking buhay ang maging isang walang kwentang mamamayan.Saan ako nararapat o mas mabuting tapusin na lang ang lahat,wala namang nag mamahal saakin bakit di ko na lang tapusin ang buhay kong ito? Dahil sawang sawa na ako.Ngunit gumising ako sa umagang na parang may tumatawag saakin,tumatawag at gustong sabihin na wag ko muna tatapusin ang buhay na to,kahit nalilito nilakbay ko ang lugar na kung saan may tumatawag saakin,ng tumigil ang boses sa aking isipan napatingin ako sa lugar na aking pinuntahan,"isa itong simbahan?" tanong ko saakin sarili " bakit ako na punta dito?" kahit litong lito tinahak ko ang pintuan papasok sa simbahan na ito, bumugad saaking ang isang rebulto ni jesus,napara bang winewelcome niya ako sa tahanan niya,habang minamasdan ko ang kanyang imahe,bigla na lamang lumiwanag at mapapaso ka na lamang sa liwanag na iyon,ng nawala na ang puting iyon may isang lalakeng nakatalikod saakin at may kasama itong batang na hula mo ay nasa tatlong taong gulang,bigla akong nakaramdam ng pag patak ng aking luha,"kung buhay lamang ang anak ko baka makasing edad na sila" sabi ko saaking sarili.
Kahit na lilito pinag masdan ko pa ito ng mabuti,ang lalakeng nakatayo ay nakaputi itong damit na parang kasuotan ni jesus nung nabubuhay pa lamang siya,nag tataka ako bakit parang may butas ang kamay ng lalakeng ito at mahaba ang kanyang buhok na umaabot na sa kanyang balikat,"wag mong sabihing si jesus ito?" tanong ko saaking sarili at kinikilabutan ako.Ng tumingin ito saakin pwesto.tama nga ako dahil si jesus nga ito.Di ko alam bigla nalamang akong naluha,dulot ata nito nung mga alala na raranasan ko ngayon at kaylan man di ko matatakasan pa.maya maya naramdaman ko na lang na may humawak saaking balikat at ng tignan ko kung sino iyon,mas lalo lang ako naiyak dahil ang mga kamay na iyon ay nanggagaling sa batang nakita ko kanina na kasama ni jesus.kahit umaagos padin ang mga luha ko sa aking mata binigyan ko siya ng isang ngiti na nais ko ipakita sa anak ko na kaylan man di ko na masisilayan muli.Nang tignan ko ang batang iyon parang naramdaman ko ang lungso ng dugo parang gusto ko siyang yakapin,pero bago ko pa iyon gawin bigla na lang nag salita ang bata at pinag tataka ko bakit sinabihan niya ako ng "I LOVE YOU MAMA" di ko alam kung anong magiging reaction ko sa kanyang sinabi.bigla na lamang akong umiyak ng umiyak,tama nga ako anak ko nga itong batang ito.sa pag kakataong iyon niyakap ko siya ng sobrang higpit na tipong ayaw ko na siya muling mawala.habang nasa ganun kaming posisyon bigla na lamang nag salita si jesus at sinabi niya na "kamusta ka aking anak? Masaya kaba sa buhay mo ngayon?" tanong nito saakin.unti unti akong umiling at sinabi na "ayaw ko ng mabuhay sa mundong ibinigay niyo saamin,dahil lahat naman sila walang may pake saaking nararamdaman,kaya nais ko na lang tapusin ang aking buhay at makasama ang aking anak." sabi ko sa kanya."anak ko maraming mga taong nais mabuhay ng matagal ng katulad sayo,maraming taong gustong masilayan ang magagandang tanawin at gusto din nilang gumawa ng mga bagay na ikakasaya niya dilang sa kanyang sarili pati na din sa ibang tao" muli nitong sagot saakin habang nakangiti."pero ako gusto ko na lang mamatay patawad dahil gusto ko ng kunin ninyo ako o panginoon" sabi ko habang naluluha olet."Sa iyong tingin magugustohan ito ng iyong anak at ako? Oh miya anak ko may dapat ka pang gawin at pag subok na dapat lampasan hindi pa ito ang huli,baguhin mo ang iyong sarili,gumawa ka ng bagay na ikakabubuti mo at saanak mong nakasama ko na sa langit,alam kong iniisip mo na di ka bagay sa maparaisong lugar na katulad saamin pero tandaan mo to miya may pag asa ka pa na baguhin ang lahat,di pa ito hangganan miya." sabi nito habang nakangiti saakin " Hindi ko po alam panginoon patawad saaking ginawa patawad" paulit ulit kong pag hingi ng tawad sa kanya"Pinapatawad na kita anak ko,kaya bumalik kana at simulan muli ang buhay mo at baguhin ang mga nakasanayan mo at palitan ito ng masasayang alaala" sabi nito habang nilalahad ang kanyang kamay.
Ng tignan ko muli ang aking anak,parang sumasang ayon siya sa sinabi nito,na muling mabuhay at mapatawad ang mga taong umapi at tinapakan ako,"Patawad aking anak sa pagkat di kita pinaglaban noong nasa sinapupunan pa kita,sorry dahil napaka hina ng iyong ina,sana mapatawad mo ako" sabi ko sa anak ko at niyakap siya ng sobrang higpit "pinapatawad na kita mama,basta tatandaan mo babantayan kita kahit wala na ako,mamahalin kita mama kahit wala nang mag mamahal sayo basta tandaan mo mandito lang ako mama" sabi nito habang nakangiti,umagos ng umagos ang mga luha sa aking mata dahil sa kanyang sinabi.Ng matapus iyon tinangap ko ang kamay ni jesus at sa isang iglap bigla muling nag liwanag,pero ngayon pag dilat ko isa nanamang puti ang bumugad saakin.yun pala nasa isa akong kwarto na puro puti ang nasa paligid " nasaan ako?" tanong ko saaking sarili,maya maya bigla na lamang bumukas ang pinto sa silid na ito at tama nga ako dahil ang pumasok ay isang babaeng nakaputing damit na karaniwang sinosoot ng mga nurse sa ospital."oh ma'am mabuti gising na po kayo" sabi nito habang nakangiti saakin "anong ngyare saakin?" tanong ko sa kanya " nako ma'am nasagasaan po kayo,tapus po tatlong araw po kayong walang malay,at yung taong nakabanga sa inyo nasa pulis station na,yun pala ma'am nakainom at nasagasaan po kayo,pero wag po kayong mag alala siya po ang nag bayad ng lahat ng gastos ninyo sa ospital na ito,at baka mga isang linggo po ata pwede na po kayong lumabas" paliwanag niya saakin.So ibig sabihin isa lang iyong panaginip? Ang anak ko mahal na mahal ka ni mama at gagawin ko ang lahat para maging proud ka saakin,mahal na mahal ka ni mama anak ko,o panginoon salamat dahil di kayo nawala ng tiwala saakin,sa kapalit ng iyong pag mamahal saakin magiging isa akong mabuting tagapaglingkod ng iyong tahanan at gagawa ng mga bagay na ikakasaya ninyo,maraming salamat panginoon.
Dumaan ang ilang taon,naging isa na akong ganap na madre,ginugol ko lahat ng oras ko sa salita ng panginoon ko,at naging head sister ako sa isang orphanage,sa mga taong nawawala ng landas sa kanilang buhay,alam kong mahirap ang kanilang pinag dadaanan dahil naranasan ko din ito noon pero nandito naman kami para matulungan sila sa kanilang pinagdaanan.Ng mga taong iyon pinakawalan ko na ang mga alaala na kinukulong ko saaking puso at pinatawad ang mga taong nanakit saakin. Hanggang ngayon na mimiss ko pa din ang anak ko,balang araw anak makakasama mo na muli ako at masayang mamumuhay,pero habang buhay pa si mama gagawa muna ng mabuti si mama mahal na mahal kita anak❤
Kaya ikaw habang nabubuhay ka sa mundong ito,gumawa ka ng mga bagay na ikakabubuti mo,oo di masamang mag saya ngunit
tatandaan mo sa mga desisyon na iyong pinili may kapalit itong kalungkutan at kasamaan sa iyong buhay ,at wag mong iisipin na nag iisa ka tatandaan mo may isang taong kahit malaki ang maging kasalanan mo nanjan siya para mapatawad at mahalin ka, ang amang tunay na mag mamahal sayo ang"panginoon"❤
Hanggang dito na lang nag mamahal "sister miya"
ESTÁS LEYENDO
the woman who experienced a miserable life
Historia CortaItong kwentong ito ay isang one shot story lang sana magustuhan ninyo❤
