"Salamat sa paghatid." ito lang ang tanging magagawa ko para pasalamatan siya sa pagsundo niya sa akin at pagdala niya sa isang mamahaling restaurant. Napagdesisyunan kong tumalikod na sa kanya at bubuksan na sana ang pinto ng aking unit nang mapansin kong hindi pa rin siya gumagalaw sa kanyang pwesto. Binalingan ko siya muli ng tingin.

"May nakalimutan ka ba?" hindi ko alam kung bakit yun ang tanong na lumabas sa aking bibig. Ngayon ay may ngisi na naman sa kanyang labi. Napakunot ako ng aking noo nang basain niya ang labi gamit ang dulo ng dila niya.

"I think you're the one who forgot something." mas lalo akong nagtaka nang naglaho ang mapaglaro niyang tingin at napalitan ng seryosong ekspresyon.

"Huh? Hindi kita maintindihan. May kailangan ba akong sabihin?" naging malikot ang aking mata sa labis na pagtataka. Base kasi sa pagkakaalam ko ay wala naman akong dapat sabihin sa kanya. Ano bang meron sa lalaking 'to at bigla na lang naging misteryoso? Nakadrugs ba siya?

Saglit kaming pareho na natahimik. Kalaunan ay narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga.

"I want you to kiss me." napalaki ang aking may pagkasingkit na mata sa direktahan niyang sinabi. Natigilan ako sa gusto niyang gawin ko.

"H-Huh? Alam mo Tale, umuwi ka na. Baka abutin ka pa ng hatinggabi sa daan." pinilit kong ibahin ang ihip ng hangin sa pagitan naming dalawa. Pilit na winawaksi sa akin sistema ang unti-unting pagsilab ng apoy sa aking katawan.

"I won't go home until you kiss me." umisang hakbang siya palapit sa akin. Hindi ko magawang lumayo sa kanya dahil kanina pa ako nakasandig sa pintuan ng unit ko. Napalunok ako sa reyalisasyon. Kapag nagpatuloy pa 'to ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Sige na nga!" napipilitan kong pagsuko. "Pero smack kiss lang."

"No. I want the torrid one. Smack kiss isn't a kiss. It's like you just touch my lips with yours." ano bang gagawin ko sa lalaking 'to? Siya na ata ang nakilala kong tao na sobrang demanding sa lahat ng bagay. Siya na nga itong pinagbibigyan sa gusto niya, nagawa pang humirit ng loko.

Napabuntong-hininga na lang ako at pinili na lang na sundin ang gusto niya. Para matapos na. Dama ko na ang pagod ng katawan ko. Dahan-dahan kong nilapit ang aking mukha sa kanya hanggang sa lumapat ang labi ko sa kanyang labi. Tulad ng sinabi niya ay nagsimula akong igalaw ang labi. Ito ang unang beses na ako ang unang humalik sa kanya. Siya kasi palagi ang unang humahalik sa akin na agad na nauuwi sa mainit na pagtatagpo.

Naramdaman ko ang marahang pagkabig sa aking katawan ng kanyang braso padikit sa kanya. Napahawak ako sa kanyang dibdib bilang suporta na hindi tuluyang mapalapit sa kanyang katawan. Ako na ang unang kumalas sa paghalik na yun nang pinilit ko ang aking sarili na itulak na siya palayo sa akin bago pa may makakita sa ginagawa namin. Napansin ko pa ang paghabol ng kanyang labi nang humiwalay na ako. Nabitin pa ang loko.

"Tama na yun. Baka may makakita sa atin." naiilang kong dahilan sa kanya. Ayos lang sa akin na halikan niya ako hangga't walang nakakakita sa aming ibang tao. Iba na rin ang nag-iingat.

"There's no one here. No one can't see us kissing." binalak niya pa sanang ilapit ang kanyang mukha pero agad ko yung natulak palayo sa akin.

"Anong wala?" tinuro ko ang cctv na nakatutok sa hallway na kahit walang tao sa hallway ay baka pwede kaming makita ng nagbabantay sa mga cctv na naghahalikan dito sa hallway. Tulad ng sabi ko kanina, iba na din ang nag-iingat.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Where stories live. Discover now