Day 1
"Hey, wake up". Nagising ako sa boses na bumulong sakin di ko alam kung san nang galing yun kasi mag isa lang naman ako sa apartment ko. Hindi ko rin sigurado kung panaginip ba yun o may ibang tao bukod sakin dito sa apartment.
Napakamot ako ng ulo ko at tiningnan ang oras sa phone ko. 9:30am na pala kailangan ko na mag ayos kasi papasok pa ako ng school. 2nd year college na ako at nag aaral ako sa St Claire's college bilang Fine arts. Una di ko naman talaga gusto mag fine arts kaso alam nyo yun wala na kasi ako maisip na kunin dati iniisip ko mag dodoctor ako kaso di ako suportado ng magulang ko. Maraming bagay naman ang hindi nila sinusoportahan sakin.
Mahirap mabuhay mag isa.. yes nag iisa nalang ako kasi nag layas ako sa bahay namin. Mahirap kasing makisama sakanila kung hindi naman nila ako naiintindihan..
Mahirap din humanap ng susuporta sayo kasi kahit magulang mo ayaw sa mga bagay na gusto mo.
"Rozelliiieeee" boses palang kilala ko na. Sya yung bakla kong friend. Nag iisang kaibigan.
" Ano ba.. Rozelle pangalan ko." Sagot ko na naiirita. Ganito talaga ugali ko. Hindi ako marunong maging nice.
"Mas bet ko rozellie eh. " Malandi nyang sabi sakin.
Tsk.
"Eh kung tawaging kitang Ronaldo Baltazar!" Bwesit na bakla to.
Nagulat sya sa sinabi ko kaya napa ngiwi sya at tinakpan yung tenga nya "Peste ka rozelle!!!" Sabay takbo ni Ronie papasok ng gate ng school.
Nandito na naman ako. Dito mo makikita ang tunay na peste, kasi ang mga tao dito napaka hayup!!
Akala mo'y mga tigreng nag aaway ang mga babae sa hallway. At mga lalaki naman na parang unggoy kung pumorma.
Mahirap humanap ng tunay na kaibigan sa school lalo na't ako mismo ayoko sa kaibigan.
Si Ronie lang naman ang nag pumilit na maging kaibigan ko sya. Ang hirap kaya magka kaibigan ang paplastik at mga sisiraan ka sa ibang tao. Buti nalang mabait tong baklang to.
"Attenteeentiion." Mabagal kong basa sa naka paskil sa itaas ng Daily News Board namin dito sa school. Matatagpuan mo to sa main hallway ng school kung saan maraming dumadaan na estudyante.
Sophia Grace
19 years old
M I S S I N G
Huh. Ano to?
Maraming tao na rin ang naki tingin sa picture na naka paskil sa board. Lahat sila may sinasabi tungkol sa Sophia Grace na nawawala raw.
"Nakita ko lang sya kagabi kasama nya yung friends nya."
"Sya yung maganda sa HRM."
"Kaklase ko yan sa P.E.... bat naman bigla syang na wala"
"Hala, kawawa naman."
Ano kaya nangyari sakanya? Hindi ko sya kilala personally pero nakikita ko sya palagi dito sa school.
Nako baka nakipag tanan yan sa boyfriend nya. Balita rin kasi dito na may boyfriend yang artista. Maganda kasi sya at sexy. Tipikal na babaeng makikita mo sa tiktok hahaha
Nako hayaan ko na sila pumoblema jan. Kailangan ko pumasok na sa unang klase ko which is History.
Sino bang may gusto ng History bilang first subject!! WALA! Nakaka antok kaya lintik!
Pag pasok ko ng room nakita ko kaagad si Ronie na naka tingin sakin. Mukhang nag woworry sya. Kaya tinabihan ko sya sa upuan.
"Ano nangyare sayo?" Tanong ko habang inaayos ko yung bag ko sa upuan.
Hinawakan nya ako sa kamay at sabay sabing "Rozelle... Natatakot ako."
Dali dali naman akong lumingon at sabing "Baliw ka girl?" Natatawa pa ako. Pero nanatiling seryoso ang mukha nya. Tumingin sya sa phone nya at mukhang may hinahanap.
"Eto.. mag katext kami ni sophia kagabi kasi tinatanong nya ako kung anong materials ang dadalhin sa PE" Sabay abot nya sakin ng phone nya.
Ako naman nag tataka ako na kinuha yung phone ni ronie. "Mag classmate pala kayo?" Tanong ko.
Tumango lang sya at binasa ko na yung nasa phone ni ronie.
Sophia G.
8:35 pm
Hey, ronie?
Yes?
Ano nga dadalhin tommorow?
Pingpong ball dear. Hehe.
Okay, thanks.
Np!!
11:30 pm
HELP!! KUNG SINO MAN MAKA RECEIVE NITONG TEXT KO! HELP. NANDITO SYA!!!
Sophia?
Sophia sino nanjan?
Sophia! Uy girl sagutin mo call ko.
"Huh. Naguguluhan ako." Sabi ko sabay balik ng phone sakanya.
Lumapit sya sa may tenga ko at bumulong ng "Feeling ko pinatay sya"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Ok ka lang? Wag ka ngang praning. Panget kapag inuunahan mo--"
"Nag kausap kami dati. Sabi nya hindi raw safe ang buhay nya dito sa school." Pag putol na sagot sakin ni ronie. Anong hindi safe? Sasagot pa sana ako kaso dumating na ang professor namin.
Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Ronie. Totoo ba yun. May tao ba talagang papatay? Sa totoo lang naguguluhan din ako.
Sabi ko nga hindi kami close ni sophia pero dahil sa pinabasa at sinabi ni Ronie napapa isip ako sa lahat. Tama kaya sya na may pumatay kay Sophia?
End.
-------
See you in the next chapter.
Character :
Rozelle Ortega
Ronaldo Baltazar A.K.A Ronie
Sophia Grace
BẠN ĐANG ĐỌC
100 Days
Bí ẩn / Giật gânTungkol sa babaeng gusto makaranas ng kalayaan sa buhay at tagumpay ngunit iba ata ang napuntahan na landas.
