"Sigurado ka diyan?"

"One hundred percent sure, karamihan sa mga babae gusto ng love letter, para may binabalik-balikan kaming basahin sa tuwing namimiss namin ang mahal namin,"

"Okay, I'll take that as an advice, thank you! Bibilhin ko rin 'yang bulaklak."

"Two thousand five hundred po," sabi ng tindera.

Dumukot ako sa wallet ko ng three thousand pesos. "Keep the change, thank you!"

Ang lapad ng ngiti ng tindera. "Wow! Thank you, Sir. Hindi ka lang gwapo ang bait n'yo pa, sige po i-arrange ko na po ang mga bulaklak n'yo," sabi ng tindera.

Tumango ako at pagkatapos hinintay kong i-aarrange ang bulaklak, may mga buo naman ng bouquet pero mas maganda kasi yung ipapa-arrange mo dahil parang mas fresh na fresh ang mga bulaklak. Pagkatapos niyang ayusin naghanap naman ako ng pwedeng pagbilhan ng stationary at ballpen para magsusulat ako ng love letter kay Aika. Nang makabili na ako umuwi na rin ako.

Habang binabagtas ko ang daan pauwi sa bahay ng Papa ni Aika. Naka-ilang beses namang tumatawag si Dan at Fujima sa'kin. Ang sabi nila hinahanap na raw ako ni Aika.

Sinabi ko na lang sa kanila na papauwi na ako. Ilang minuto lang ang lumipas nasa harapan na ako ng bahay. Bago pa lang ako makalabas ng kotse nakita ko na sina Aika, Dan at Fujima na lumabas at sinalubong ako.

"Huds, saan ka galing?" tanong ni Aika sa'kin.

Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang paligid nang wala akong makitang mga kamag-anak ni Aika. I bent down para halikan siya ng mabilis sa labi.

"Woah! Tang ina ang bilis!" ani Fujima.

Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Aika dahil sa ginawa ko, parang sasabog naman ang puso ko dahil sa malakas na tibok.

"I have something for you," sabi ko.

"Ano 'yon?"

Bigla kong naisip ang sinabi sa'kin ng tindera. Kailangan ko munang gumawa ng love letter bago ko ibigay sa kanya.

"Malalaman mo mamaya, hindi pa tapos e," 

"Gano'n ba, ikaw ang bahala, kumain na tayo," sabi niya.

"Oo nga, kanina pa kami gutom,"sabad ni Fujima.

Sumimangot ako. "Bakit hindi kayo kumain, hindi ko naman dala ang kaldero?"

"Umiral naman ang pagiging moody mo, tara na kumain na tayo," ani Aika.

"Sige, mauna na kayo may kukunin lang ako sandali sa kotse,"

"Sige, sumunod ka na lang," sabay talikod no Aika.

Pagka-alis nilang tatlo pumasok ako sa loob ng kotse at nagsimula na akong magsulat ng love letter kay Aika.

Dear Aika.

You are the reason I wake up every morning with a smile because you bring an everlasting sweetness of my life. I want to say thank you for letting me be your boyfriend, this is my first experience with a girlfriend, but I will do my best to make you happy. I want you to be satisfied with me because you are the one that I want for the rest of my life. I love you. Aika.

Ryuuji.

Paulit-ulit kong binasa ang love letter ko sa kanya, hindi 'ko alam kung tama na ba ang ganitong messege dahil first time ko lang naman ito ginawa. Pagkatapos kong isulat inipit ko 'yon sa bulaklak na binili ko at pagkatapos binitbit ko 'yo papasok ng bahay. Huminga ako ng malalim nang nasa entrance door ako. Kinakabahan kasi ako. Hindi naman ako dapat mailang sa mga tao sa loob dahil alam naman nilang girlfriend ko si Aika. Ngunit nakakaramdam pa rin ako ng kaba. 

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon