Inilibot ni Xianne ang tingin sa kabuuan ng sala bago lumapit sa kanya at tiningnan ang katabing racks na may mga lamang CD at DVD. "Meron ka nito?"

"Yeah. I'm kind of old school."

"Hindi naman halata." She chuckled. "Gusto kong manood ng action. Anong maganda sa mga 'to?"

Natigilan siya sa narinig. Don't girls usually like romance? But why is she asking for action?

Dahil ba sa'kin? Is she being considerate of me? Shit! Ba't ako kinikilig?

He cleared his throat to contain what his feeling. "Let's try this one." Kuha niya sa DVD ng The Expendibles saka ipinasok iyon sa player.

Hindi niya alam kung bakit sa ibaba ng sofa sila pumuwesto habang nakasandal sa upuan. All he know is that his arms are placed at Xianne's back while her head is on his shoulder. And he loves their position. It's like their cuddling.

Wala ang atensyon niya sa pelikulang pinapanuod kundi nasa katabi. Aliw na aliw siyang pagmasdan ang dalaga na tutok na tutok sa pinapanuod. Until he heard a stomach growling.

Nahihiyang napaangat ang tingin sa kanya ni Xianne. "Gutom na ako."

Mahina siyang natawa. "Anong gusto mong kainin?" Aniya pagkatayo.

"Magluluto ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Xianne.

He nodded then went straight to the kitchen. Naramdaman niya namang sinundan siya ni Xianne.

*****

"Marunong kang magluto?" Tanong ni Xianne pagkaupo sa stool ng breakfast nook ng kusina ni Storm. Nakapangalumbaba niyang tiningnan ang binata.

Nakaharap siya kay Storm na abala na sa pagkuha ng mga gagamiting ingredients sa lulutuin.

"Oo." Sagot nito habang naghihiwa ng sibuyas. "I learned. That's the perks of being alone in a long time."

"Bakit ka mag-isa? 'Asan ang parents mo?"

"Australia." Tipid nitong sagot na para bang iniiwasan ang topic.

Mukhang ayaw niya itong pag-usapan. Kung tutuusin, wala pa siyang masyadong alam tungkol kay Storm. Wala naman siyang lakas ng loob para magtanong. Gusto niya na ito mismo ang magku-kwento sa kanya.

"Ahh. Ganun ba?" She instantly diverted the topic. "Buti ka pa marunong magluto. Hindi na ako natuto kaya ngayon, hindi ako marunong."

He is now mixing what he's cooking. "It's okay. I'll cook for us."

"I would love that."

Masuyo niyang tinitigan ang binata habang inaayos na ang hapag-kainan. She fell for him all over again.

How can this man be so imperfectly perfect?

"Let's eat." Aya nito pagkatapos.

Tinungo niya ang dining area kapagkuwan ay pinaghila siya ng upuan ni Storm. Simple lang naman ang niluto nito.

"Kumain ka ng marami." Ani Storm habang nilalagyan ang plato niya ng menudo.

"Salamat." Sagot niya saka nilasahan ang nilutong ulam ng binata. "Ang sarap!"

"I'm glad you liked it." Nakangiting saad nito at nagsimula na ring kumain.

"Nga pala, gusto mo bang bumili tayo ng susuotin mo para sa anniversary ball?" Tanong ni Storm pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"Hindi na kailangan. Si Lois na daw ang bahala sa gown na susuotin ko. Si Faith naman sa make-up ko tapos si Tala sa buhok ko."

He nodded. "Then you're all set then. You're lucky to have friends like them who supports you."

A Little BraverWhere stories live. Discover now