"Will you be my girlfriend?" Tanong saakin ni dexter habang naka luhod sa harapan ko at saksi ang maraming tao and I said
"YES!"
5years na kami ngayun ni dexter and still counting. As a girl napaka swerte ko sa lalake ito because He always choose the best for me. Masasabi kong gusto kona para sa future life ko ito
"Babe gusto mo ba akong maging ina ng mga anak mo at asawa mo?" Tanong ko dito habang naka higa kami sa sala at nanonood
"Tinatanong paba yan? Syempre oo sino bang hinde babe"
Papunta kami ngayun kanila lola mama ni papa since si lola nalang ang mayroon ako sa mga magulang ni mama at papa month-month ko siyang dinadalaw para naman di niya maisip na nag iisa siya
Lola's girl nga pala ako. Kay lola alli ako lumake bumalik nalang ako kanila mama nung mag hi-high school na ako and that time dun ko nakilala si dexter, niligawan niya ako after 1 year and half dun nangyare ang pinapangarap ko
Pag dating namin dito ay sinalubong kaagad ako ni lola ng mahigpit na yakap at inamoy amoy niya pa ako "kamusta kana heila apo?"tanong sakin ni lola "ayus lang po lola" humarap ako kay Dexter at agad niyang nakuha ang gusto kong magyari "mano po lola.. Nga pala may dala kaming mga prutas kunin kilang po"
Humarap sa akin si lola at tumingin ng matulin at lumapit sa tenga ko "ikaw bang bata ka gano na kayo katagal niyang boyfriend mo?" pag uusisa nito "5 years napo lola mag si 6 na sa susunod na linggo"sagot ko.
Papasok na kame sa loob ng bahay at napapansin kong panay ang tingin ni lola kay dexter na para bang hinuhusisa niya ito. "Apo tutal uuwi kana bukas sana sa kwarto ko dun ka matulog para makapag usap tayo"sabi ni lola at tumango naman ako
"Halikat kumain na tayo" tawag samin ni lola dahil nasa labas kami at nilalahap ang sariwang hangin. Habang kumakain kame ay pansin kong pinag papawisan si Dexter at hindi mapalagay habang si lola ay todo tingin sakanya
Pag katapos kumain ay pumunta na kame sa kwarto para matulog.. "Iha kayo ba ay sigurado na sa isat isa?" Tanong ni lola sakin "kung ako Lang po ang tatanungin lola siguradong sigurado na ho ako" sabi ko at tumango tango lang ito.. Sa hinaba haba ng gabi ang dami naming napag usapan ni lola
"Uwi napo kami la" pabalik nakame ng manila at ng malapit na kami ay bumaba na si dexter "babe hindi na kita mahahatid sa inyo huh? May aasikasuhin lang ako naiwang trabaho kahapon"sabi niya at dali dali ng umalis ng hindi manlang hinintay ang sagot ko
Ilang araw na ang lumipas at ngayun ang araw ng 6th anniversary namin ni dexter.. Sa lumilipas na araw ay nag iba ang hihip ng hangin at lagi nalang busy si Dexter mag mula ng pumunta kami kanila lola… Balak ko siya supresahin at pupunta pupuntahan ko siya sa office niya
Paakyat nako papuntang office nila ng biglang nakasalubong ko si Joyce ang bestfriend ko nung high school "Oii longtime no see huh kamusta kana?" Tanong ko dito "oi ikaw kamusta? Eto mag kakapamilya nako" sabi niya " Talaga? Congrats be.. So buntis ka nyan? Naku swerte naman Napa aga yang blessing mo" sabi ko
Sumagot na si Dexter sa text ko at sabing pababa na daw siya kaya stay nalang ako dito kaya nakipag usap muna ako dito sa kaibigan ko "Oi honey dito" sabi ni kim sa likod ko kaya humarap ako at hindi ko inaasahan ang nakita ko
"Ah-ahh nandito kapa pala"sabi ni Dexter na para bang naka kita ng multo
"Honey meet my bestfriend heila"sabi pa ni kim at nag tiis ako ng luha "asawa ko be 2 months nako buntis sakanya" sabi neto habang may napaka sayang kumikinang sa kanyang mga mata.."Ganun ba? Ahh sige mauuna nako huh? Congrats sainyo" sabi ko dahil hindi kona kayang pigilan pa ang luha ko "sigii imbitado ka sa kasal be huh kita ulit" sabi nito at dali dali akong tumango sabay takbo
"Babe heila" sigaw paulit ni Dexter hanggang mahabol niya ako
"Babe sorr—" hindi kona pinatuloy ang sasabi nito "makinig ka" sabi ko dito "yung bata wag mo pababayaan… yung mag-ina mo wag mong iiwan bestfriend ko yun kaya wag mong sasaktan" sabi kopa dito
"Pero mahal kita… papanindigan ko yung bata babe pero ikaw ang papakasalan ko" sabi nito
"Hinde, itigil nanatin ito. Sorry kung nag kulang man ako at hinanap mo yun sa iba… naiintindihan ko pero masakit paren… ingatan mo sila para sakin… dahil hindi ko makakaya Dexter hindi ko makakaya na yungg anak ko sayo balang araw ay may kikilalanin na kapatid sa tinuring kong kaibigan… kaibigan ko na walang kamuwang muwang at hindi alam na merong tayo"
Pag uwi sa bahay ay nag kulong ako sa kwarto para mag mukmok ng may tumawag saakin sa telepono
"Hello heila anak" si mama hilda "ang lola mo namatay na nandito kami ngayun dito sa bahay kanina pa ako tumatawag sayo" hihimatayin yata ako sa nangyayare sa buhay ko. Dali dali akong nag biyahe para makapunta kanila lola
"Sorry anak kung dinamin nasabi kaagad" sabi ni mama ngunit hindi ko siya pinansin at agad akong pumunta kay lola… doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Nawalan ako ng dalawang minamahal ko sa isang iglap lang.
Gabi na ng magising ako sa tabi ng kabaong ni lola dahil sa iyak ko
"Kumain kana muna iha" sabi ng matandang lalake na nasa tabi ko
"Sino po kayo?"sabi ko dito dahil ngayun kolang nakita ito
"Ako si rodolfo… sabi nito kaya tumango tango nalang ako
"Ano mopo si lola?" Tanong ko dito "Haha magang maga nayang mata mo huh hmm ako yung nangako sa lola mo na hanggang dulo siya Lang ang mamahlin ko"sabi nito at tumulu na ng tuluyan ang mga luha sa mata ko
"Pinapatawad nakita mahal ko"
FLASHBACK
"Ingatan mo yan tol mahal na mahal ko yan pati magiging anak niyo " sabi ko sa kumpare ko "alli mahal na mahal kita kaya kung San kaman masaya susuportahan kita. Pangako ko sayo babalikan kita at sa araw na iyon sasabihin ko sa harapan mo na pinapatawad na kita at ikaw lang ang mamahalin ko sinta" dali dali akong tumakbo at iniwan sila
